Chapter 4 : Is He Confessing?

Começar do início
                                    

"Ikaw ba ang nagsabi sa prof ko about sa invite? Ikaw ba yung nang-invite sa akin?" Inipon ko na ang lakas ng loob ko para matanong ko sa kanya ito ng diretso.

"Yes, and you accepted it.. diba? Hindi ko naman alam na pati babae.. namamangka na din sa dalawang ilog." Sabi nya sabay na inom ng wine. 

"E-excuse me? Teka. H-hindi K-ko-" Sinubukan ko sanang mag-explain pero nagsalita na siya.

"Oh c'mon Julia. Pwede mo naman sabihing ayaw mo. I've never been humiliated like this in my whole life. Was I stupid?" In one gulp, inubos nya ang wine na natira at umalis. 

Inuntog ko na lang ang ulo ko sa table. Ugh Juls. Ang tanga mo. Ang tanga mo talaga. Earphones pa Juls! Naguilty ako. Ilang segundo pa ay may naramdaman akong kamay sa wrist ko. Mahigpit ang pagkakahawak. Pagtingin ko'y nalaman na si Daniel pala yun. Galit na galit ang mukha. 

Hinila nya ako kaya't napatayo ako. Ginagalaw-galaw ko ang kamay ko para maalis ito sa pagkakahawak nya. Mabuti na lang. Ang attention ng mga tao ay nasa mga taong nasa dancefloor. Huminto siya. 

"Ano ba. Bitiwan mo ako." - me

Hindi nya ako pinansin at hinila pa rin ako. Nakalabas na kami sa venue at nakarating sa garden. Binitawan nya ako ng biglaan kaya halos natapon ako. 

Napahawak ako sa wrist ko. "HOY! Ano bang problema mo?! Hindi ko alam na ikaw pala yung nang-invite sa akin kaya pwede ba, don't make a big deal out of this. Nagkakamali din naman ako!" Sigaw ko sa kanya. 

Lumapit siya at kinuha ang pulso ko. Namwersa naman ako. "Bitiwan mo ako!!" Humihinga ako ng mabilis. Naguiguilty lang ako kanina pero nakakaimbyerna talaga siya!

"Sorry kung nahigpitan ko ang hawak. Gusto ko lang naman marinig ang explanation mo." Lumapit siya. 

"Bakit? Hindi ba pwedeng sa loob?!"

"Katabi mo anng partner mo. Hindi ba awkward yun? And i need you to explain everything!" - Daniel

I breathed normally after that. Okay? May right naman talaga siya. For the last time. Just tell him what happened Juls.

"Nakaearphones ako that time. I thought it was my bestfriend's invitation. I'm sorry okay? I didn't want these things to happen." - me

"Fine" Blanko nyang sabi

"Then are we done?" balik ko sa kanya habang nagco-cross arms.

"Yeah." Tumalikod na ako pagsabi nya nyan. 

"A-after you'll dance with me." Napahinto ako. A-ano daw? Bumalik ang tingin ko sa kanya. 

"what?" Tanong ko. 

Naglakad siya papunta sa akin. "Dance with me. Ang unfair. Yung isa mong partner sinayaw mo. You still agreed to be my date tonight after all. Isn't it a little bit selfish if you don't do this with me tonight? Wala namang tao ah." Hindi siya nakatingin sa akin.

"Ha. You're joking right? Am i that easy to you? May topak ka ba talaga? SA dami ng babae ba't ako pa kasi ang napili mong partner? O baka parehas ka sa mga napapanood ko? Yung mga rich kids na pinagtitripan ang mga katulad ko? HAHAHA ano? Sayaw? Grabe. Grabe ka." Pabulol-bulol kong ganti sa sinabi nya. 

May idadagdag pa sana ako pero tiningnan nya na ako sa mata. "Julia" 

Ako naman ang nag-iwas tingin. Argh paano ba ako naabot sa ganitong situation? 

Not That Intricate Love Affair (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora