Undying Love: Chapter Thirty-One

Start from the beginning
                                    

"Baby's nourishment or mommy Z's stubbornness?", mapanghamong saad ni Jace.

"I hate you Jace!", hindi napigilang bulalas ni Zoey.

"I know. That's why you're breaking up with me already", matamlay na tugon ng binata.

"I-im sorry Jace.", nakokonsensyang hingi ng paumanhin ni Zoey.

"It's okay Z.", pilit ang ngiting baling ji Jace sa dalaga. "Drink your milk before it gets cold.", utos muli nito at pinagpatuloy ang naantalang pagkain.

Pinangalahati lang ni Zoey ang gatas at umayaw na siya kahit anong pilit ni Jace.

True to his words, kinabukasan ay muli silang nagtungo ng hospital para malaman kung puedeng ibyahe si Zoey. Wala namang problema ayon sa doktor kaya agad tinawagan ni Jace si MariDel para maasikaso ang kanilang flight.

After 24hours ay nasa eroplano na ang dalawa pabalik ng Paris.

........

"Hey guys look at this.", agaw-pansin ni Brix sa mga kaibigan.

As usual nasa barn ulit sila kung saan tinuturing na nila itong pangalawang tahanan. May kanya-kanya na nga silang duplicate keys para anytime na gustong tumambay dito ay makakapasok sila ng hindi na iniistorbo pa ang mag-asawang Iñigo at Anary.

Minsan kasi na gustong mag-unwind ni Brix at Cyric ay sinadya pa nila ang bahay ng mag-asawa para kunin ang susi ng barn.

Wala namang problema dahil kapit-bahay lang ni Iñigo ang barn ngunit halos tagain sila ng kaibigan nila dahil wrong tyming ang dating nila.

Nasa kalagitnaan pala ng paglaloving-loving ang mag-asawa ng walang pakundangang mambulahaw sina Brix at Cyric.

Inis na inis na hinagis sa kanila ni Iñigo ang susi at nakamamatay na irap ang ibinigay ni Anary sa kanila na tinawanan lang naman ng dalawa.

"Ano yan? Porn?", excited na tanong ni Cyric.

"Uhm!", batok ni Brix dito. "Anong akala mo sa akin manyak?"

"Bakit hindi ba?", buska ni Cyric na hindi alintana ang batok ni Brix.

"Gago!", tawa ni Brix.

"Ano ba yan?", lapit na rin ni Marion sa kanila.

"Sandali..", saad ni Brix. Lumapit sa flat screen tv, may kinalikot saka ikinonekta ang cellphone doon. "Panoorin niyo."

Video clip yun ng fashion show ni Zoey sa Milan. Na-amaze pa sila nung una dahil sa galing at husay rumampa ni Zoey sa stage ngunit napalitan yun ng pag-aalala ng sa huling mga segundo ay bigla na lang nawalan ng malay ang dalaga. Kitang kita nila ang pagkakagulo ng paligid at ang pagtakbo palapit ni Jace sa nakahandusay na dalaga.

"Anong sabi sa article?", alalang tanong ni Skylar.

Muling kinalikot ni Brix ang cellphone at tumambad sa screen ang isang nakahighlight na caption.

"Overfatigue or pregnant?"

Napanganga ang mga magkakaibigan saka nagpalitan ng mga tingin.

"What do you think?", tanong ni Brix.

"Pregnant!", sabi ni Iñigo.

"Pagod lang yan.", kontra naman ni Cyric.

"Marion, nurse ka! Can you compute the days from the time na nawala sila sa bar until that incident?", utos ni Anary sa kaibigan.

Napabaling tuloy ang lahat sa lalaki.

"Its not hundred percent sure but....okay wait.", sang-ayon ni Marion ng magpameywang si Anary at Skylar.

"Okay based on my calculations, if may nangyari nga sa kanila ni Shinrei nung gabing nawala sila sa bar at nakabuo sila, then I guess, she's more or less three-weeks on the go.", napapatangong imporma ni Marion sa mg kaibigan.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now