10: Changes

8.5K 203 3
                                    

[Chapter Ten]



"Cleaning routine?" Bulong ko sa sarili ko

Tinignan naman ako ni Ma'am "Yes dear, my hijo on top of you?"

Ngayon lang talaga nag-sink in sa utak ko 'yung position namin kanina dahil di ko na din alam nangyayari kanina. 

Yumuko na lang ako dahil hiyang hiya ako kasi Mom ni Jerard 'to. Hindi ko na din alam sasabihin ko. 

"Ah hindi po, Ma'am. I'm sorry po sa nakita niyo, it will never happen again." Sabi ko na lang sa kanya

"Don't call me Ma'am, just call me by my name or call me ate? My name is Jill Joaquin." Sabi niya tapos tumawa siya "And you, Jerard, answer me." Baling niya sa anak niya

"Mom, stop being like that, please hindi ka na bata. Besides, aksidente 'yung nangyari. Nothing more, nothing less." Sabi niya at napabuntong hininga

"Hey, I'm just 30 years old. Hija, what can you say about my ever loving son?" Tanong sa akin ng Mama niya 

Hindi ko alam ano isasagot ko sa kanya. Ano ba na---

"Love?" Naputol 'yung iniisip ko kasi may narinig akong ibang boses na naman na galing sa labas

"Yes love? I'm here." Sagot ni Ma'am Jill

Biglang lumabas ang isang payat at mukhang kalansay na lalake na sa tingin ko ay mas bata kay Ma'am Jill. 

Pagtingin ko kay Jerard ay mukhang nakakita siya ng isang taong hindi niya gusto tapos nagtangis 'yung mga bagang niya at handa ng sumuntok nang kung sinuman pero pinigilan ko siya.

"Leo?! Ano namang ginagawa niyan dito?!" Sigaw ni Jerard sa Mama niya 

"Jerard? Can you stop, please? I'm warning you, don't start with this again." Banta ng mama niya at kumapit sa braso ni Leo

"What is he doing here anyway?" Pinipigilan naman ni Jerard sarili niya

"Kasama ko siya dito at boyfriend ko siya kaya may karapatan siyang tumapak sa pamamahay na 'to at magiging parte na rin siya ng pamilya natin at magiging Joaquin na talaga ang surname ko, so as you, hijo."

"Mom, are you for fucking real? Jerard Joaquin? I'd rather die than to be a Joaquin. Please tama na 'tong kahibangan na 'to. Martinez lang ako at hindi mapapalitan 'yun kahit pakasalan mo pa 'yang kalansay mong alipin hindi na magbabago 'yun." Ang hard naman ni Jerard, mukhang galit na galit siya kay Leo

"Did you just cursed at me?! Jerard, you should learn how to respect." Saway naman ulit ng Mom niya pero hindi niya parin pinansin

"Hijo, it's all planned, matagal na naming plano ng mommy mo ang magsettle down. Soon I'm going to be your step-father and you'll be a Joaquin." Sabi naman ni Leo na may himig ng pang-aasar

"Isa ka pa, Leo. Don't try and ignite the fire, let's just go upstairs because I need to rest." Hinila ni Ma'am Jill 'yung si Leo, nagulat nga ako kasi hindi siya naputol "By the way, pwede bang paki-ready na ang dinner Ariana because I'm so tired and hungry at the same time and one more thing, I want you to stay for dinner." Tapos tuluyan na siyang umalis

Tumango na lang ako at hindi pa nakakalayo si Ma'am Jill at Leo ay bigla na lang umalis si Jerard, papunta sa kwarto niya. Sinundan ko lang siya.

Pagkasara nung pinto ay dumiretso siya sa bedside table niya tapos may kinuha siya sa isa sa mga drawer doon, isang maliit na flask na may alak. Tinungga niya 'yun, hindi ko alam gagawin ko sa kanya. Mukhang sobrang ayaw niya sa nangyayari.

Maid For HireWhere stories live. Discover now