19: I loved you first

6.4K 211 1
                                    

[Chapter Nineteen]


"Bestie? Anong nangyari sa'yo? Okay ka lang ba ha?" Bungad ni Hannah sa akin nang makita niya ako



"Ha?Ano 'yon, Hannah? Okay lang naman ako!" Patay malisya kong tanong habang nakayuko kunwari at may inaabot sa loob ng bag ko



"Bakit naman namamaga 'yang mga mata mo? Umiyak ka ba?"



"Ha? Anong namamaga? Hindi naman ah, ikaw talaga. Hehe!" Pagliliko ko ng usapan namin pero feeling ko alam na niyang nagsisinungaling ako



"Best friend mo ako, wala kang matatago sa akin, Ari. Si Jerard ba may gawa niyan ha? Sabihin mo sa akin at kakalbuhin ko siya! Ito na nga ba sinasabi ko talaga eh." Galit na galit na tanong niya at nakapamewang 



"Uy hindi ah, wag ka nga diyan. Napuyat lang kasi ako kagabi tapos late nagising kaya siguro namamaga siya. Kulang ako sa tulog." Patuloy parin ako sa pagpapalusot



"Bakit ka ba nagsisinungaling sa akin? Kilala kita higit pa sa pagkakakilala mo sa sarili mo at sa ibang tao kaya don't me." Sabi niya sa akin habang nakatingin sa akin ng diresto



Napabuntong hininga na lang ako. Talo na ako kasi kailangan ko ng aminin sa kanya lahat "Oo na, Hannah. Siya na 'yong dahilan pero hayaan mo na 'yon. Magiging okay din ako, magiging okay din lahat. Ako pa ba, Hannah?" Pinilit kong ngumiti sa kanya



"Anong hayaan ko na siya? Hindi pwede 'yon. Sinaktan na niya ako nung una pati ba naman ikaw? Ito 'yong sinasabi kong napifeel ko eh, sabi na nga ba gagaguhin ka lang din non eh, kaya siguro hindi parin ako mapakali kasi ikaw naman ang gaganituhin niya. Jusko Ariana! Bakit ba kasi napalapit ka doon? 'Yon 'yong kinakatakutan ko eh! Sabihin mo sa akin lahat ng nangyari at magbabayad 'yang si Jerard. Hindi na siya nakakatuwa." Galit na galit na galit niyang sabi tapos iniwan niya ako doon at naglakad, ewan ko saan pupunta pero hinayaan ko na lang kasi baka magpapahangin lang siya



Sabihin ko daw lahat sa kanya pero iniwan naman niya ako dito. Naglolokohan kasi tayo, diba? Pumasok na lang ako sa unang subject ko at hayaan na lang kung anong mangyayari sa akin ngayon. 



JERARD'S POV


Nakita ko si Ariana at Hannah na nag-uusap sa may garden kanina, mukhang seryoso sila. At base sa nakita ko, parang galit si Hannah dahil nakakunot ang noo niya at mukhang sumisigaw siya at sa malayo ay makikita mo ring namamaga ang mata ni Ariana tapos yumuyuko lang siya. Ako ba ang may kasalanan ng lahat ng 'to? 



"Ang tanga mo Jerard! Ang tanga tanga mo." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya

Maid For HireWhere stories live. Discover now