9: Jerard's Mom

9.1K 211 0
                                    

[Chapter Nine]



Sa sobrang sarap ng tulog ko, hindi ko namalayan na gumulong na ako pabagsak sa kama. 

"Aray! Aray! Ang ganda ng gising ko ah" Napahawak pa ako sa bewang ko, nabali ata buto ko.

Ang tanga naman talaga ng kama ko, hindi sinabi na mahuhulog na ako, diba? Bakit kasi hindi niya sinabing single bed lang pala siya? Edi sana nakaadjust ako. 

"Lakas ata ng tama ko, hanggang ngayon meron pa rin ata sa utak ko 'yung alak?" 

Bumangon na lang ako dahil wala na din akong gana matulog dahil ang sakit talaga ng bewang ko.

"Ang sakit ng ulo ko. Ganun ba kadami nainom ko? Paano ba ako nakauwi dito sa apartment ko?" Umupo muna ako sa kama habang hinihilot 'yung sentido ko at iniinda 'yung sakit ng bewang ko

Party. Jerem. Jerard. Porn. Bar. Kiss------- TANGINA!

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Napasigaw ako dahil doon sa huling pangyayari na pumasok sa isip ko at lalo na namang sumakit ang ulo ko "Aray! Aray! Pero ano ba 'yung huling pumasok sa isip ko?"

"P-Pero totoo ba kaya... H-Hinalikan ko siya?!" Hindi ko maipasok sa kukote ko ng buong buo 'yung nangyari kagabi. 

Hindi ako makapaniwala. 

Pumikit pikit ako pero nakikita ko 'yung mukha niya, mukha ni Jerard na malapit sa mukha ko.

Bumalik ako sa katauhan ko ng biglang mag-ring 'yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino 'yung tumatawag...

Jerard calling...

Namula naman 'yung mukha ko nung makita ko kung sino 'yung tumatawag. Ayokong kausapin siya. Nakakahiya kahit hindi ko alam kung naaalala niya 'yung nangyari.

"Lasing din naman siguro siya no? Wala naman siguro siyang idea?" 

Ano ba naman kasi 'to? Saka anong tinatawag tawag niya? Wala naman akong trabaho ngayon at ang  aga aga pa para bwisitin niya ako eh. Wala akong panahon para magpakita sa kanya ngayon. 

Kunwari wala na lang ako maalala...

"H-H-Hello?" Nauutal kong sagot sa kanya. Bakit ba ako nauutal?

"Ariana, kamusta naman pakiramdam mo? Okay ka na ba diyan? Masakit ba 'yung ulo mo?" Concern ba 'to?

"A-Ano okay lang naman ako, sumasakit lang 'yung ulo ko pero all in all okay naman ako. Bakit ka nga pala napatawag? May kailangan ka ba?" 

"Sabi kasi sa'yo medyo malakas 'yung ininom natin kagabi eh pero ayaw mo magpaawat, ang lakas ata ng tama sa'yo non." Natatawa niyang sabi sa akin "Siya nga pala, pinapatawag ka ni Lola ngayon."

"A-Ah hehe oo kagabi." Parang tanga kong sagot "Oo nga, grabe pala 'yung lakas nun. Ni hindi ko na nga alam mga pinaggagawa ko kagabi eh." Sana naman maniwala ka "At bakit pala ako pinapatawag ni Mrs. Martinez? May problema ba?" Pag-iiba ko ng topic

"Hindi ko alam, it seems important. Basta ang sabi niya she needs you right now." Sabi niya tapos napabuntong hininga siya "May naaalala ka ba kagabi, Ariana?" 

LUB DUB LUB DUB LUB DUB (A/N: Tunog ng puso 'yan, bahala kayo. HAHAHAHA)

Ito na nga ba kasi 'yung sinasabi ko eh. 

"Kagabi? Wala akong maalala eh, medyo malabo 'yung mga nangyari kagabi saka sabi ko nga sa'yo hindi ko na alam pinaggagawa ko. Bakit? May nagawa ba akong hindi maganda?" Sabay tawa ko pero deep inside kinakabahan ako at nahihiya

Maid For HireWhere stories live. Discover now