26: "I'm so happy to have you."

6.4K 205 0
                                    

[Chapter Twenty Six]



Napakarami kong tanong sa buhay, isa na dito ay 'yung "Bakit kasi kailangan pa mag-aral?" at "Bakit kailangan pang pumasok?"at ang pinakahuli ay "Bakit kailang pang may school?"



Bakit ba araw-araw ang pasok? Kahit every Monday langs sana ganon. Ayoko kasi pumasok ngayon dahil tinatamad ako but I need to kasi mag-uusap kami ni Jerard mamaya eh.



Pagkatapos kong mag-isip isip ng mga bagay ay bumangon na ako dahil mahirap na din ang malate sa klase. Same day, same shit, gusto ko maiba naman. Magtumbling kaya ako habang naliligo? Magcircus hababang kumakain o di kaya ay magjogging habang nagbibihis?



Pagkatapos ay SUMAKAY AKO NG TRICYCLE. Oh ayun ah, bago 'yon kasi tinatamad talaga akong pumasok pero excited na akong makita si Jerard, miss ko na din kasi siya eh.



Pagkahinto ng tricycle daig ko pa ang gold medalist sa long run dahil tumakbo ako agad sa gate pero walang akong nakitang Jerard o anino man niya. Nagkibit balikat na lang at nagpatuloy sa paglalakad.



Napahinto naman ako ng makita ko 'yung mga barkada  niya na nakaupo sa isa sa mga bench, buti na lang kilala ko silang magbabarkada kasi nakita ko na sila minsan na magkakasama at paano ba naman kasi mga playboy din at ang popogi. Nag-ayos muna ako ng buhok at walang hiya hiyang lumapit sa kanila.



"Ay uhm hello, pwede magtanong?" Awkward na bati ko with ngiwi na smile



"Mga pare, may chicks oh!" Si Kenji ata 'to



Chicks daw? Eh kahit wala akong magulang, alam kong hindi manok ang nanay ko.



"How can we help you, miss?" Si Stephen naman 'to



"Magtatanong lang sana ako kung okay lang sa inyo." Tanong ko



"Actually, katatanong mo lang kung pwede magtanong eh." Biro ni Lester



"Pagpasensyahan mo na lang 'yang mga 'yan, may mga sakit lang talaga sila sa utak at hindi sila mga normal." Si John naman 'to



"Ano kasi... Nakita niyo ba si Jerard?" Tanong ko



"Teka! Sino ka ba, miss? Kung isa ka sa mga naghahabol doon, wag na. Taken na si Jerard eh, loyal pa siya!" Sabi agad ni Kenji 

Maid For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon