Chapter 5: Not Lovers' Quarrel

Start from the beginning
                                    

"Pero inorder po yan ni Mr. Ford. Wag na kayong mag-alala, bayad na yan." Ngumiti ang isa at umalis na silang pareho.

'Don't worry dahil bayad na? Dear Julia, kahit very much tempted ka sa mga nasa harap mo ngayon. Kaunting hiya naman. Pride Juls. Panghawakan mo please.' ayan na! Naglelecture na ang konsensiya ko.

I grabbed my bag and turned around para umalis na.

"San ka pa pupunta?" halos mahulog ang baga ko nung nalaman kong nasa likod ko pala siya.

I took a long breath. "Yes i don't eat. Pero i can pay for my own meals. Ano bang pinapamukha mo? Fine mayaman ka. Pero sana wag mo akong ganituhin." Nainis lang kasi ako. Nakakainsulto kasi yung sinabi nung babae. Kulang na lang sabihin nya na " wag na kayong mag-alala kung wala kayong pambayad dahil mahirap kayo dahil binayaran na ni Mr. Ford dahil mayaman siya."

I walked away at dire-diretso lang ang tingin nang biglang may tumawag.

"Oh?" may halong  inis ang boses ko.

"Ay? Badtrip ka? Hoy! Ang tagal na nating hindi nagkita ano ka ba." Hay salamat! Tumawag na talaga si Jae. Actually matagal ko na siyang gusto makita at si Shai. Ang dami ko kasing ikwekwento sa kanila.

"Oo alam ko. Saan ba kayo ngayon?"

"Nasa tapat ng school nyo. Sa may park. May good news kami" excited na excited ang boses niya

"JULIA!" sigaw ng isang boses sa likod. Shems! Sinusundan ako ng baliw na lalaking ito!

Binilisan ko ang paglakad ko "Uy, papunta na ako dyan. Sige bye!" I ended the call.

Malapit na ako sa gate pero sinusundan nya pa rin ako.

"JULIA!"

Nafe-feel ko ang mga titig ng mga tao. Langya Daniel. Pag tayo, nabulletin board ulit, papatayin talaga kita. Binilisan ko pa ang paglalakad. Pero talo ako. Tumakbo siya hanggang nasa harapan ko na siya.

"Ano ba?! Ba't mo ako sinusundan?" - ako

"Eh ayaw mong huminto" I looked at him ng masama. Bwiset!

"Look I did not mean to offend you. I told you I like you, right?" P-paki-ulit? Ba't nabibigla ako sa mga salitang like-like na yan?

"Hindi ba normal sa mga lalaki na magpa-impress sa babae? through these things?" Tumingin ako sa baba. Galing din ng script ng lalaking 'to! 

"JULIA"

Inangat ko ang ulo ko as a sign of response.

"Hindi ba normal sa mga lalaki na maging concerned sa babaeng gusto nila?"

0——0 W-What? Buffering pa. SPEECHLESS AKO. SPEECHLESS TO DEATH.

Kayo nga, kasi. Kahit alam mong may sayad lang talaga ang kausap mo.. Yung way ng pananalita nya

.

.

.

.

.

.

.

.

Parang ......... Parang TOTOO. Pero duh! impossible! imposible talaga.

"Teka nga, wag mo akong dadaanin sa mga ganyang pick-up mo. Wait, i should just give you those rings." binuksan ko ang bag ko para hanapin ang box. Saan na ba yun? Yun! hawak ko na ito at handa nang ibigay sa kanya.

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now