21: Bawiin Game

6.1K 173 0
                                    

[Chapter Twenty-One]


Magkasama naman kami ni Hannah sa mall ngayon kasi sabi niya samahan ko daw siya bumili ng mga gagamitin namin sa prom bukas. Kagagaling nga lang namin doon sa botique nila na may mga magagandang dresses at gowns eh, ang dami nga nilang ibinigay na damit sa aming dalawa. Nakabili na din naman kami ng lahat ng kailangan naming gamitin bukas.



"Hoy Hannah Montana, tama naman na oh! Ano pa ba kasing bibilhin mo dito sa mall? Andito naman na 'yong gowns, shoes and accessories mo eh pati 'yong sa akin. Pagod na ako, gusto ko na magpahinga! Umupo naman tayo, pwede ba?"  Pagmamaktol ko sa kanya kasi lakad kami ng lakad



"Naghahanap pa ako ng sa'yo ulit kasi hindi ako kuntento. Hindi ko gusto 'yong mga designs sa botique namin kanina, wala akong makitang bagay sa'yo. Maghahanap tayo ng mas maganda doon!" Sagot niya sa akin at patuloy sa paglalakad sa loob ng mall at patingin tingin sa mga botiques



"Meron na nga dito oh, andito na lahat ng gowns sa botique niyo, ito na lang kasi. Umuwi na tayo kasi ang sakit sakit sakit na ng paa ko kakalakad kanina pa." Pagtanggi ko sa kanya at huminto saglit sa paglalakad at hinabol ulit siya



"Hindi ko nga gusto 'yong mga binigay sa atin kanina gusto ko sobrang maganda ka sa prom and libre ko naman lahat ng bibilhin natin ngayong araw na 'to, diba?" With puppy eyes pa niyang sinabi 'yan



"Ugh. Oo na, oo na, titingin na tayo ulit. Sayang naman 'yong binigay nila sa botique niyo saka ako na 'yong magbabayad sa lunch natin ah, deal? Ano deal na ba?" Deal ko sa kanya at tinaas pa ang pinky finger ko as a promise



"Maibabalik naman natin 'yon  sa susunod na araw eh. Sige, deal na nga!" Nakangiti niyang sagot at kinawit 'yong pinky niya sa pinky ko. Mga isip bata. Haha



Pumasok kami sa unang botique na may mga naggagandahang gowns at tuxedo na nakadisplay. May mga sapatos at jewelries na din sa loob ng botique. Mukhang ang mamahal ng mga paninda dito. Hindi kakayanin ng budget ko.



"Hannah, hindi ba mahal dito?" Siko ko sa kanya "Doon na lang tayo sa inyo ulit tumingin kasi, for sure may discount ka."



"Hi Ma'am! How may I help you?" Bungad ng saleslady habang nakangiti



"Pwede bang pakisamahan siyang mamili ng gown na babagay sa kanya, pang Prom po. 'Yong maganda ha, 'yong bongga ganon po kahit magkano." Nginitian ako ni Hannah pagkasabi niya nun sa saleslady kaya wala na akong nagawa kundi ngumiti sa saleslady



"Tara Ma'am? Dito po tayo. Madami po kaming magagandang gowns dito." Nakangiti sa akin 'yong saleslady at inalalayan ako sa mga nakahilerang gowns

Maid For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon