11: Serves you right, Leo

8.5K 199 3
                                    

[Chapter Eleven]

Ariana, okay ka lang ba? Ano ba 'yong nangyari kanina? Ngayon lang pumasok sa kukote ko na muntik na niya akong halikan. Ano ibig sabihin non? Siguro tumama na sa kanya yung alak na ininom nya? Bak---



"Ay kabayong bakla ka talaga!" Sa sobrang gulat ko ay muntik ko ng mabitawan 'yong isang baso na dapat ilalagay ko sa lamesa



"Kabayo na bakla pa? Grabe ka naman sa akin!" Natatawang sabi niya "Sorry na! Akala ko kasi nakikinig ka eh, hindi naman pala. Anong iniisip mo?" Tanong niya



Kasalukuyan kaming nag-aayos ng lamesa at ng iba pang pagkain na ihahain pa sa lamesa dahil hapunan na sa mansion. Nakaluto at nakahain na 'yong ibang pagkain sa lamesa. Nagpupunas lang ako ng mga baso na ilalagay sa lamesa dito sa kusina habang nagbebake si Dylan ng dessert nilang cupcakes.




"Ay sorry, Dylan! Wala wala naman. Okay lang ako, ganito lang talaga ako, huwag mo akong pansinin." Nakangisi kong sabi sa kanya



"Sige Ariana! Kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sa akin, okay?"



Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya "Ikaw unang makakaalam. Thank you, Dylan! Thank you!" Nginitian ko siya, napahinto siya sa ginagawa niya kaya humiwalay ako sa pagkakayakap kasi narinig kong tinawag 'yong pangalan ko




"Ariana!" Tawag ulit sa akin ni Jerard, dali dali ko namang binaba 'yong baso at pamunas na hawak ko at pumunta sa dining room. Hinila ako ni Jerard paupo sa bakanteng upuan na katabi niya




"Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ako tinawag?" Bulong ko sa kanya at pilit tumatayo pero hindi ako makatayo dahil hawak niya ''yong kamay ko sa ilalim ng mesa



"Kakain siya ngayon kasabay natin." Matigas na sabi niya at binitawan na ang kamay ko



Nagulat naman sila Ma'am at Sir sa ginawa niya pero hinayaan na lang nila dahil naka-upo na rin ako tapos nagsalita si Ma'am Jill "Oo nga pala, sige. 'Yon din naman ang sabi ko sa kanya kanina, she will stay at magdidinner."



"Can you please pass the rice, miss?" Utos ni Leo sa akin at iniaabot ang kamay niya



"Ang lapit lapit na nga sa'yo, hindi mo ba maabot?" Sumbat ni Jerard at tinignan si Leo ng masama



"Jerard? Stop it, please? Nasa harap tayo ng kainan." Saway ng mama niya habang hinihimas ang sentido

Maid For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon