D.U60

2.1K 42 2
                                    

*Aika POV*



8 MONTHS LATER**




Sa walong buwan na yun maraming nangyari.
Nililigawan na ni Clyde si Kia.Minsan na lang bumisita sina Gwen at Nash sa hide out.
Sina Ashley at Matt naman laging busy dahil binigyan pala ni Xyred ng misyon ang mga to.
Minsan nag-aaway na din kami ni Kian dahil sa misyon namin pero agad din namin inaayos at hindi pinapatagal ang away namin, mas lalo pa itong napagtitibay ang aming relasyon.
Pero ang mas matindi,lagi ng inaaway ni Chiara si Xyred ng walang dahilan,tulad ngayon hahahahaha!malapit na kasing lumabas si baby!!


"Melon gusto ko"sambit ni Chiara




Nandito kami ngayon sa cafeteria,inaayos na lang namin ang requirements at patapos na kami sa college!!Malaki na din ang tiyan ni Chiara dahil pang 8th months na niya itong buwan,naghohome study na lang si Chiara dahil mahirap para sakanya ang pumasok sa araw araw at magpapasa na lang din si Chiara ng dapat ipasa ngayon.


"Ang sabi mo strawberry"nagtitimping sabi ni Xyred

Tuloy lang kaming pito sa pagkain,alam naman naming wala din kaming magagawa sa bangayan nila pfft.


"Nagbago taste ko"pagtataray ni Chiara


Ganito ba talaga pag buntis?HAHAHAHAHA!

"Ano ba yan"reklamo ni Xyred

"Nagrereklamo ka ngayon"ngising sabi ni Chiara sabay cross arms pa

"Hindi,hintayin mo na lang bibili na'ko"bagok na sabi ni Xyred,umalis na to para bumili ng melon juice


"pinapahirapan mo talaga si Xy no"sambit ni Clyde,tinaasan lang ni Chiara ng isang kilay si Clyde



"Ang sabi ni Ate Dana,pag ang buntis laging mainit ang ulo sa isang tao na walang dahilan,pinaglilihian niya to"nakangiting sabi ni Ashley


Bigla namang napa ubo si Chiara kaya binigyan agad ni Matt ng tubig.


"Nagkataon lang na paiba iba taste ko sa foods"maktol ni Chiara


Natawa na lang kami sa kanya,moody din pala pfft.


*Chiara POV*



Bigla akong napa ubo dahil sa sinabi ni Ashley,pinaglilihian ko si Xyred?
Hindi pwede,kailangan may makuha din ang anak ko sakin!!dumating na din si Xyred na may dalang dalawang melon juice.



Walong buwan ang lumipas at naging tahimik ang aming pamumuhay,walong buwan na din na nagdadalang tao ako at walong buwan na din na nananahimik si Nicole.Paniguradong naghahanda ito para sa aming paghaharap at hindi ako papayag na hindi ito magbayad sa mga kasalanan niya.



"Ito na po"magalang niyang sabi at inabot sakin ang tray,ngumiti lang ako sa kanya at kinuha na ang melon.

Nauna ng umalis sina Ashley,Matt dahil magreresearch pa daw sila tungkol sa misyon na binigay ni Xyred,hindi ko alam kung ano ang binigay nito basta tungkol daw ito sa Empire Gang,sila na ang gumagawa ng part ko dahil ayaw ni Xyred na mastress ako kay Nicole pfft.Umalis na din sina Nash Gwen,Kian at Aika dahil may gagawin pa daw ang mga ito.Kakaalis lang naman ni Clyde nung dumating na si Xyred kaya kaming dalawa na lang ang natitira.



"Pagkatapos mong kumain pupunta tayong hospital para magpa check up"sambit ni Xyred at inayos na ang gamit namin.


So yun nga after kong kumain,pumunta na kaming hospital,hindi na siya pumasok ng hapon dahil may schedule ako kay Doc. Ysaac,doctor ko.Si Doc. Ysaac ay babae,siya ang nakatakdang magpanganak sakin,ayaw kasi ni Xyred na lalaki pffft.
Nang makarating na kami sa hospital inassist kami ng isang nurse at dumiretso na kami sa office ni Doc at dun namin hinintay.



Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now