Undying Love: Chapter Twenty-Nine

Magsimula sa umpisa
                                    

Tahimik nilang tinatapos ang mga gawain hanggang sa hindi na nakatiis si Cady at kinausap ang dalawa.

"I know you are m-mad at me right now ", umpisa ni Cady.

Tinignan naman siya ng dalawa. Napailing sa kanya si Anary saka tipid na ngumiti.

"Of course not! What made you said that?", agad namang sagot ni Skylar.

"Believe me wala talagang nangyari.", sabi ni Cady. Nasa mga mata ang pagsusumamo. "W-we kissed, yes but that's all.", amin pa niya.

"Its okay Cady.", saad ni Anary. "We wont judge you."

"Yeah!", sang-ayon naman ni Skylar. "Besides malalaki na tayo at alam na natin ang tama at mali."

"Hindi ka naman namin susumbatan.", dugtong pa ni Anary. "Pero hindi ka rin namin kokonsentihin."

Napatingin si Cady kay Anary.

"Kaibigan namin si Zoey pero hindi ibig sabihin nun na kakampi kami sa kanya.", sambit pa ni Anary.

Napatango naman si Skylar. "We cant blame Shinrei kung maghanap man siya ng iba."

"But then girl,", muling saad ni Anary. "Ayaw ka rin naming gawing rebound ni Shinrei. We all know kung gaano niya kamahal si Zoey. Ayaw ka naming masaktan. Kahit sa maikling panahong nakasama ka namin, hindi ka na rin iba."

"Yes! Kaibigan ka na rin namin Cady", saad ni Skylar na nakangiti sa dalaga.

Napaluha naman si Cady sa sinabi ng dalawa. "T-thanks guys", ang tangi na lang niyang nasambit.

"Wala yun. We are just concern. Kaya sana mag-isip ka ng mabuti.", sabi ni Anary kay Cady. Lumapit ito sa dalaga saka tinapik ang balikat.

"Y-yes I will.", tumatangong sagot ni Cady.

"So okay na ba lahat? Tara na balik na tayo sa barn at ng makaalmusal na.", aya na ni Skylar sa dalawa.

........

Katatapos nilang mag-agahan ng masinsinang kinausap ni Shinrei si Cady sa isang sulok ng barn.

Nag kanya-kanyang pulasan naman ang kanilang mga kaibigan at ibinigay ang oras para sila makapag-usap.

"I...im sorry for what I did last night.", nahihiyang sambit ni Shinrei. Nasa magkabilaang dulo sila ng sofa. Waring nahihiyang magkalapit ang kanilang mga katawan.

"Ahm...its okay dont worry.", nakayukong sagot naman ni Cady.

"I was just drunk.", patuloy naman ni Shinrei

"Hey! I said its okay. No big deal." Napaangat ang ulo ni Cady saka tumingin sa katabi.

Marahas namang napatingin si Shinrei sa kinakapatid. "For you its no big deal, well sa akin hindi."

Nagtitigan sila. Matagal.

"Para kang bata Shin. Halik lang yun. Its not as if we fcuked!", natatawang iling ni Cady.

"But still we kissed!", giit naman ni Shinrei.

"A-ano bang pinupunto mo Shinrei?"

Nagsukatan ng tingin ang dalawa bago sumagot ang binata.

"Do you still have feelings for me?", walang kakurap-kurap na tanong ni Shinrei.

Napanganga naman si Cady. "W-what do you mean?"

"If yes, then teach me how to love you!"

"Nababaliw ka na ba?!", hindi mapigilang magtaas ng boses ang dalaga.

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon