7: Party

8.6K 217 0
                                    

[Chapter Seven]



Start na 'yung birthday party. Buti naman puro bata lang andito at wala ring masyadong adult, 'yung mga magulang lang nila at ang pinakaimportante ay wala akong kakilala at walang mga gwapong nilalang. Kaya hindi masisira ang dignidad ko.

"Are you guys ready? So, before we start, let's welcome your clown, her name is Yana." Sabay tulak sa akin ni Jerard, at saan nakuha ang Yana? Ang baduy niya ah

"Hi kids? I'm Yana! Yay!" Awkward kong bati sa mga bata at sinamaan nang tingin si Jerard na nakatayo sa gilid habang naka-smirk

Puro Hi, Hello and ngiti lang narinig at nakita ko mula sa kanila. Mukha namang masaya sila pero 'yung iba mukhang bored na agad lalo na 'yung kapatid ni Jerard. 

"So, anong gusto niyong gawin natin? Gusto niyo ba maglaro?" Tanong ko sa masayang boses

Hindi nila ako pinansin at nagsitakbuhan na lang sila. Naglaro lang sila on their own, parang sayang nga lang din ang presensya ko rito kasi hindi naman ako kailangan. Tinapon tapon nila 'yung cake tapos nagbatuhan sila, ang dumi na nang venue, pero what do you expect? Bata 'tong mga 'to eh. Tapos napatingin sa akin 'yung kapatid ni Jerard, may hawak na isang piraso ng cake at handa na niyang ibato. Tumingin naman 'yung ibang bata at dahan dahan silang lumapit lahat sa akin.

"Ha ha guys, wag ako. Nananahimik ako eh, diba? Maawa kayo, wag ako. Please?" Bigla kong sabi habang umaatras

Hindi na ako nakapagsalita kasi binato na nila ako, sunod-sunod hanggang matumba ako at lumapit sila sa akin tapos naramdaman ko na lang na may nagpasok ng cake sa loob ng pants ko. 

"WAAAAAAAAAAAAAAAH! GUYS! TAMA NA TAMA NA. MAAWA NAMAN KAYO SA AKIN!" Sabi ko habang pinipilit tumayo at paalisin 'yung mga bata na nakapalibot sa akin 

"STOP! Kids, hindi niyo dapat ginawa 'yon. Look what happened to her." Pagsuway ni Jerard sa mga bata tapos nagsitakbuhan na sila palayo tapos tinulungan nya ako tumayo

"I'm sorry, Ariana. Hindi ko naman alam na lampa ka din pala." Bulong niya habang natatawa

"Bwisit ka talaga! Okay na sana eh pero gago ka parin. Basta yung 12,000 ko ah? Kapag wala 'yun, ihanda mo na kabaong mo." Sabi ko habang pinapagpag ang damit ko "Saka pala, after nito please lang tigilan mo na ako at wag mo na lang ako pansinin na ako 'yung katulong niyo." Seryosong sabi ko 

"You're really something, Ariana! Oo, ihahanda ko na 12,000 mo and hindi na kita guguluhin or ano pa man, promise." Tapos iniwan na niya ako kasi kinausap niya yung mga bata

------------


Nagbihis na ako kasi ayaw na nila ng clown dahil bored na sila sa akin at matanda na daw sila para sa clown. Jusko nga naman! Paglabas ko ay naglalaro sila ng spin the bottle, mga kabataan talaga ngayon, nakiki-uso na rin sa matatanda.

"Kiss Jigz. Dali na! Kapag hindi mo ginawa, aawayin ka namin, you'll see." Sabi nung kapatid ni Jerard na mukhang maldita sa isang batang babae na nerd at may braces

"A-ayoko nga kasi sabi eh, iba na lang paggawa mo Jerem." Sabi nung bata habang nakayuko

She's Jerem, Jerard's younger sister. Oo, babae siya pero parang panlalake 'yung name niya. Pretty kid but masama rin ang ugali just like his Kuya, nasa dugo ata nila. Mga kampon ata ni Satanas talaga eh.

"Kung ayaw mo, umalis ka na dito sa party and don't come near us sa school kasi hindi ka naman papansinin." Sabi ni Jerem with her bitchy tone. Jerard na Jerard.

"Kiss! Kiss! Kiss!" Sigaw naman nung iba pang bata na kampi kay Jerem

Kung ako din kasi ang uutusan na gawin 'yun, hindi ko din gagawin kasi ang pangit ni Jigz, walang halong biro. Ang yellow din ng ngipin niya. Hindi mo talaga maiimagine. 

"Hoy Jerard! Bulag ka ba? 'Yung kapatid mong maldita, kung ano anong ginagawa. Bakit pa ba kasi ako nagtataka? Magkaugali naman kasi kayo pero sana bawalan mo naman." Bulong ko kay Jerard

"I'll take that as a compliment, it runs in our blood. Eh pero ano gagawin ko?" Tanong niya sa akin while kinakamot 'yung batok niya

"Proud ka pa ah! Haynako. Bawalan mo sabi ko." Sabay tulak sa kanya

Lumapit na siya sa grupo nung mga bata at kinausap ang kapatid niya, nung una ay nagta-tantrums pa at inirapan siya, pero sumigaw na si Jerard pati ako nagulat sa sigaw niya.

"Stop that Jerem Martinez! It's not even funny, gusto mo ba ikaw gumawa niyan?" Saway ni Jerard habang nakatingin sa kapatid niya

"Big brother, can you stop interrupting. Can't you see? Ang saya kaya." Sagot ni Jerem habang naka-smirk

"Bakit ba ang kulit mong bata ka? Stop or I'll end this party, ngayon na." Sabi ni Jerard

"Kung hindi 'to masaya, edi kayo na lang ng clown friend mo magkiss. You two look good together naman saka baka doon mag-enjoy ka pa." Nakapout pang sabi ni Jerem habang palipat lipat ang tingin sa amin ni Jerard

Ibang klase talaga. Iba siya, ibang iba siya. Bakit ba ganito mga bata ngayon? Ang dami ng alam. 

"Jerem, when will you stop? This is not funny." Sabi ni Jerard

"Then si Jigz and si Lea na lang ang magkikiss. It will be fun, Kuya. Ang KJ mo naman sa lahat ng bagay." Sabi ni Jerem

Lumingon si Jerard sa kung saan ako nakaupo, parang humihingi ng apology and permission about her sister's 'wish'. Napabuntong hininga naman ako at tumango kasi kawawa naman 'yong si Lea saka asa naman 'yang si Jerard na ikikiss ko siya.

"Urgh! Fine Jerem, I will let you win this time but this is the last time and stop bullying your friends or I will really end this party, you're not being friendly. And one more thing, we can't kiss right in front of you kasi bata pa kayo, so we need to go to another room to do that. Adult's only." Sabi ni Jerard tapos huminto naman si Jerem kaya huminto 'yung iba pang bata

"Okay then, big brother. This will be fun!" Nakangiting nagwagi naman si Jerem habang nakatayo sa harap namin

Umakyat si Jerard kaya sumunod na lang ako, di ko din naman alam kung anong balak niya pero pati 'tong mga bata na 'to ay nakasunod parin kahit sinabi na nga na wag sumunod. Medyo makulit sila. Medyo lang naman.

Nasa tapat na kami ng pinto ni Jerard tapos napabuntong hininga siya.

"Okay mga bata, stop at bumaba na kayo. Hanggang dito na lang kayo kasi sabi ko nga kanina, diba? For Adult's only." Pagpapaalala ni Jerard sa kanila

"Ah big brother.. one more thing.. we need proof. Enjoy!" Nakangising sabi ni Jerem tapos umalis na sila

Napabuntong hininga na naman si Jerard at tumango pagkatapos ay tumingin sa akin "Ano? Ready ka na ba? Let's go inside?" Nakasmirk niyang sabi tapos binuksan 'yung pinto at pinapasok ako

------------------

Maid For HireWhere stories live. Discover now