Undying Love: Chapter Twenty-Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatda naman si Iñigo at pilit kumakawala sa hawak ni Shinrei. "Wala akong alam pare. Nagbibiro lang ako kanina.", paliwanag niya.

"Maniwala ka wala akong ideya sa totoong nangyari!", dugtong pa ni Iñigo.

Pasalyang binitawan naman ni Shinrei ang kaibigan saka sumakay sa hummer niya. Agad sumunod si Iñigo sa takot na iwanan siya doon ni Shinrei.

"Tawagin mo ang tropa. Sa barn mo tayo!", utoz ni Shinrei.

Agad namang tumalima si Iñigo.

.........

Magkakaharap ngayon ang mga magkakaibigan. Dinadamayan si Shinrei na kanina pa napapalatak!

Lasing na rin ito. Samantalang ang apat ay halos hindi pa nababawasan ang mga iniinom.

Lihim silang nag-usap at napagkasunduang hindi sasabayan sa pag-inom si Shinrei sa takot na magwala ito.

"Mga puny*t* kayo ano ako lang uubos ng lahat ng ito!?", galit na bulyaw ni Shinrei sa mga kaibigan.

Sakto namang papasok si Anary at Skylar na may dala-dalang mg chips at pulutan.

"Si Cady on the way na.", imporma ni Skylar.

Binalingan sila ni Shinrei at sila ang napagdiskitahang litanyahan ng lalaki.

"Bakit yang kaibigan niyo?", lasing na tanong niya. "Ang hilig mang-iwan sa ere!"

Hindi naman sumagot ang dalawang babae at tahimik na inilapag sa lamesa ang mga dala-dala.

"Mahal ko naman siya. Mahal na mahal pero bakit?!", patuloy ni Shinrei habang masama ang tingin sa dalawa. "Bakit gustong-gusto niya akong sinasaktan?! Bakiiiit?!?!?!?", gigil na sigaw ni Shinrei.

Sakto naman ang entrada ni Cady. "Ayy...may darna ba dito?"

Napatingin naman sa kanya si Shinrei habang ang mga magkakaibigan ay sinisenyasan siyang tumahimik.

"Ikaw!", turo ni Shinrei kay Cady. "Mabuti ka pa! Kahit umaayaw ako sa'yo nanatili ka sa tabi ko. Bakit si Zoey na gusto ko ayaw manatili sa tabi ko?!", nag-uumpisa ng bumalong ang luha ni Shinrei.

Nagtatanong ang mga matang tinitigan isa-isa ni Cady ang magkakaibigan.

Isinenyas ni Iñigo na umalis si Zoey ng walang paalam.

Nang-uunawang napatingin si Cady kay Shinrei. Ayun na naman ang mumunting kirot na huli niyang naramdaman noong unang nagkaganito ang binata.

"Tama na yan.", lapit ni Cady sa kaibigan saka tinapik sa balikat. "Bakit hindi mo siya puntahan at kausapin?"

Marahas na tumingin si Shinrei sa babae. "Para ano pa?! Para ipamukha sa akin na pinili niya yung lalaki niya kesa sa aking asawa niya?!"

"H-hindi naman sa ganun.", alo ni Cady.

"Eh ano?! Pinagmukha niya akong tanga! Ano, hinayaan niyang may mangyari sa amin para makuha niya ang gusto niya?!", walang gatol na saad ni Shinrei. "Para pumirma ako sa annulment namin at mapakasalan niya yung lalaki niya?!"

Napasinghap naman ang mga babae samantalang nagkibit-balikat ang mga lalaki habang nagtitinginan.

"Kagaguhan.", gigil na usal muli ni Shinrei saka muling nilagok ang hawak na alak.

"B-baka naman may maganda siyang paliwanag pare.", sabi ni Marion.

