16: Friendzoned

7.1K 183 4
                                    

[Chapter Sixteen]



Nagising ako dahil nag vibrate 'yong phone ko kasi may message, tinignan ko naman kung kanino galing at hindi ko napigilang mapangiti. It's Jerard, siya 'yong nagtext.



From: Jerard :)

Good morning! Sunduin kita ah? Sabay tayo papasok :)



To: Jerard :)

Nagulat naman ako haha pero sige thank you :D



Pagkasend ko ay agad kong ibinaba sa bedside table ko 'yong cellphone kasi baka hindi ko na mapigilan 'yong sarili ko. Dahil lang sa kanya, ang ganda na ng umaga ko. Ang sweet niya kasing boyfriend, kinikilig ako. In your dreams, sabat na naman ng isip ko.



Wala pang kalahating oras ay nakabihis na ako, nakapag-ayos na din ako, naghihintay na lang ako ng text galing kay Jerard ng biglang tumunog 'yong cellphone ko.



From: Jerard :)

Are you ready?



To: Jerard :)

Oo naman. Asaan ka na ba?



From: Jerard :)

Nasa labas na ako, labas ka na :D 



Sinukbit ko naman 'yong bag ko at binulsa 'yong cellphone at kulang na lang ay tumakbo na ako palabas ng bahay. Nakita ko naman si Jerard na nakasandal sa kotse niya habang nakacross arms at mukhang naghihintay at nung nakita niya ako ay nginitian at kinawayan niya ako, I did the same.



"Tara na ba Ariana Montenegro?" Tawag niya sa akin



"Ariana Montenegro?"



"Oo, bakit? Ayun naman pangalan mo, diba?" Ngumiti na naman siya



"Makacomplete ka naman, Jerard Martinez ha! Bakit ang saya mo? Katapusan na ba ng mundo?" Pagbibiro ko



"Masama na ba maging masaya ngayon? Eh sa ikaw nga una kong nakita sa umaga eh." Tumawa siya



"Ano ako? Clown? Saka wag mo nga akong bolahin baka magbounce ako sa iba." Natawa na din ako habang sumasakay sa biro niya na sana totoo na lang

Maid For HireWhere stories live. Discover now