23: Prom Night

6.7K 199 3
                                    

[Chapter Twenty Three]



Prom Night. Prom. Promenade. Date. Dance. Flowers. Masks. Masquerade Ball. Gowns. Girls. First Dance. BOYS!! LONER!! LONELY!!



Lahat ng 'yan ang nasa isip ko ngayon at hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko ngayon habang nakatayo dito sa sulok. Kinakabahan ako na natatae na naeexcite na hindi ko talaga mawari. Sino kaya magsasayaw sa akin? Ayoko kasing nakaupo lang naman, gusto ko din i-enjoy.



"Okay ka lang ba Ariana? If it is about our topic kanina, I'm fine with it tal--"



"Yeah, I'm fine Hannah, ayos lang ako. Hindi 'yon, kinakabahan lang talaga ako." Putol ko sa sasabihin niya



"Sigurado ka ah? Tara doon kila Trish at Kate, assembly na din niyan eh." Hinila niya ako at pumila na kami sa gitna ng court



Aww nakakaiyak talaga kasi wala akong partner kasi kami ni Hannah 'yong huling pumila eh. Kaya ayun loner ako ngayon dito sa pila, lagi na lang mag-isa charing. Si Dylan naman kasi wala parin hanggang ngayon, late na siya sa usapan namin. Mag-isa kong lalakad niyan sa red carpet, baka matapilok ako. Sana hi---



"Hi Ari! I will be your partner ngayong gabi kasi mukhang mag-isa ka naman at mukhang wala kang kasamang maglalakad eh."



Napalingon naman ako sa nagsalita. Lumaki 'yong mga mata ko.



"J-Jerard? B-Bakit ikaw? Baka magalit si Andrea mo sa ginagawa mo eh." Sabay irap ko sa kanya "Alis na nga diyan! Doon ka sa iba makipartner!" 



"Wala na kami, Ariana." Simpleng sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko



"Why? Anong nangyari?" Bigla akong nacurious



"I have my own reason." Seryosong saad niya naman



Hindi na ako nakapagsalita kasi kami ng dalawa 'yong lalakad sa red carpet. Inabot niya 'yong braso niya kaya isinabit ko naman 'yong isa kong braso dahil nakatutok na 'yong ilaw sa amin at baka sabihin na ang choosy ko. Habang naglalakad ay naghihiyawan ang mga estudyante at yung iba pinipicturan pa kami. Siguro dahil sa ang gwapo ni Jerard ngayon. Lagi naman eh, dagdag ng isip ko.



Hinatid na niya ako sa table ko at umupo na din siya sa kabilang side ng hall. Hiwalay kasi ang lalake at babae.

Maid For HireWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu