D.U18

3K 96 6
                                    

*Xyred POV*

Corny man pakinggan pero handa kong papangitin si Chiara para wala akong kaagaw sa kanya,handa ko siyang patabain para wala akong kaagaw.Selfish man tignan pero nagiging selfish lang ako dahil pagmamay ari ko na siya.Gusto ko sakin lang ang babaeng 'to.

Ginayuma ata ako ng babaeng to at nahulog ako ng ganito tsk.Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa silid at nag lesson nanaman kami.


"Guys may meeting ang English Teachers kaya malelate ng dating si Ma'am Belchez"pag aannounce ng babaeng nasa unahan

Wala namang teacher kaya matutulog muna ako.Humiga ako sa balikat ni Chiara at pinikit ang mga mata.

"H-hoy anong gagawin mo"nauutal niyang tanong

"Sshhh ingay mo,matutulog lang ako sa balikat mo,ang aga kong nagising kanina maipagluto lang kita"nakangiti kong sabi

May binulong pa ito ngunit hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
Mabilis akong nakatulog dahil sa pag hahaplos ni Chiara sa buhok ko.


Kinikilig tuloy ako kingina.


Uh-uh don't get me wrong,hindi lang babae ang kinikilig hahaha!



*Chiara POV*


Mabilis na nakatulog si Xyred sa balikat ko,pinaglalaruan ko pa ang buhok nito at inaamoy dahil ang bango.Ano kayang shampoo ng lalaking to hahahah!Binuhat ko ng dahan dahan ang ulo niya at pinatong ito sa braso ko na ngayon ay parang naka akbay ako sa kanya.
Lumabas muna sina Aika,Gwen,Nash at Clyde pupunta daw muna silang garden magpapahangin daw.

Habang si Ashley at Matt ay magkatabi na nakikinig sa music at si Kian naman ay nakikipag usap sa mga babae,playboy pfft.



Tinitigan ko ang mukha ni Xyred,ngayon ko lang napansin na mahaba pala ang pilik mata nito,matangos ang ilong,pinkish ang labi nito at makinis ang mukha nito na animo'y hindi nagkaka pimple pfft.Ang gwapo naman pala ng asawa ko kaya maraming kinikilig pag nakikita ka hahah kaso ang hindi nila alam may pagka masungit ka hmp.


Napangiti ako nang maalala ang sinabi sakin ni Ashley.


"Ikaw pa lang ang babaeng nakapagpalabas ng ugali ni Xy,simula kasi nung namatay si tita naging cold na siya"


Kaya ba cold siya kay mommy dahil hindi niya tunay na ina?pero bakit kailangan niyang ipadama kay mommy yun hays.


Marami pa akong walang alam tungkol sa buhay ni Xyred kaya mas mabuting hindi ko siya husgahan sa ugali niya.Natawa ako nang mapansin kong naka awang ng konti ang bibig nito,mapicturan nga hahahahaha!Kinuha ko ang phone ko at pinicturan siya habang natutulog.Pinagdikit ko ang ulo namin at nag selfie habang nakanganga,marami pa akong ginawang kaek-ekan,ginaya ko siya na nakanganga,natutulog,hinawakan ko din ang butas ng ilong niya at tinaas,naka nguso pa ako hahaha,hinawakan ko pa noo niya pero may maayos din naman kaming picture.

Nakangiti lang ako,tapos pinagdikit ko pisnge namin at nag wacky,tapos inamoy ko yung pisnge niyang mabango at kinuhanan ng litrato pero ang pinaka gusto kong shot ay yung hinalikan ko siya sa pisnge habang nakapikit ang mata ko at siya naman ay tulog pa din.



Ginawa kong lock screen ang pinaka gusto kong shot naming dalawa habang wallpaper ko pa din ang shot naming dalawa na naka bridal style na buhat ako ni Xyred. Nangawit na din ang ulo ko kaya humiga na din ako sa  tabi ng ulo niya.Pumasok na sila Aika sa room at inasar pa nila ako.



"Ang sweet naman pala e"bulong nito sakin

"Ewan ko sayo"natatawang sabi ko


Tinignan kong muli ang mga shots na ginawa ko kanina habang tulog si Xyred.Natawa akong muli nang marealized ko ang mga pinaggagawa kong kalokohan.


"Natulog lang ako saglit chumansing kana"bulong nito sakin,akmang tatanggalin ko na sana ang braso ko ngunit niyakap ako ni Xyred na nagpabigla sakin.



"Papakawalan lang kita pag pinakita mo na sakin lahat ng shots habang tulog ako"nakangisi nitong sabi


Naku naman nakakahiya!


"W-wag na,ididelete k------"pinutol niya ang sasabihin ko ng magsalita ito


"kung ididelete mo lang naman gusto kong makita at isend mo muna sakin"nakangiti nitong sabi

Bigla niyang inagaw ang phone ko at tumayo para hindi ko maabot,okay siya na matangkad tsk.

"Kaya pala feeling ko kanina may humalik sakin"natatawang sabi niya


"Anong password"tanong nito sakin

Tumayo na din ako para abutin ang phone ko

"Nag password pa ako kung malalaman mo din*rolled eye*,balik mo sakin ang phone ko!nakatingin na ang iba satin oh"naiinis kong sabi

Tumingin din siya sa paligid pero biglang nag iwas ang mga 'to

"Ibibigay ko lang ito pag nakita ko na ang shots natin"nakangisi niyang sabi at lumabas ng room

Hinabol ko siya hanggang sa garden,hindi man lang huminto potek.Inaangat niya ang braso niya kung saan hawak niya ang phone ko para hindi ko maabot

"Akin na sabi e"naiinis kong sabi habang inaabot ang phone ko

"Ayoko"matigas nitong sabi

Kakatalon ko na out of balance ako kaya natumba kaming pareho sa damuhan.Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko nang mag tugma ang mata ko sa mata niya,nakapatong ako sa dibdib nito habang nakahiga siya sa damo,nagtagal kami ng ilang minuto sa ganong posisyon nakikipagtitigan din siya sakin.

Napatayo ako nang maalala ang posisyon namin,inayos ko ang uniporme ko saka umupo ng maayos.


"Ang kulit mo kasi e,ididelete ko naman e"nahihiya kong sabi sa kanya nang makaupo na din siya ng maayos



"Gusto ko ngang makita ang shots natin tsaka ba't mo ididelete e naghirap ka pang chumansing sakin para makakuha ka lang ng picture ko kasama ka"natatawa nitong sabi

Napaawang na lang ang bibig ko dahil nakuha pa niyang tumawa sa nangyaring awkward moment,ang kapal talaga ng mukha nito nakakagigil!


"Pasukan ng langaw yan"natatawang sabi nito kaya agad kong sinara ang bibig ko


"Pin password?"tanong nitong muli,ang kulit talaga haisht



"Birthday ko"irap kong sabi at nagsimula na siyang magtype sa phone ko


"Ang gwapo ko naman dito tsaka ang ganda ng asawa ko, si nice shot"pang aasar sakin


"papalit------"hindi ko pa natatapos sasabihin ko nang putulin niyang muli



"No,hindi mo papalitan kahit ang wallpaper mo hindi mo papalitan"pagsusungit sakin


"Psh"yun na lang nasabi ko at nanahimik na dahil hinahalungkat na niya ang phone ko


Wala naman siguro siyang makikitang nakakapanghinala?

*********

Enjoy reading ~


Kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now