D.U23

2.7K 74 0
                                    

*Xyred POV*

Halos lumipad na ang kotse ko kakamadali sa pagmamaneho.
Haisht bat ba nalimutan kong wala ng stock na pagkain psh.Hininto ko na ang kotse nang makarating na kami sa destinasyon namin,nagpark na din ako.Tinanggal ko na ang seat belt naming dalawa at hinatak na si Chiara papasok sa loob.


1pm na haisht nalipasan na siya ng gutom,kasalanan ko to e pota.Naghanap na ako ng pang dalawahan na upuan at iniwan siya sandali,buti na lang at konti lang ang tao ngayon.Nag order na ako ng marami para sakanya at hinihintay ko na lamang ito.


Ilang minuto pa ang lumipas ay kumpleto na ang inorder ko,pinuntahan ko kaagad si Chiara at nilapag ang pagkain sa lamesa namin.

"Kumain ka ng marami,nalipasan kana ng gutom"singhal ko habang inaayos ang pagkain sa mesa

"Tayo lang kakain ng lahat ng inorder mo?"tanong niya sakin habang nakatingin sa mga nakahaing pagkain


"Kumain kana lang ng marami"pag-susungit ko sa kanya

Ang kulit talaga ng babaeng to haisht.Sinimulan na niyang lantakin ang pagkaing nakahain sa mesa,halatang gutom si Chiara hays.

"Kumain kana din aba,'wag mong hintaying lumapit pa sayo ang pagkain at pumasok sa bibig mo"pagtataray niya sakin

Natawa ako sa sinabi niya at kumain na din.


"Ayoko ng toppings ng pizza,ikaw na lang umubos"reklamo niya at nilagay sa plato ko ang pizza niya


Napailing na lang ako at inubos ang pizza.Pagkatapos kong kumain pinagmasdan ko na si Chiara na kumakain ng pasta.
Natawa na lang ako dahil parang bata kung kumain.Napatingin siya sakin kaya nginuso ko ang gilid ng bibig niya,kumunot lang ang noo nito hindi siguro ako naintindihan hahahahaha.Lumapit ako sa kanya pero umatras siya,haisht akala niya siguro hahalikan ko pfft.Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya,pinunasan ko ang gilid ng labi niya at bumalik sa pagkakaupo at kumuha ng tissue saka ginamit pang punas sa daliri ko.

'Ah-haha s-sinabi mo na lang sana"nauutal niyang sabi at muling kumain

"Nginuso ko na nga e hindi mo naman na gets"natatawang sabi ko

"Psshh indirect mo naman kasing sinabi kaya hindi ko maintindihan"pagtataray niya at nag subong muli,natawa na lang ako at pinagmasdan siyang kumain.


Kahit hindi ako kumain basta makita ko lang busog si Chiara okay na ako.Hinding hindi na kita gugutumin Chiara!



*Aika POV*

Linggo ngayon at magkasama nanaman kami ni Kian.

Nagiging magaan na ang loob ko sa kanya,may good side din naman pala ang lalaking 'to hahahahaha.2pm na kami nakapag lunch,hindi kasi namin napansin ang oras masyado kaming nag enjoy sa rides hahaha!Kasalukuyan kaming kumakain sa seafoods restaurant na napili kong puntahan.Maraming pagkain ang nakahain sa lamesa namin ngayon,mga alimango,tilapia na inihaw,bangus na inihaw,pusit na inihaw at ang paboritong ulam ni Chiara hipon,bago ako umuwi mag-oorder ako ng maraming hipon para sa kanya hahaha paniguradong matutuwa iyon.

"Sino naman yang iniisip mo at naka ngiti ka"masungit na sabi ni Kian kaya napatingin ako sa kanya

"Naalala ko lang si Chiara"nakangiti kong sabi

"Sa hipon?naalala mo si Chiara,ang sexy kaya ni Chiara"pagmamaktol niya,natawa ako sa sinabi niya

Alam ko namang sexy si Chiara e hahaha pero what the f*ck?!anong pinagsasabi nito hahaha!


"Siraulo hindi yan ang ibig kong sabihin,naalala ko lang na paboritong ulam ni Chiara ang hipon kaya bago ako umuwi mamaya bibilhan ko siya ng hipon at idadaan sa bahay nila"natatawang sabi ko at napakamot naman siya sa ulo


"Ahh kala ko ano na"natatawang sabi niya

"Samahan na kita pumunta sa bahay nila"nakangiti niyang sabi at tumango lang ako

Naghimay na ako ng bangus at sinabay sa kanin,nag kamay na ako dahil mas masarap kumain pag naka-kamay hahaha tsaka isda naman ulam namin ngayon.Napatingin ako kay Kian na pusit na inihaw lang ang ulam nito,ayaw ba niya ang isda?

"Ayaw mo ng isda?"tanong ko sa kanya kaya napalingon siya sakin

"Hindi naman sa ayaw hindi lang talaga ako marunong mag himay*kamot sa ulo*matinik kasi"natatawang sabi nito


Natawa na din ako sa sinabi,kalalaking tao hindi marunong?psh


"Ano bang gusto mo at ipaghihimay na kita"natatawang sabi ko at tinuro niya ang bangus



Pinag-himay ko siya ng bangus at nilagay sa plato niya.

"Wala na bang tinik?last na natinikan ako nung 10 years old ako kaya hindi na ako kumakain ng isda"nahihiya niyang sabi



"Wala na yang tinik"natatawa kong sabi

Tumango na lang siya at ngumiti sakin.
Ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala niya,lalo na pag naka-ngiti siya tsaka may dimple.




Haisht ano ba tong pinagsasabi ko pssh.


Nasubukan ko na ding matinikan ilang beses,ang ginagawa ko ay binibilog ang kalahating slice bread tapos lulunukin ko then ta-da! wala na ang tinik sa lalamunan ko hahaha,tinuro lang din sakin ang technique na yun nung bata pa ako,si Ate Dana ang nagturo sakin Hahahahaha!
Pagkatapos ko siyang himayan,kumain na din ako at tinapos ang pagkain.


Marami pa kaming pupuntahang rides hahaha kaya kailangan kong kumain ng marami para may lakas ako mamaya pfft.Mas lalo kaming magkakasundo ng lalaking to hahaha.Marami kaming pinagkapareho na gustong gawin sa buhay e.



Sa mga araw na nakasama ko si Kian,dahan dahan kong nakikilala ang totoong siya.Hindi naman pala kasing sama ni Kian ang iniisip ko hahahhaha!


Ito na siguro ang simula Kian..


***********

Hope u like it^_^

Kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon