4: His Butt

10.1K 249 14
                                    

[CHAPTER FOUR]



"Magtatrabaho pa ba ako doon? Bwisit naman talagang buhay 'to! Sinumpa ata mula sa pagkakaroon ko ng mga sobrang walang kwentang magulang." Bulong ko sa sarili ko, kanina ko pa pinag-iisipan kung ano ng gagawin ko sa magulo kong buhay

"Uy Ariana, ang lalim naman ata ng iniisip mo diyan ha?" Tanong ni Trisha, isa siya sa mga niligawan at naging girlfriend ni Jerard noon. Niloko lang din siya ni gago.

"Ha? Wala naman, chismosa ka talaga." Sabi ko habang tumatawa

"Wala daw? Chismosa na kung chismosa pero magkakaibigan tayo dito kaya sabihin mo na sa amin kung anong iniisip mo." Siya naman si Kate, isa siya sa mga niloko din ni Jerard, hindi ako nagsisinungaling nung sinabi kong playboy siya 

Lahat ng mga kaibigan kong babae o kilala kong babae ay naging girlfriend na niya, actually lahat ata ng babae dito sa campus ay naging girlfriend na niya, syempre maliban sa akin at wala rin akong balak na maging boyfriend siya. Over my dead sexy body. 

"Ariana, para ka namang others kasi eh. Sabihin mo na sa amin baka matulungan ka pa namin, diba?" Sabat ni Hannah pero nginitian ko na lang siya 

"Oo nga, kayo talagang tatlo mga chismosa. Wala talaga, sasabihin ko naman kung meron eh pero wala talaga. Oh sige mauuna na nga ako, may pupuntahan pa pala ako. Bye girls!" Pagpapaalam ko sa kanila at dali-daling tumayo sa kinauupuan ko

"Hoy Ariana!"

"Bumalik ka rito, Ari."

"Ang labo mo talaga eh." 

Tawag nila sa akin pero hindi ko na sila pinansin dahil hindi ko din naman alam kung paano ioopen sa kanila 'yung problema ko. 

After a minute, nakapag-isipisip na ako, hindi ko na muna ititigil 'yung trabaho ko kasi kailangan ko 'yun eh. Papunta na nga ako ngayon eh tutal tapos na pala ang klase ko.

"Kaya ko to!" Nasa tapat na ako ng mansion nila Jerard. Pumasok na ako papunta sa kusina

"Mukha atang ang lalim ng iniisip mo ngayon ha?" Bungad ni ate Dina

"Ha? Eh wala naman, ate. Sige po, maglilinis na ako sa taas ah." Paalam ko at nagbihis na ko. Dala ko ang walis ko at may mask ako na tumatakip sa ilong at bibig ko

"Sir?" Katok ko sa pinto at naghintay ng isasagot niya

"Pasok!" Narinig kong sabi niya

Ano siya? Si Kuya Willie tapos ako si Luningning? Makasigaw ng pasok, akala mo naman. 

Pagpasok ko ay makalat na naman 'yung kwarto niya eh kalilinis ko lang kahapon, diba? 

Eh pero kaya nga andito ako, diba? Para maglinis. May mga nakakalat na magazines sa sahig na puro babae na nakahubad ang laman sa bawat pages. Hindi na nahiya tong lalaki na 'to, hindi man lang iligpit 'yun.

"May mask ka talaga ngayon?" Tanong niya, nakahiga siya sa kama

"Pangit nga ako. Ang kulit mo naman sir eh." Sagot ko at nagsimula nang mapunas ng table na may tasa ng kape at plato na may natira pang tinapay

"Sige na nga pero pwede bang paabot ako nung magazine na 'yun oh?" Sabay nguso niya sa sahig, sa mga nakakalat na magazine

"Pwede bang ikaw na lang sir? Kasi po may ginagawa pa ako eh oh." Ako pa talaga? Ano? Naglolokan ba tayo dito?

"Masakit kasi kamay ko. Hindi ko maigalaw ngayon, gumaling na nga pisngi ko pero ito naman ngayon." Sabi niya, nagpapaawa pa ang boses niya. As if namang maaawa ako sa kanya.
 

Maid For HireWhere stories live. Discover now