D.U1.2

9.9K 193 3
                                    

*Aika POV*

Pigil hininga akong nakakapit sa aking upuan ngayon samantalang nag sasaya naman silang dalawa

Jusko  konti na lang ipalipad na ni prince tong kotse e!nagsisisi tuloy ako na dito ako sumabay hays

Dahil sa takot na baka maaksidente kami dahil sa paraang pagmamaneho ni prince,buong byahe akong nanahimik at pigil huminga

Nakarating kami sa parking lot na nanginginig ako habang ang dalawa tawa ng tawa

What's wrong?

"What the hahaha Aika ba't ganyan mukha mo"natatawang sabi sakin ni Chiara

Ilang sandali ay nakabawi na din ako at saka lang nakahinga ng maayos

"N-nagsisisi nakong s-sumabay s-sainyo"nauutal na sambit ko na ikinatawa nila

"Di kana nasanay sakin*smirk*"sarap batukan tong si prince e putek pero joke lang di ko magagawa yun,mahal ko pa buhay ko hahaha

Saming magbabarkada ako lang talaga yung ayaw sa pamamaraang pagmamaneho ni prince!
bumaba sila ng kotse nang tawa ng tawa kaya nagtaka agad sina Gwen at Nash na naghihintay sa gate ng D.U,naku naman!

"a-ano meron?"takang tanong ni Gwen


kinuwento ni Chiara then boom!lahat sila tumatawa na  huhu


"D-dapat pala kay Nash na lang ako sumabay,okay lang maging third wheel kaysa mamamatay akong maaga dahil sa kaskaserong pagmamaneho"singhal ko at inirapan si prince,muli nanaman silang tumawa

Nakarating kami sa room nang hindi pa din sila makaget over sa itsura ko,so ganon ayaw niyong tumigil ah*smirk*

Agad kong binuksan ang pintuan ng room kung saan may nagbabatuhan ng papel,naghahabulan,nagbabasa
Nagkukuwentuhan etc at napatigil sila sa kanilang ginagawa dahil pumasok na ako ng room,diretsong umupo ako sa pangalawang upuan sa dulo na malapit sa bintana.


Sinulyapan ko ang barkada na kanina lang ay tawa ng tawa na ngayon ay seryoso na ang mga mukha hahahahaha!

Natawa na lang ako bigla nang makita ang mga mukha nila haha bilis mag bago ng ekspresyon.
Pumasok silang apat at binungad sila ng iba naming kaklase last year.

"Uy pre musta na"bungad ni Mark  kay Nash at nagsimula na silang magusap


Marami pang lumapit sa kanila lalo na kay prince,karamihan babae,tsk basta gwapo e ang bibilis ng mga babae hahahahaha!
Umupo na sa kanang bahagi ko si Chiara  kung saan sa tabi ng bintana.
Nagkwentuhan pa sila ng kung ano ano,hays walang nakakamiss sakin ni isa man lang na kaklase namin last year walang lumapit sakin tangina lang ganon na ba ako ka others sa section namin last year?porket ba pala absent ako noon tsk.Lumabas ako ng room dahil busy ang barkada sa pakikipagkwentuhan sa iba.
Umupo ako sa hagdan at nagmuni muni,may nakita akong mga bato sa aking gilid,kinuha ko ito at nagsimula ng ibato sa kawalan.

"Nakakainis!wala man lang nakakamiss sakin,walang nagmamahal sakin"singhal ko at muling naghagis ng bato

"Ako,namiss kita Aika"tumingala ako upang tignan kung sino ang nagsalita


"B-brylle?"si brylle na ba to?bat ang gwapo na niya!

Umupo siya sa tabi ko at naglabas siya ng panyo mula sa bulsa niya at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa


"Hindi bagay umiyak ang isang prinsesa"nginitian ako ni brylle at pinunasan ang pisnge ko

W-what umiyak ako?!

binigay niya sa akin ang panyo niya at nginitian ako


"sayo muna yan hangga't gusto mo"sambit nito

"S-salamat"nauutal kong sabi ano ba'yan nauutal pa ako

"Kung iniisip mong walang nakakamiss sayo,mali ang iniisip mo dahil ako........namiss kita ng sobra sobra"nagkatitigan kami ni brylle at nginitian niya ako

Hala namiss ako ni brylle????asdhfjdi

"N-namiss mo'ko?s-seryoso"tanong kong muli,bakit kaya nauutal tayo tuwing kausap natin ang crush natin???



Yes po crush ko si brylle last year lang at alam niya yun hahaha!!pero hindi niya ako iniwasan sa halip naging close pa kami pero anyare sakin ngayon???nauutal nako jusko di naman ako ganito noon.

"Oo naman namiss kita,so bago ka mag drama ulit,akyat na tayo,it's already 6:40am magsisimula ang klase ng 7am"nauna na siyang tumayo at nilahad ang palad niya,tinignan ko pa ito ngunit sa huli tinanggap ko din

Ang lambot ng kamay hehez,sabay kaming pumasok sa room at dumiretso na kami sa kanya kanyang upuan.

"Ngingiti ngiti mo jan"tanong ni Gwen sakin na nakaupo naman sa kaliwang bahagi ko

"Yiiiee hahaha nagkausap ba naman sila ni Bry"pangaasar ni Chiara sakin na ikinamula ng aking pisnge


"Hala kinikilig ang lola natin*laugh*oh ano di kana bitter?"pangaasar ni Gwen,bwiset  to hahaha!

"Hindi naman ah"pagtatanggi ko


"Nasobrahan ata sa ampalaya noon, ngayon may asukal ng tutulong sayo para mawala na pagiging bitter mo hahahaha"pangaasar ulit sakin ni Gwen

"Siraulo"yun na lang ang nasabi ko

Oo sinusumpong ako ng pagkabitter kapag may nakikita akong magkasintahan,paano ba naman kasi nakakabitter naman talaga ginawa sakin ni renzo,minahal ko tapos lolokohin pala ako tsk,maganda naman ako ah!


Ilang saglit pa ay may pumasok na sa room na sa tingin ko ay adviser namin.

"Good morning class"bati niya samin kaya ginantihan namin siya ng bati

Nagpakilala pa ito at nagsabi ng kung ano ano at nagsimula ng magpakilala ang buong klase,hindi na ako nag abala pang pakinggan ang pangalan nila,katamad e hahhaha!
Hinintay ko na lang na kami na ang susunod na magpakilala.


*************

Hope you like it ^_^


Kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon