Chapter 4

16.6K 316 12
                                    

Naglalakad pa lang ako papasok ng campus, naiisip ko agad kung masasalubong ko ba si Sir Eros.

Okay lang naman dati. Hindi naman ako ganito ka-conscious noon. Wala rin malisya sa 'kin kahit anong klaseng tingin pa ang ibato niya.

Pero ngayon, nabibigyan ko ng kulay lahat. Feeling ko minsan disappointed siya, concerned o nang-iinsulto. E kung tutuusin, hindi ko naman siya gano'n kakilala. Hindi ako sigurado sa emosyon niya. Hilig ko na mag-assume ngayon. Sakit sa ulo.

Nag-vibrate ang cellphone ko kaya natigil ako sa pag-iisip. Tumatawag si Mama.

"Hello, Ma," sagot ko.

"Isay, sa Sabado na 'yong demolition."

Natigil ako sa paglalakad. Parang bumaba lahat ng dugo ko sa mukha. Nanlamig ako habang hindi mapakali. "Uh. . . kailan kayo pupunta rito?"

"Dadalhin muna namin 'yong ibang gamit kila Berta tapos luluwas na kami. Siguro sa Biyernes."

Para akong tutumba sa pagkahilo. Wala akong magawa. "Sige, Ma. Nasabi ko na sa landlady na dito muna kayo tutuloy. Apat naman ang limit sa apartment ko. Ingat kayo diyan."

"Oo, 'nak. Mag-ingat din, ha," bilin niya.

Mukhang isusuko na talaga ng mga magulang ko ang lupa.

Nabunggo ako ng kung sino pero wala na 'kong lakas para mag-sorry. Medyo yumulo na lang ako sa direksyon ng babae at dumiretso sa gate. Para akong nakalutang habang naglalakad.

Hindi ko alam kung paano ako makakatulong sa mga magulang ko. Hindi ko rin alam kung saan hahagilapin 'yong mag-asawang Delvan. Nakatira pa kaya sa kanila si Sir Eros? Kung sundan ko kaya?

Ugh.

Ayoko naman umabot sa—

Bumusina nang malakas ang isang sasakyan sa likod ko. Halos atakihin ako sa puso dahil sa gulat. Ang nasa isip ko lang ay kailangan kong umatras kaya nawalan ako ng balanse.

Kumakalabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Medyo masakit din ang tainga ko dahil sa busina. Nilingon ko ang sasakyan sa gilid ko, pero si Sir Eros ang bumungad sa 'kin.

My heart skipped a beat.

"Clariz. . ." bulong niya habang medyo hinihingal.

Sakto ang sinag ng araw sa likod niya kaya bahagya akong nakapikit para makita siya nang mabuti. Hindi niya alam kung saan titingin. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga braso at binti ko.

Finally, his eyes met mine. Para akong matutunaw sa tingin niya.

May sekyu na lumapit sa 'min kaya umiwas siya ng tingin. Nilingon ko naman ang sekyu.

"May masakit ba, Ma'am? Kailangan mo ng wheelchair?" magkasunod na tanong ng sekyu.

Tumayo na ako habang pinagmamasdan nila ako nang mabuti. Saka ko lang napansin na pinapanood din kami ng mga estudyanteng dumadaan.

"Okay lang po," sabi ko sa sekyu at kay Sir Eros.

Nagmadali akong umalis.

Uminit ang buong mukha ko. Nakakahiyang matumba sa gitna ng maraming tao! Sa sobrang mahiyain ko, talagang babangon na lang ako at aalis kapag nabundol.

Hindi naman tumama sa 'kin ang bumper ng kotse ni Sir Eros kaya ayos lang ako. Ang OA yata ng pagkakatumba ko kaya nag-panic din siya.

Hayst, bagong kahihiyan na naman.

"Belleza."

Naestatwa ako. Lumingon sa 'kin ang mga estudyanteng nasalubong ko dahil bigla na lang akong huminto. Bakit hindi niya na lang muna ako hayaan? Hiyang hiya pa nga 'yong tao dito oh.

When Liars PlayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora