17: Taking Care of Her

7.1K 182 0
                                    

[Chapter Seventeen]


Maaga akong nagising dahil naramdaman kong masakit ang ulo ko, hindi maganda ang pakiramdam ko, nilalagnat at nahihilo pa ako. Hindi ata ako makakapasok sa school at trabaho ko ngayon. Ano ba 'yan? Sayang lessons at sweldo ko niyan.




"Hay hindi na baleng hindi ako makapasok sa school ngayon pero kailangan kong pumasok sa trabaho ko. Kakayanin ko 'to! Naka-ilang absent na ako sa trabaho, hindi na pwedeng maulit ulit." Pinilit kong lumabas ng bahay at bumili ng gamot sa pinakamalapit na tindahan kasi wala din naman akong mauutusan




Nagpahinga na lang ako buong maghapon para may lakas ako mamaya sa trabaho at bago pa man mag-alas kwatro ay nakabihis na ako at umalis, kahit na nahihilo at sinisinat parin ako ay naglakad na lang ako.





"Ariana? Bakit ka namumutla? Okay ka lang ba? Nilaklak mo ba lahat ng suka sa inyo?" Bungad ni Dylan ng makapasok ako sa kusina "Ayos ka lang ba?"





"Ha? Papasok ba ako kung hindi ako okay, Dylan? Ito talaga oh. Ayos lang ako." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Kasinungalingan Ariana





"Sigurado ka ha? Huwag kang magpapakapagod ha? Magpahinga ka kapag hindi mo na kaya." Paalala niya bago siya tuluyang pumunta sa kung nasaan ang kusina





Kahit nakatalikod siya ay nginitian ko parin siya dahil napakabait kasi ni Dylan. Nagbihis na ako ng pangkatulong kong peg at umakyat na sa kwarto ni Jerard. Muntik pa akong masubsob sa unang step ng hagdan pero nakayanan ko naman akyatin.




Pagkapasok ko sa kwarto niya ay walang tao, saan ba nagpunta 'yon? Dapat kasi kanina pa siya andito sa bahay nila kasi sabay lang naman ang uwian namin tapos iniwan niya pang medyo makalat at madumi 'yong kwarto niya. Lagi namang ganito, di pa ba ako sanay? Saka kaya ka nga nandito, diba? Sabat ng utak ko.




Sinimulan ko namang pulutin lahat ng malalaswa niyang magazines at nagpulot ng mga papel na nakakalat, pinunasan ko na din 'yong tv niya, mga gadgets niya at mga salamin na nandito pero hindi pa ako nangangalahati sa ginagawa ko ay nakaramdam ako ng konting pagkahilo at doon ko na lang naramdaman na unti-unti na akong natumba at nagdilim lahat ng nasa paligid ko

~~



JERARD'S POV


Ang tagal magpalabas ng professor ko, kanina ko pa gustong umuwi kaso ang tagal talaga. 'Yong dapat isang oras lang na subject naging isang oras at kalahati. Mga professor na ayaw paawat.




Nagmadali akong lumabas at pumunta sa parking lot para sa kotse ko. Bakit feeling ko may kulang sa akin? Ang weird ng feeling ko ngayon. Nakakita naman ako ng mga babae kaninang lunch at nalibre pa nila ako ng pagkain tapos nakatulog din ako sa library ng maayos kanina. Ano pa kaya kulang?




Nadaanan ko naman 'yong apartment ni Ariana, nakasara ang pinto at mga bintana. Bakit kaya hindi pumasok 'yon ngayon? Tinatamad siguro, baka hindi din pumasok sa bahay 'yon ngayon. Itetext ko na lang siya mamayang gabi. 



Para ano? Para sabihing na-miss mo siya? Baka siya 'yong kulang sayo? Sabat naman ng isip ko



"Kailan ka pa natutong magsalita? Manahimik ka nga!" Sabi ko sa isip ko habang nagda-drive pauwi na ng bahay




Maid For HireWhere stories live. Discover now