5: Meet The Baker

10K 236 3
                                    

[Chapter Five]


Nagpatulong si Hannah na buhatin 'yung mga gamit niya papunta sa room niya, ang dami kasing dala, may gym bag, may backpack tapos may shoulder bag. Ewan ko ba, okay? 

Papunta ako sa canteen ng may makasalubong akong isang walking nightmare

"Hey Ariana! How's life?" Bati ni Jerard habang nakangisi

"Anong kailangan mo? Bakit ka isinugo ni Satanas dito sa lupa?" Pagsusungit ko dahil wala akong panahon para sa kanya ngayon at kahit kailan hindi ako magkakaroon ng panahon sa kanya

"Para sunduin ka kasi ang tagal mo na daw di bumabalik sa impyerno. Pero wala akong planong awayin ka, ipapakilala ko lang siya sa'yo. Meet my girlfriend." Pakilala niya doon sa mukhang retokadang barbie na kasama niya. 

"The hell I care, Jerard?" Pagtataray ko "Anong gusto mong gawin ko sa kanya? Sa inyo? Balik na kayo sa ilalim ng lupa baka hinahanap na kayo ni Satanas."

"Who is that ba babe?" Sabat nung babae na kung makabitin sa braso ni Jerard ay parang unggoy na ayaw mahiwalay sa amo niya

"Ah wala lang 'yan, she's just a schoolmate." Sabi niya sa babae. 

Wala lang 'yan? Ano ako? Gamit? Naglolokohan na naman dito eh 

"Gotta go! Muna ka na pabalik sa impyerno, baka masunog ka sa lupa, Ariana! See you soon doon." Baling niya sa akin habang nakangisi at nilagpasan na ako

Ang sama naman nung tingin nung babae sa akin dahil sa huling sinabi ni Jerard "See you soon? What a flirt, Ariana the bitch." Habol nung babae habang nakasmirk

Putangina! Sino ba siya para sabihan ako ng bitch at flirt? Kaya ayon hinila ko yung buhok niya at sinuntok ko siya sa sikmura niya. Nagulat naman si Jerard at lumuhod para alalayan 'yung impakta niyang babae

"Fuck! Anong ginawa mo sa kanya Ariana?" Tanong niya sa akin

"Pinakita ko lang 'yung tunay na bitch sa kanya. Kaya ayan, sana naman sa susunod mag-ingat na siya kasi baka mukha na niya tamaan ko." Tsaka ako nagwalk-out, habang nakangisi

Kapal kasi ng mukha, nananahimik ako tapos bitch daw ako.

Eh siya nga 'yung bitch tapos whore and slut pa. Mahiya nga siya, please? Buti na lang ay tapos na ang klase ko at magtatrabaho na naman ako pero napahinto ako nang may lumapit sa akin na isang estudyante.

"Ikaw po ba si Miss Ariana Montenegro?" Tanong niya

"Oo, may problema ba?" Tanong ko

"Pinapatawag po kayo sa Dean's office." Tapos nagpaalam na siya

Dali-dali naman akong pumunta sa Dean's office

"Sir, I heard you need me po? School works? School programs?" Tanong ko, English pa ha

"Ipinatawag kita not because of school works. It's about what you did kanina lang. I heard you just hit Miss Sandie diyan sa hallway. Why is that? You're one of the school's model pero nadisappoint ako about what I heard." Pagsisimula ni Dean

"I'm sorry, Dean. Hindi na po mauulit." 'Yun na lang ang sinabi ko dahil ayokong humaba ang usapan dahil male-late ako sa trabaho ko

"Hindi na talaga dapat pang maulit 'yun, Miss Ariana. For your punishment, please clean the girl's restroom before you leave or you'll loose your scholarship, are we clear?" Sabi ni Dean tapos tumango na lang ako tapos lumabas na ako

Maid For HireWhere stories live. Discover now