15: GirlfriendxBoyfriend

8K 176 1
                                    

[Chapter Fifteen]



Pagpasok ko sa gate ng academy, naramdaman ko naman na lahat ng tao ay nakatingin sa akin, nagbubulungan sila at 'yong mga babae ay ang sasama ng tingin, kulang na lang ay patayin na nila ako. Ano na naman bang drama 'to? Kailan ba ako titigilan ng drama sa buhay ko?



"Ayan ba? Siya ba 'yan? Sigurado ba kayo? Jusko! Mas maganda pa ako diyan, diba?" Narinig kong bulong nung isa nung dumaan ako. 'Yung totoo ba? Bulong 'yon o hindi?



"Naglolokohan ba tayo dito? Imbyerna! Ang pangit niya sobra. Hindi ko matanggap. Hindi ko kailanman matatanggap!" Sagot nung isa at ang sama ng tingin sa akin



"Sino bang makakatanggap na 'yan ang girlfriend ni Jerard? Kung ako na lang sana at si Jerard edi mas maganda pa. Hayst!" Naiiritang sabi nung isa habang nakapamewang



"Aha! Alam ko na! Siguro ginayuma niya si Jerard tutal mukha naman siyang mangkukulam eh, diba?" Sabi nung isa habang nag-iisip, hindi ko din nga alam na marunong pala siya mag-isip



Kung may labanan lang sa pagalingan makipagbulungan ay talo na ang mga 'to. Bakit kaya hindi na lang nila isigaw sa mukha ko o kaya naman mag-usap na lang ng normal? Para kasing naglolokohan na lang dito eh. Atsaka ano bang pinagsasasabi ng mga 'to?



Nakita ko naman 'yong mga kaibigan ko na nakaupo sa usual spot namin at kung makatingin ay nakakaloko maliban kay Hannah, nakayuko lang siya. Ano bang nangyayari sa mundo ngayon? Puro kadramahan.



"Kailan ka pa natutong maglihim sa amin, Ariana Montenegro? Hindi ka man lang nagsasabi, naturingan pa kaming mga kaibigan mo diyan!" Sabay sundot ni Trish sa tagiliran ko kaya napatalon ako



"Kailan pa, Ariana?" Malungkot at seryoso na tanong ni Hannah sa akin



"Saglit ah! Wait lang, hindi ko magets. Ano ba 'yon?" Sabi ko bago pa man makapagsalita si Kate about sa pinagsasasabi nila



"Hindi mo ba talaga alam? Oh ito oh!" Iniabot naman sa akin ni Kate 'yongs school newspaper



Ano naman 'to? Picture namin ni Jerard? Ito 'yong kahapon ah, 'yong nagtatawanan kami ni Jerard sa garden. Tapos may nakalagay na caption sa ibaba



"Entertainment section! Jerard Martinez and Ariana Montenegro, a new couple in town? Is this for real or just another fling? The world may never know! Only the two of them knows what is the real score between them. If you wanna be updated, please stay tuned!"

Maid For HireWhere stories live. Discover now