D.U58

2.1K 46 0
                                    

*Gwen POV*



Masaya ako para kay Chiara at Xyred dahil magkaka-baby na sila!!

Hindi na kami nagtaka pa dahil una palang hinala na naming buntis siya,lumalaki ba naman na ng tiyan hahahahaha!
Kahit tinago niya samin to okay lang dahil alam kong may rason siya sa lahat,so yun ito na nga ang araw na hinihintay ko,araw na ng kasal ko!!


Laking pasasalamat ko sa kanilang lahat dahil inasikaso nila ang kasal ko.Nakapag ayos at bihis na ako ngayon,hinihintay ko na lang na tawagin ako ni Ate Dana.
Naisipan naming sa X's Hotel ganapin ang kasal ko kasi sabi ni Chiara at Nash common na daw sa Golden Hotel pfft.

7pm ang start,may 5 minutes na lang ako para maghanda.Si Aika ang nag ayos sakin,sinabi kong light lang ang make-up ko dahil ayoko maging clown sa kasal ko hahahahaha!

"Sating tatlo nila Chiara,ako na lang ang hindi pa kasal"maktol ni Aika habang inaayos ang gown na suot ko

Natawa ako dahil naka pout pa siya,


"Pwede mo namang sabihin kay Kian na pakasalan kana din"natatawang sabi ko

"e?ayoko"sagot niya


Minsan talaga ang gulo ni Aika psh hahahahaha.Nung gabing sinabi sakin ni Nash na magpakasal na kami,nagulat din ako dahil biglaan at sobrang bilis ng kasal namin.
Sabi niya ayaw na daw niya akong mawala kaya papakasalan na niya ako pero alam kong hindi lang yun ang rason at may kutob akong may problema na hindi sinasabi sa akin si Nash hays.


"Get ready Gwen"sambit ni Ate Dana at bumalik na sa stage.Nagintro pa si Ate Dana tungkol sa amin bago kami tawagin.



"Ladies and gentlemen please lets welcome Mr. Santiago and Ms. Tolentino"banggit ni Ate Dana sa name namin

Lumabas na'ko mula sa backstage  na ginawan nila Kian at nagpakita sa mga tao.
Konti lang ang inimbita namin.
Nagpalakpakan ang mga tao at binati kami ni Nash,nagsimula ng kumain ang mga bisita,pumunta kami ni Nash sa mesang nakalaan saming siyam.


"Congrats sainyo"bati ni Clyde samin


"Mabuhay ang bagong kasal!"sigaw ni Kian na sinabayan naman ng ibang bisita


"Kami naman ang susunod"natatawang sabi ni Matt,hinampas naman ni Ashley sa braso itong si Matt na ikinatawa namin.


Kumain na din kami at nagkwentuhan.


Fast forward**


Natapos ang kasal ko na masaya,nagsiuwian na din ang mga bisita at tanging kaming siyam na lang ang natitira at ang employees ni Xyred na inaayos na ang mga ginamit namin.


"Aika samahan ko lang si Nash ilagay ang wedding gifts sa kotse,babalikan kita"paalam ni Kian at nagbitbit na ng mga regalo,nagbihis na ako ng white dress para komportable ako.


Dito muna kami hanggang bukas,halos hatinggabi na din kasi natapos ang kasal namin ni Nash tapos 3 hrs pa ang byahe pauwi baka mapagod si Chiara buntis pa naman.
Nauna ng matulog sina Ashley at Matt,napagod ata hahahahaha.


"Chiara magpahinga kana kami na bahala dito"sabi ni Aika kay Chiara na inaasikaso ang mga nagsiraang decor


"Okay lang tatanggalin ko na lang to"sambit niya at pinagtatanggal na ang mga stickers sa pader.


Kinakausap ni Xyred at Clyde ang mga staff na nagsilbi para sa kasal ko.Biglang may pumasok na dalawang lalaki sa loob at may hawak na kutsilyo at baril na nakatutok sakin,hindi ako nakagalaw agad dahil wala akong laban ngayon,wala akong dalang armas puta.
Nagsiluhod ang mga staff dahil sa takot at ang iba pa ay tumakbo palabas.
Tinutukan ni Clyde at Aika ng baril ang dalawang lalaki ngunit hindi natakot ang mga to habang pinuntahan naman ni Xyred si Chiara para protektahan.


Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now