D.U37

2.4K 58 2
                                    

*Chiara POV*



Sabado na,araw ng paghaharap namin ni Xyred.9pm magsisimula ang laban naming dalawa,pinili kong last ang paghaharap namin,nauna na ang ibang grupo na maglaban laban.

Nandito ako ngayon sa tuktok ng Arena,nakaupo naghihintay na dumating siya.


Isang oras na lang magsisimula na ang lahat.



Isang oras na lang magkakaharap ulit kami ni Xyred.



Gagawin ko ang planong naisip ni Kia,pag nagawa ko malalaman ko na kung sino ang pinuno ng demonyong pumatay sakanya.


Bumukas ang malaking pintuan ng Arena,maraming tao ngayon na manunuod kaya nagaalinlangan pa ako kung gagawin ko pa hays.Pumasok ang God Warriors na pinangungunahan ni Xyred aka Dark Prince.



Namimiss ko na ang lalaking to hays,hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya mamaya,pumunta sa gilid sina Ashley,Matt at Kian habang nasa gitna si Xyred.
Tumungin ako sa malaking orasan dito sa Arena,saktong 9pm na oras na para magpakita kami.

Napabuntong hininga na lamang ako bago tumalon mula taas pababa,ang kaninang maingay na Arena,biglang tumahimik.
Ngumisi siya sakin pero hindi ako nagpakita ng ano mang emosyon.



"Long time no see Black Princess"nakangising sambit nito


Tumingin lang ako sa mga mata nito sinusubukang basahin ang isipan niya ngunit wala akong makitang ibang emosyon kundi lungkot.Napabuntong hininga na lang ako nang binigyan na kami ni Kia ng sign para magsimula.




Unang sumugod ito sakin,aaminin ko naging malakas ito kumpara nung una naming naging laban.Nasuntok ako nito sa tiyan kaya napa-atras ako,maraming naghiyawan sa ginawa niyang iyon,tumayo ako ng tuwid at hinarap muli siya,kailangan ko ng gawin ang plano.
Suntok at sipa ang ginagawa ko sa kanya,minsan nakakailag ito at nasasabayan niya ang suntok ko.Hindi ko alam kung magiging proud pa ako dahil sa nag improved skills niya e pfft.


Sinipa ko ito sa sikmura niya kaya napaluhod ito.


Ang usapan tuwing laban, ang unang matumba ay siyang talo,hinintay ko munang tumumba si Dark Prince saka tumalikod sa kanya.


Maraming naghiyawan sa ginawa ko,alam nilang ako nanaman ang mananalo dito.not knowing na ngayong araw ang hinihintay nila.


Naramdaman kong may papunta sa pwesto ko na isang kutsilyo pero hindi ko ito iniwasan,inaasahan kong gagawin ni Xyred ito.


Tuluyan ng nalaglag ang maskara ko,napayuko ako dahil hindi pa ako handang ipakita ang mukha ko.Maraming nag hiyawan sa ginawang iyon ni Dark Prince at ang iba sakanila ay hindi makapaniwala,ang iba naman ay alam nilang sinadya ko ito pero natahimik ang buong Arena ng tinaas ko ang kanang kamay ko at sinara,hudyat na manahimik sila.


"Show us your face Black Princess!"sigaw sakin ni Dark Prince

Nakayuko akong humarap sakanya.


"Sigurado ka bang gusto mong makita ang mukha ko"tanong ko sa kanya habang naka yuko pa din,natagalan pa ito bago ako sagutin.

"O-Oo"seryoso niyang sabi,pwes ito na....




Dahan dahan kong inangat ang ulo ko,nakita ko ang gulat nitong ekspresyon kahit ang ibang tao ay gulat din.


"C-chiara"nauutal niyang sabi

Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now