27: Kiel Ramirez

6.1K 170 0
                                    

[Chapter Twenty Seven]



Itong araw na 'to 'yung pinakahihintay ko eh kasi susunduin namin ni Jerard yung best friend ko na galing sa ibang bansa sa airport. Hindi ako taksil kay Hannah, siya naman main ko hehe



"Asaan na ba 'yung sinasabi mo? Ang tagal naman kasi eh." Naiinip na sabi ni Jerard



Almost 1hr na kasi kami dito pero wala parin si Kiel. Kiel Ramirez, galing siya ng London at magbabakasyon siya ngayon dito at para bisitahin na din ako.



Paano ko siya nakilala? Magkaibigan na kasi kami nung elementary pa lang, childhood best friends din kami, super close kami at crush ko nga siya noon eh pero crush lang kasi may Jerard na ako ngayon. Nung nasira family ko doon na din kami nagkahiwalay, after so many years nahanap niya ako at nakapagusap kami then sabi niya sunduin ko daw siya sa airport kaya heto kami ni Jerard ngayon.



"Ano ba itsura non?" Tanong ulit ni Jerard na nagkakamot sa batok



"Hintayin mo na lang kasi. Magkakasundo kayo non for sure. Omg!" Naeexcite kong sabi



"Okay sige sabi mo eh." Sagot niya at napabuntong hininga pa



Tinignan ko lahat ng sulok ng airport, para akong spy na nagmamatyag ng kriminal dito. Wala pa kasi si--



"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH" Nagtatatalon pa ako



"Sweetie? Anong nangyayari sa'yo? Napano ka? May masakit?" Nag-aalalang tanong ni Jerard habang sinusuri ako



"Ayun na siya oh, si Kiel!!" Sigaw ko "KIEL! DITO!" Patuloy ko hanggang sa mapalingon siya



"Ariana?" Niyakap niya ako nung nakalapit na siya sa akin



"Kiel! I miss you so much. Kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya



"I'm fine, Ariana! Mas namiss kita, hindi ka parin pala lumalaki. Akala ko may pagbabago na." Pang-aasar niya habang naksmirk



"Che! Pasal--"



"Uhm.." Si Jerard pala, nakalimutan ko na kasama namin siya


Maid For HireWhere stories live. Discover now