"Puny*t*ng paliwanag yan! Ni hindi nga niya magawang magpaalam sa akin ng harap-harapan. Kahit man lang sana sabihin niyang Hoy gagong Shinrei t*ng in* mo! Lalayasan na kitang hinypak ka! Sasama na ako sa fiancee ko dahil ayaw ko na sa'yong lintik ka!"

Hindi na naman nakaimik ang mga kaibigan.

"Nakakagago. Nakakababa ng pagkatao! Ang dali kong nauto sa taktika niya.", halos mabasag ang baso sa tindi ng hawak dito ni Shinrei.

"Shinrei. Will you relax?", usal ni Skylar.

"Relax?!"; galit na baling ni Shinrei sa dalaga. "Sa tingin mo magagawa ko pang magrelax?!"

"Alam mo Shin,", agaw ni Anary. "Kahit magngangangawa ka pa dito wala kaming maisasagot sa mga tanong mo. Kahit magwala ka dito, wala kaming magagawa at lalong hindi nun mapapasinungalingan ang katotohanan.", waring napipikon ng saad ni Anary.

"Simang...", alo ni Iñigo saka tinitigan ang asawa sa nagpapaunawang tingin. Napabuntong hininga naman si Anary.

Napatawa ng mapakla si Shinrei. "Tama ka Anary. Dahil walang puso yang kaibigan niyo! Wala siyang kwenta! Sana hindi na lang siya ang babaeng minahal ko. T*ng in* niya. Magsama sila ng hayup na lalaki niya!", tila lalong nagalit ang binata.

"Shin. Wag ganyan.", saad naman ni Brix. "Asawa mo pa rin yun."

"Asawa?! My ass!", salubong ang kilay na sambit ni Shinrei. "May asawa bang mas pinili ang kalaguyo kesa manatili sa akin?!", muling binuhusan ng alak ang baso saka tinungga. Inulit niya pa yun ng dalawang beses saka pinunasan ng marahas ang mga labi gamit ang kanang braso.

Napailing naman ang mga kaibigan at tahimik na lang na pinanood ang binata na nilulunod ang sarili sa alak.

Kahit naman anong sabihin nila ay may isasagot ang binata. At hindi sila mananalo dito lalo at nabubulagan ng galit at hinanakit.

Nakinig na lang sila sa mga salitang namumutawi sa binata.

Malalim na ang gabi ng magkanya-kanya ng pwesto ang magkakaibigan at naghandang matulog.

Si Shinrei ay halata ng lasing, tahimik na nakasandal sa sofa bed ngunit may tangan-tangan pa ring alak sa kamay.

Nilapitan naman siya ni Cady at tinabihan sa pagkakaupo.

"Sana...sana ikaw na lang siya.", wala sa loob na usal ni Shinrei.

Mulagat naman si Cady at napaharap sa binata.

Nilingon naman siya ni Shinrei. "Sana ikaw na lang ang minahal ko. Dahil nasisiguro kong hindi mo ako iiwan."

Hindi naman makapagsalita si Cady.

"Mahal mo pa ba ako hanggang ngayon Cady?"

Napanganga si Cady sa hindi inaasahang tanong ni Shinrei.

Nagkatitigan sila.
Nangungusap pareho ang kanilang mga mata.

Hindi na nagawang pigilan ni Cady ang binata ng unti-unti nitong tawirin ang kanilang distansya.

Mapusok siyang hinalikan ni Shinrei. Impit siyang napaungol.

Sa wakas! Mangyayari na rin ang matagal na niyang inaasam. Ang maging kanya ang binata.

Hindi niya napigilan ang sarili at tinugon ang halik ni Shinrei. Ikinawit ang mga braso sa leeg nito at hinatak pa palapit ang binata sa kanya.

Lumalim ang kanilang halik. Naglabanan ang kanilang mga dila.

Hanggang sa dahan-dahan siyang ipahiga ni Shinrei sa sofa bed.

..........................................................................

A/N:

😲😲😲
Jusko day anung nangyayari!😅😅

See Cady Bautista above!☺

Forever Love Series 1: Undying Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon