8: Kiss

9.2K 221 0
                                    

[Chapter Eight]



Humiga lang si Jerard sa kama na nasa loob ng hotel room at kinuha yung FHM magazine sa bedside table, si Angel Locsin naman 'yung cover ngayon. Grabe every issue of the month meron ata siya. At isa pa, saan pala galing 'yong magazine? Hindi ata 'to mabubuhay kapag hindi nakabasa ng ganon eh. 

"Kaya nga may upuan dito, diba? May silbi 'yan kung uupuan mo." Sabi niya at pinat 'yung space sa tabi niya

Hindi na lang ako nagsalita at nilibot 'yung kabuuan ng hotel room at isa pa ayaw ko nga umupo sa tabi niya, baka ano na namang isipin niya. Lalabas sana ako sa veranda kaso nagsalita siya.

"Ano bang pumasok sa isip ng batang 'yun? Pero narinig mo naman siguro kanina, diba? They want proof." Sabi niya, doon parin sa magazine nakatutok 'yung mata niya

"Anong gusto mong gawin ko? As if namang may maipapakita tayo. Sabihin mo na lang na hindi pwede kasi SPG ganyan or bawal kasi for adults only." Pagdadahilan kong sabi sa kanya

Hindi na siya nagsalita ulit pero inilabas niya 'yung iPod niya habang nagscroll at nakasmirk.

"Hoy Jerard, parang gago naman 'to eh. Ano ba 'yan? Itigil mo na 'yan? Ang ingay!" Pasigaw akong lumapit sa kanya habang nakalagay 'yung kamay ko sa magkabilang tenga ko

"Ang alin na naman Ariana? Wala naman akong ginagawa sa'yo ah." Painosente niyang tanong sa akin habang nakangiti

"Isa hoy patayin mo 'yan sabi eh, ang lakas lakas. Mahiya ka nga!" Binato ko siya nang sapatos na suot ko pero nakailag siya. "Dalawa, patayin mo na kasi sabi eh." Inagaw ko sa kanya 'yung iPod niya pero tinataas niya

Kadiri talaga 'tong lalake na 'to tapos ang ingay-ingay nung pineplay niya sa iPod niya. Nagplay ba naman kasi siya ng porn tapos naka full volume pa, parang kami tuloy 'yung gumagawa noon kung ikaw 'yung taong makakarinig sa labas, hindi ba?

"Tatlo Jerard! Ibigay mo nga sa akin 'yan, kapag 'yan nakuha ko, babasagin ko din 'yan!" Sabi ko sa kanya habang inaagaw parin 'yung iPod sa kamay niya

"Oy oy oy, hindi mo pa nabayaran 'yung iPhone ko, isusunod mo naman 'to." Sabi niya at inilipat sa kabilang kamay 'yung iPod

"Akin na sabi kasi 'yan eh---" 

Hindi ko na natuloy 'yung sinasabi ko kasi naout of balance ako kaya naman nalaglag ako sa ibabaw niya at napahiga kami sa kama. Nakatingin lang ako sa mata niya, nakatitig lang din naman siya tapos nakita kong napatingin siya sa labi ko.

"Gusto mo bang totohanin na natin 'yung proof?" 

"Gago!" Sabi ko tapos tumayo na at naglakad palayo sa kanya. Punyeta! Feeling ko namumula na ako sa kahihiyan.

"Ang kulit mo kasi eh, ito na nga kasi sabi 'yung proof. Kunwari ikaw 'yung babae na nasa video. Aayaw ka pa? Hindi na nga natin ginawa talaga. And besides, maganda naman 'yung boses nang babae kaysa sa boses mo." Natatawa niyang sabi sa akin, sa bwisit ko ay binato ko pa 'yung isang pares nang sapatos ko

"Jusko naman talaga! Ano bang nagawa kong kamalian sa nakaraang buhay ko at ganito ang parusa sa akin? Maawa kayo!" Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang tinitignan siyang tumatawa

------------


Pagkalipas ng ilang oras, may kumakatok na. Panigurado si Jerem na 'to. Kung hindi lang 'to bata baka nailibing ko na din 'yon ng buhay. 

Maid For HireWhere stories live. Discover now