12: First Date?

8.4K 193 5
                                    

[Chapter Twelve]



Saturday ngayon at wala akong pasok sa school at day off ko din ngayon pero hindi ako mapakali na nasa bahay lang ngayon. Bakit parang may kulang kasi, I mean bakit ang boring ngayon dito? Matagal kong inasam asam 'tong pahinga na 'to eh pero mas gusto ko pa na may trabaho ako eh para may ginagawa ako o para makita si Jerard dagdag ng isip ko. Bwisit na isip 'to, kailan pa natuto magsalita?



Chineck ko yung phone ko, nagbabakasakaling may manggulo sa akin ngayong araw na 'to tapos may message galing kay Jerard



From: Jerard :)

Hey? Samahan mo ako sa SM mamaya, please? See ya!



To: Jerard :)

Ah sige sige. 1pm nasa SM na ako. 



Habang mabilis na nagrereply ay hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.



Hindi ko na lang pinansin 'yong nangyayari sa akin at dali daling nagbihis. Nakashirt at jeans lang ako tapos rubber shoes, baka sabihin pa niya nagpapaganda ako sa kanya.



"Hey!" Bati niya sa akin pagkababa ko sa tricycle, oo, nagtricycle ako ngayon. Improving, diba? Pero bakit cold na naman 'yong boses ni Jerard?



"Uy hello! Ano bang bibilhin mo dito sa mall?" Tanong ko at sumabay sa kanya sa paglalakad



"Regalo." Matipid niyang sagot



"Regalo? Para kanino?" Pangungulit ko sa kanya



"Huwag ka ng maraming tanong, okay? Just shut up and follow me." Naiiritang sagot niya sa akin



"Eh bakit mo pa ako sinama kung bawal din naman pala magsalita. Edi wow!" Mahinang sabi ko. Hinayaan ko na lang siya tapos nagtitingin ako ng damit dito sa loob ng department store. 



"Halika nga dito! Maganda ba 'to?" Hinila niya ako at pinakita 'yong isang pink na dress, ang baduy please



"Hindi. Ang baduy!" Matipid kong sagot at nagtitingin ulit ng mga damit



"Eh ito ba?" Tanong niya ulit, mas pangit 'to kaysa sa una niyang napili



"Hindi. Ang pangit naman ng taste mo. Ang galing mong manamit tapos.." Ang pangit talaga ng taste niya

Maid For HireWo Geschichten leben. Entdecke jetzt