2: The New Job

13.2K 297 7
                                    

[Chapter Two]


Cause we're young and we're reckless
We'll take this way too far
It'll leave you breathless
Or with a nasty scar
Got a long list of ex-lovers
They'll tell you I'm insane
But I got a blank space baby
And I'll write your name


Kinapa ko 'yung bedside table ko para hanapin 'yung cellphone ko...

May tumatawag? Sino kaya 'to?

"Hello?" Sagot ko habang nakapikit at nakasandal sa kama ko 

"Ari? Nagising ba kita? Pasensya ka na, importante kasi sasabihin ko sa'yo ngayon eh." Si Ate Diane, agad naman akong napabangon at kinabahan

"Hindi ate, okay lang po. Ano po 'yung sasabihin niyo? May mali ba sa inventory ko kahapon?" Sabi ko na parang hindi kinakabahan

"Hindi 'yun, Ari. Maayos naman 'yung ginawa mo kahapon pero 'yung ginawa mo sa isang customer natin, hindi. Nagalit si Mister Ken Dy, hindi ko na nga sinabi sa kanya pero may ibang nagsabi sa kanya." Balita ni ate sa akin sa kabilang linya at patuloy sa pagbuntong hininga "Naku naman kasi, Ariana."

"Malamang si Jerard ang nagsabi nun kay Mister Ken Dy." Sabi ko kay ate Diane

Kinakabahan tuloy ako, sino ba namang hindi, diba? Baka matanggalan pa ako ng trabaho nito eh. 

"Ano pang sabi ni boss, ate?" Hindi na ako makahintay sa sasabihin pa ni ate Diane kaya inunahan ko na siya

"Sabi niya wag ka na daw pumasok sa lunes." May lungkot sa boses niya, "Sinabi ko naman sa kanya 'yung dahilan na nagkaroon lang ng konting misunderstanding, pinaliwanag ko lahat pero wala eh, di nakikinig." Habol pa ni ate Diane

"Urggggh! Kasalanan ni Jerard lahat 'to eh. Bwisit na lalake 'yun, sinusumpa ko siya." Frustrated na sabi ko, kulang na lang sipain ko na 'yung TV sa harap ko tapos hindi na ako nakapagsalita and the next thing I knew, umiiyak na ako. 

"Ariana? Akala ko ba strong woman ka? Bakit ka umiiyak? Iiyakan mo 'to? Ang liit ng sweldo dahil sa kuripot nating boss." Saka siya tumawa, napatawa din ako "Huwag kang mag-alala. Hahanapan kita ng trabaho, madaming kilala 'yung ate ko na pwede ka ipasok." Mabilis na dagdag ni Ate Diane

"T-Talaga ba, ate? Omg salamat, salamat talaga ate!" Gumaan naman ng konti 'yung pakiramdam ko dahil sa sinabi niya at pinunasan ang mga luha at uhog ko na kanina pa nagre-racing sa paglabas

Napakabait talaga nitong si ate Diane.

"Oo, tatawagan na lang kita mamaya kapag nacontact ko na 'yung ate ko." Sabi niya sa akin

"Sige po, salamat ulit, ate." Paulit ulit kong sabi

"Para ka namang others, Ari. Thank you ko na din 'to dahil lagi mong kinocover shift ko sa tuwing malelate ako." Sabi naman ni ate, "Sige na, Ari. Ibababa ko na 'tong tawag dahil baka maubusan ako ng load, wala na akong pantawag sa'yo mamaya." At namatay na 'yung tawag

Sana may mahanap si Ate Diane. Wala akong pera niyan para sa baon ko sa susunod na linggo. Naubos 'yung ipon ko dahil nag-grocery ako nung isang araw, hindi pa nga ata aabot ng isang linggo mga pagkain ko dito sa bahay. Kung minamalas ka nga naman, diba?

Bumangon na ako sa pagkakahiga kasi wala namang mangyayari sa akin kung hihiga lang ako maghapon, eh hindi na rin naman ako makatulog.

Nagbibihis ako ng biglang magvibrate 'yung cellphone ko na nasa kama.

Maid For HireWhere stories live. Discover now