20: Promenade

6.1K 198 0
                                    

[Chapter Twenty]


Monday again. School again..... Jerard again.



Naayos ko na lahat ng dapat kong dalhin sa school at nakabihis na din ako, aalis na lang ako. Walang sakay sakay ngayon dahil maaga pa naman #BuhayMahirap



"Hannah?" Tawag ko sa best friend ko nang makita ko siya sa harap ng bulletin board ng school, nakikipagsiksikan pa siya para lang makapunta sa akin dahil ang daming tao



"Andiyan ka na pala, Grande! Alam mo na ba 'yong bagong event sa school natin?" Tanong niya sa akin nang makalapit na siya



May event pala kaya ang daming nagsisiksikan at tumitingin doon sa bulletin board. Doon kasi pinapaskil lahat ng kaganapan sa school "Hindi pa kasi sasabihin mo pa lang naman sa akin. Ano ba 'yon? Anong meron?" 



"May promenade tayo next week, Ariana! Naexcite ako kasi magyayaya na 'yong mga boys ng mga dates nila niyan. Gusto kong ka-date si Kris Lee!" Walang preno niyang kwento habang kinikilig doon sa gitna ng hallway



"Promenade? May ganon pa ba sa college? Hindi ako excited diyan kasi wala naman akong damit na isusuot doon. Gastos lang 'yan, Hannah. Kakain at matutulog na lang ako buong araw non." Nakasimangot kong sabi sa kanya at nagsimula nang maglakad



"Oo, bago sa school natin 'yon ngayon, tayo lang may ganon. Kaya naman bibilihan kita mamaya ng mga kachenalinan, may alam akong magagandang gowns and dresses sa mall. Sasama ka sa akin, okay? Walang makakapigil sa akin." Pangungumbinsi niya habang nakakapit pa sa braso ko



"Ayoko nga, Hannah! Nakakahiya naman sa'yo eh saka hindi din naman ako mag-eenjoy doon sabi sa'yo." Sabi ko sa kanya 



"Eh ang tagal na nating magkakilala besides best friend kaya kita, kaya ano ba? Wag kang others. Basta ako na bahala sa lahat ng gagastusin mo sa prom." Sabi niya at habang nakangiti ng malawak



Sobrang swerte ko kasi may best friend ako na tulad ni Hannah. Maganda na tapos mabait pa. 



"Hannah, thank you sa lahat. I can't thank you enough. Hayaan mo na, balang araw susuklian ko lahat ng 'to. Thank you as in." Niyakap ko siya ng mahigpit na ginantihan niya naman



Pagkatapos namin magdrama ay pumasok na kami sa kanya kanyang classrooms namin, ayaw naman namin ma-late dahil mahirap na madetention no. Ang boring din kasi sa detention room, bawal din cellphone.



"Ariana?" May nagtatawag sa akin sa bandang likod

Maid For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon