D.U43

2.4K 56 0
                                    

*Kian POV*

Nagising ako ng maaga para makasama si Aika


"Triple date tayo mamaya pre"natatawang sabi ni Nash


"Tara!may plano ako"nakangisi kong sabi

Sinabi ko sa kanila ang plano na kina sangayunan naman nila.Nakangiti kaming bumaba ng hagdan para mag almusal kasama ang buong barkada.


"Ngingiti ngiti ka diyan?may babae ka?"tanong sakin ni Aika na kinagulat ko


"Nakangiti lang may babae na agad?di ba pwedeng kasama kasi kita"banat ko na kinangiti niya



Kumain na kami dahil gagawin pa namin ang plano naming tatlo mamaya*smirk*


Pagkatapos naming kumain,nagpaalam muna kami sa kanila na pupunta lang ng shop saka namin ginawa ang plano.
12pm na nang matapos namin ayusin ang plano,saktong nasa dining hall na sila pero wala si Aika?


Umupo na ako sa pwesto ko habang sa kaliwa ko si Nash.



"Nasaan si Aika?"tanong ko sa kanila,napatigil sa pagsubo ng kutsara si Gwen at hinarap ako



"Hindi ba niya sinabi sayo na kikitain niya yung ex boyfriend niya?"tanong nito na kinagulat ko,may ex si Aika?bakit di ko alam



"Wala siyang sinabi"seryoso kong sabi at binitawan ang kutsara't tinidor ko na nagbigay ng ingay




"I saw her dude I thought nakita mo din siya kanina,pumasok siya sa seafood resto malapit sa parking lot"paliwanag ni Nash


Iisa lang ang seafood restaurant dito,agad akong tumayo at akmang aalis na sana kaso hinawakan ni Xyred ang braso ko.

"Huwag kang gagawa ng kagaguhan Kian"sambit nito at binitawan ang braso ko

Tumakbo na lang ako papunta sa restaurant at hindi sila pinansin.Pagdating ko sa tapat ng pintuan,naghabol hininga muna ako bago pumasok,hinanap siya ng mga mata ko at nakita ko siya sa dulo kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay ex niya na to.


Hindi ako pwedeng lumapit dahil baka makita niya ako kaya pinagmamasdan ko siya mula sa kinaroroonan ko.Nakita kong hinawakan ng lalaki ang kamay ni Aika,nainis ako dahil hinayaan lang ni Aika hawakan ang kamay nito ni hindi man lang tinanggal argh!


Naguusap sila pero di ko marinig ang usapan nila,nakita kong ngumiti si Aika at hinawakan din ang kamay ng lalaking to.


Hindi ko kinayang makita ang nangyayari kaya lumabas na ako dun bago pa makagawa ng gulo.


Tumakbo ako papunta sa kwarto namin at hindi pinansin ang mga tumatawag sakin.
Walang tao ngayon sa kwarto,siguro nagsasama na sila hays,nilock ko ang pinto at umupo sa kama.


"Bwiset!"sigaw ko at tinadyakan ang sahig



Oo nga pala ex niya yun,pwedeng bumalik ang nararamdaman niya dahil ito ang una niyang minahal tsk,paano naman ako hays.




Ako lang Aika,AKO lang.




*Aika POV*

Nakipag kita sakin si Renzo dahil gusto niya akong makausap,pumayag naman ako dahil gusto kong iklaro sa kanya ang lahat,na okay na ako at masaya na ako.



Napagalaman kong matagal na pala niya akong sinusundan,siya pala ang lagi kong napapansin na sumusunod tuwing magkasama kami ni Kian.



"Kamusta kana?"tanong nito sakin


"Hindi ako nakipag kita sayo para makipag kamustahan,pumunta ako dito para iklaro sayo ang lahat"seryoso kong sabi

hinawakan niya ang kamay ko gamit ang dalawang kamay niya  at nagsimulang magsalita

"Aika sorry kung iniwan kita at sinaktan,natukso lang ako kay Bea kaya nagawa ko yun,please bigyan mo ako ng chance na ipakita sayo------"hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito



"Matagal na kitang pinatawad sa ginawa mo Renzo,kahit sinaktan mo ako nagpapasalamat pa din ako sa ginawa mo dahil naging matatag ako,nahanap ko ang taong para sakin,nahanap ko ang taong mamahalin ako...ng AKO lang,sa tingin ko hanggang dito na lang Renzo"sagot ko, hinawakan ko ang kamay nitong nakahawak sakin at ngumiti sa kanya,tinanggal ko na ang kamay ko sa pagkakahawak niya at akmang aalis na pero hinawakan niya ang braso ko


"Aika please "nagmamakaawang sabi niya

Tinanggal ko ang kamay niya at iniwan na siya.Klaro na ang lahat sa pagitan naming dalawa,dumiretso muna ako sa kwarto namin dahil gusto ko munang magpahinga,wala din naman akong ganang kumain hays.


"Hoy!anong nangyari?kwento mo dali!"sigaw sakin ni Gwen pagpasok ko palang


Nandito pala sina Ashley at Chiara,mamaya pa siguro sila lalabas kasama mga jowabells  nila hahaha.Umupo muna ako sa kama at tumingin sa kanila.Ikwenento ko na sa kanila ang nangyari at tuwang tuwa naman si Ashley.


"Mahal niyo talaga ang isa't isa no"kinikilig niyang sabi with hampas braso pa sakin psh hahaha!


"Nagselos kaya si Kian,pinuntahan ka nga niya e,di mo nakita?"sambit ni Chiara at umiling naman ako



"patay tayo diyan, suyuin mo mamaya yan ah,o'sya magpahinga muna tayo dahil maglalaro tayo mamaya"masayang sabi ni Gwen at humiga na

Humiga na din kami at nagpahinga,todo suyo gagawin ko mamaya sa kumag na yun HAHAHAHAHA jusko grabe pa man din daw magselos sabi ni Ashley.
Natulog na ako dahil maglalaro daw kami mamaya hihi so exciting!!

Zzzzz..Zzzzz..



Nagising ako dahil sa pagyugyog sakin ni Gwen,tinignan ko lang to ng masama dahil ayoko ng storbo sa tulog psh



"5pm na!gising na aba maglalaro pa tayo tsaka susuyuin mo pa lalabs mo"sambit nito at kinuha na niya ang phone nito



"Sumunod kana sa baba ah!"sigaw nito at sinara na ang pinto,napailing na lang ako at bumangon na para maligo


Pagkatapos kong magbihis at mag ayos,sumunod na ako sa baba

Tumakbo na ako nang makita silang naglalaro ng volleyball!!



Boys vs. Girls



"Dali Aika kulang kami ng isa"sigaw ni Chiara at pinalo ng malakas ang bola papunta sa boys

Si Nash ang taga score namin.
Nakisali na din ako sa kanila at nakipag laro.
Hindi ako magaling sa sport na to pero kaya ko namang sabayan ang mga kasama ko,saming apat si Ashley ang pinaka magaling sa sport na to dahil naglalaro na pala siya dati pa.


Pinalo ko ang bolang papalapit sa pwesto ko at nasalo naman yun ni Kian,bumalik naman ito sakin kaya pinalo ko ulit.

Ilang ulit pang ganon ang pormat ng laro


"Aba't ayaw niyo magpasunod,sige kayo na maglaro"pagtataray ni Gwen kaya napatigil na kami sa paglalaro at pinasa sa iba ang bola,nananadya ata tong si Kian e!



Natapos na ang laro na kami ang panalo!


Panalo kami yeheeeeeeyyyy!!


Manunuyo na pala akooooo!



*********

Hope u like it^_^


Kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now