D.U30

2.4K 65 0
                                    

*Chiara POV*

Natulog ako ngayon sa kwarto ni Xyred dahil kailangan ko ng makahanap ng rason para magawa ang plano.Gusto ko ng matapos ang planong 'to at nang makaganti na ako,maipaghiganti ko na siya at mamuhay na kasama si Xyred.10pm na ngunit wala pa akong mahanap na magandang tiyempo pero sinisigurado kong ngayon na ang magandang tiyempo lalo na't may misyon si Xyred na kailangan niyang gawin.
Nakapulupot ang braso nito saking bewang at nakasiksik ang ulo nito sa balikat ko.
Mamimiss ko ang mga ganitong masasayang moment natin kumag ka hays.


Dahil sa inaantok na din ako naka tulog na ako sa tabi ni Xyred.




Zzzzzzzzz....





Nagising ako nang maramdaman kong wala na akong katabi,bumangon ako para umupo at nilibot ang mata ko sa buong silid,nakita kong naka bukas ang pintuan sa balcony,siguro nandun siya,gumagawa na ng hakbang para sa misyon niya.Tumingin ako sa orasan na nasa wall,4am pa lang pala.Pumunta ako sa bukas na pintuan,nakita kong nakatayo si Xyred at may kausap sa cellphone nito,nagtago ako sa likod ng kurtina para marinig ko ang usapan nila.





"Matt mag request kang muli kay Black Princess na maglaban kami,may plano na ako"seryosong sabi nito



Hindi ko marinig ang nasa kabilang linya dahil hindi sapat ang lapit ng pwesto ko upang marinig ang usapan nila.


"Huwag kang titigil hangga't hindi sumasagot"sagot muli ni Xyred at binaba na ang cellphone niya





"Lumabas kana diyan Chiara alam kong nandiyan ka"sambit nito at humarap sakin

Lumabas na ako sa likod ng kurtina at nagpakita sa kanya,bilib ako sa lalaking to dahil ang lakas ng presensya niya hahahahaha!




"Bakit gising ka pa sa ganitong oras"tanong niya sakin at lumapit sakin



"Naramdaman kong wala ka sa tabi ko,bakit gising ka pa at may kausap sa ganitong oras"balik kong tanong sa kanya at tumingin sa mga mata nito,bahala na itetake ko na to as excuse ko kahit na ang babaw ng reason pfft.




"Si Matt lang naman ang kausap ko at hindi mo na kailangang alamin pa"mahinahong sabi niya sakin 




"Misyon mo nanaman ba Xyred?lagi na lang ba"seryoso kong sabi sa kanya at kumunot ang noo nito at tumango din

Ngumiti ako sa pag amin niya,misyon niya ang gagamitin kong dahilan sa plano ko.





"Chiara diba pinag usapan na natin to na pagkatapos ng misyon ko mamumuhay na tayo ng matiwasay"naiiritang sabi niya sakin





"Lagi na lang bang ganito Xyred?lagi na lang bang Misyon mo ang uunahin mo,tuwing kasama kita laging kasama ang misyon mo,halos hindi na kita makasama ng mahabang oras dahil sa misyon mo,ayoko na Xyred.....tapusin mo muna yang misyon mo bago tayo mag usap muli"mangiyak-ngiyak kong sabi,great pretender lola niyo hahahahaha.

Tumalikod ako sa kanya at akmang aalis pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko at hinarap sa kanya.




"Ara 'wag mo namang gawin sakin to please,we already talk about this"masinsinang sabi nito sakin at hinawakan ang dalawa kong balikat.



Oo Xyred napag usapan na natin to at inintindi ko dahil hindi ko pa alam ang sinabi sakin ni Kia,pero kailangan kong gawin to Xyred, sorry.




"Pagod na akong may kahati sa oras mo Xyred,bumalik kana lang ulit sakin pag sakin na ang lahat ng oras mo"pilit akong ngumiti sa kanya at tinanggal ang kamay nitong naka hawak sa balikat ko.




"Ara please"sagot nito at hinawakan pa ang kamay ko,shit mangiyak ngiyak mata ng asawa ko ang hirap naman nito!


Hindi ko na napigilang mapa luha dahil sa gagawin kong ito,ang hirap naman ng sitwasyong binigay sakin potek,hinila ko ang kamay ko mula sa kanya at lumabas sa kwarto niya,pumunta ako sa kwarto ko at nilock ang pinto.Bumagsak na ang mga luha kong nagbabadyang tumulo kanina at humagulgol na.





Pangako Xyred pag natapos na 'to babalikan kita pangako.




*Xyred POV*

Napasuntok na lang ako sa pader ng kwarto ko.
Tangina hindi ko namamalayang nagkukulang na pala ako kay Chiara,puro misyon ko na lang ang inuuna ko,dahil sa kakamadaling tumaas ang ranko ko nawala naman sakin ang taong mahal ko.



Gusto kong itigil na ang misyon ko at makasama na lang si Chiara ngunit may tumutulak sa looban ko na ipag patuloy ko lang ang nasimulan ko na.Pag natapos ko na ang misyon ko pangako Chiara sayo na lahat ang oras ko pero hindi ibig sabihin ay babaliwalain na lang kita.


Kailangan ko lang matapos ang misyong binigay sakin.




Lahat gagawin ko magka ayos lang tayo Chiara,ayoko ng mawalan pang muli ng minamahal,ayoko ng maulit ang dati.
Napa upo na lang ako sa sahig at yumuko para itago ang tumulong luha sa mata ko.


Ngayon na  lang ulit ako umiyak.



Hindi ko namalayang naka tulog na ako dahil sa pagod.




*Clyde POV*


6am dumating si Chiara sa hide out namin,may dala itong isang maleta na naglalaman ng mga gamit nito.




"Anong sunod na hakbang"tanong ni Nash kay Chiara na kanina pa nakatulala sa kawalan



"hindi ko alam,gusto ko munang magpahinga"walang ganang sabi nito at bumuntong hininga


Sinenyasan ko si Aika na ihatid si Chiara sa kwarto niya at agad namang ginawa ni Aika,niyaya nya tong umakyat sa kwarto para makapag pahinga na.




"Anong gagawin natin"tanong ni Gwen sakin



"Hayaan muna natin si Chiara na makapag pahinga,hintayin na lang natin ang susunod nitong sasabihin para sa sunod na hakbang na gagawin natin"seryoso kong sabi  sa kanya at tumayo para pumunta sa Garden




"Ako ang nahihirapan para  kay Chiara sa gagawin niya"rinig kong sabi ni Gwen bago ako tuluyang maka labas ng pinto




Mas nahihirapan ako pag nakikita kong nahihirapan si Chiara,mahal na niya si Xyred kaya nahihirapan na siya sa plano,kung tutuusin sisiw lang sakanya to kung hindi siya nahulog kay Xyred e.



Umupo ako sa damo at pinagmasdan ang magandang bulaklak.


Ganito sana kaganda ang magiging kahinatnanan ng plano namin.



Biglang nag ring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko at sinagot nang hindi tinitignan ang caller.



"Clyde"tawag sa pangalan ko mula sa kabilang linya...nabosesan ko ito kaya alam kong siya 'to




"Hanggang kailan pa"tanong niya sakin



"Hanggang sa maging okay na si Chiara"sagot ko sa kanya,narinig ko itong bumuntong hininga sa kabilang linya




"Hihintayin ko ang sign niyo na okay na"sagot nito at binaba na ang tawag




tatapusin namin to ng maaga para wala ng mahihirapan pa.




**********

Hope u like it^_^


kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now