D.U48

2.3K 59 1
                                    

*Ashley POV*

Pagkatapos naming kumain,nagpaalam muna si Chiara na magpapahinga ito.Nandito kami ngayon sa kwarto ng mga lalaki,nakatambay lang habang sina Kian at Aika nanunuod ng movie habang sina Gwen at Nash tulog sa kama na magkatabi,ang sweet no hahaha!
Xyred,Clyde,Matt at ako naman nandito sa balcony,umiinom ng wine.


Gusto naming tumulong kay Chiara sa planong pagharap sa Empire Gang na yun pero sabi samin ni Clyde paniguradong hindi ito papayag.Nalaman na din namin na si Nicole Legaspi ang queen ng Empire Gang na naka-usap na pala ni Xyred sa ilog isang beses.


Nainis ako dahil hindi lang pala mamamatay tao si Nicole,magnanakaw din pala tsk,nagnakaw ng halik grr!



Para kay Chiara lang 'tong kupal kong pinsan,hindi ako papayag na mapunta siya sa iba!!



"So anong plano ni Chiara?"tanong ni Matt at lumagok ng wine.



Nagkibit balikat lamang si Clyde samin bilang isang tugon sa tanong ni Matt.Hindi ko alam kung paano sila naging magkaibigan,tinanong ko na kay Clyde pero ang sabi lang niya wala siya sa pwesto para sagutin ako sa tanong na ganon.Naiintindihan ko naman si Clyde kaya tumango na lang ako kanina.



"Ano bang nangyari?"naiinip na sabi ni Xyred


"Wala nga ako sa posisyon ni Chiara para magsabi sa inyo"sagot ni Clyde at nagdekwatro ng upo


"Haisht"reklamo ni Xy at uminom na lang


Napailing na lang ako at lumagok muli,napakamainipin talaga ng ulo nito pfft.


"Bahala muna kayo diyan,matutulog lang ako"paalam ko at pumunta na sa bakanteng kama


Pinikit ko na ang mata ko para matulog pero mukhang hindi ako makakatulog dahil sa ingay nila jusko!!


"Aahhhh!"tili ni Aika

Pa'no ba naman kasi,horror pinapanuod psh

Panay tili ito na parang wala ng bukas,buti nga hindi nagigising tong dalawang tulog e hahaha tulog mantika kasi.Napairap na lang ako sa kawalan at lumabas sa kwartong yun,sa kwarto na lang ng mga babae ako matutulog psh.


Pumwesto na ako sa bakanteng kama at natulog,dito ....paniguradong makakatulog na ako!!dahil sa pagod sa paglangoy kanina,mabilis akong nakatulog.




ZzzzZzzzzz...zzzZzzzz



"K-kuya"dinig kong sabi ni Chiara



Nakapikit pa din ang mata ko pero gising na ang diwa ko.


"K-kuya 'wag mo'kong iwan please"dinig kong muli



Napamulat na lang ako ng mata at tumingin sa pwesto ni Chiara,binabangungot nanaman siya hays.Napatayo ako sa pagkakahiga at nilapitan siya,umupo ako sa kama nito at nakita kong may luha ang kanyang mga mata niya kaya naman pinunasan ko ito gamit ang palad ko.



"Chiara wake up,binabangungot ka"sambit ko at yinuyugyog ito para magising


Bigla namang dumilat ang mata nito na ikinagulat ko,bigla niya akong niyakap at humagulgol ng iyak,napayakap na lang din ako sa kanya at hinagod ang likod nito.

"Ssshhh tahan na Chiara,nananaginip ka lang"bulong ko sa kanya


Ilang minuto din ang lumipas bago ito tumigil sa pagiyak at kumalas sa pagkakayakap sakin,ngumiti lang ito sakin kaya ngumiti na lang din ako.Nang masigurado kong okay na siya,nagpaalam na ako sa kanya na lalabas muna ako.


Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now