D.U25

2.7K 93 1
                                    

*Clyde POV*


Kahit papano pinakita sakin ni Xyred na kaya niyang protektahan si Chiara.Pupuntahan ko sana si Chiara kanina nang makita kong sinasaktan at binabastos siya ng lalaking yun kaso naunahan ako ni dark prince kaya hindi na ako nagpakita ng tuluyan.Patago kong sinusundan si Chiara,naninigurado lang na hindi niya papabayaan asawa niya.
Nasaktan ako nang makita kong masaya si Chiara kasama si dark prince,nakahawak pa si dark prince sa bewang ni Chiara psh hokage ang loko.

Tulad ni Chiara natatawa ako kung gaano kaarte humawak si dark prince sa isda,laking mayaman talaga pfft di alam kung paano mamili ng sariwang isda.Pagkatapos nilang mamili ay pumila na sila,alam kong mainipin tong si dark prince kaya baka gamitin niya ang posisyon niya para mauna na sila.Ilang minuto pa ang lumipas ngunit walang nangyayari,hindi niya ginamit ang posisyon niya?bago yun ah hahahahaha!Parang tumakbo ng malayo si dark prince dahil tagaktak nitong pawis na dumadaloy sa katawan niya,nagulat ako sa ginawa ni Chiara,pinunasan niya ang pawis ni dark prince gamit ang panyo niya?

Napagpasyahan ko ng umuwi at iwan sila dahil ngayon alam ko ng hindi papabayaan ni dark prince ang babaeng matagal kong iniingatan.




*Xyred POV*


7PM na nang matapos kami sa pila,halos dalawang oras din kaming nakapila takte.Nilagay ko na ang pinamili namin sa likod ng kotse at sumakay na din.

"Gutom kana ba?gusto mo daan muna tayo sa malapit na restaurant"tanong ko sa kanya at nagsimula ng paandarin ang kotse.

"Sa bahay na lang tayo kumain,hindi pa naman ako gutom masyado"nakangiti niyang sabi sakin


Ngumiti na lang din ako at binilisan ng paandarin ang kotse.Pagdating namin sa bahay inayos namin kaagad ang pinamili namin.
Wala na si Ate dana,ang sabi niya kailangan daw naming isanay ang sarili namin na wala siya,pagkatapos kong ilagay ang mga isda sa freezer,naabutan kong nilalagay ni Chiara ang mga de-lata sa cabinet na nakalagay sa taas.
Nakatingkayad na ito pero hindi pa din niya mailagay,natawa na lang ako habang pinagmamasdan siya.


"Hindi mo talaga ako tutulungan?"pagsusungit niya sakin at tumingin sakin.

"Hindi,sayo nakalaan yang paglagay ng de-lata sa cabinet kaya gawin mo yan sa sarili mo" nakangisi kong sabi,inirapan lang ako nito na ikinatawa ko

Tumingkayad itong muli para abutin at ilagay ang de-lata pero hindi niya pa din abot,lumapit na ako sa kanya at tinulungan siya.


"H-hoy i-ibaba mo nga ako"sigaw niya sakin pero hindi ko pa din siya binibitawan

Binuhat ko lang naman siya para maabot na niya ang cabinet hahaha.

"Ilagay mo na yang de-lata sa cabinet habang buhat pa kita"sambit ko at nilagay naman niya agad

"Ibaba mo na ako"utos niya sakin pero hindi ko pa din siya binababa.

"Xyred isa"naiinis nitong sabi,natatawa ako tuwing nakikita ko siyang naiinis ang cute kasi hahaha!

"Dalawa"sagot ko sa kanya

"Xyred naman e!"iritang sabi nito,ibababa ko na sana si Chiara nang biglang may nagsalita mula sa likod namin.


"Kyaaahhhhh!ang sweet niyo namang mag asawa shet"masayang sabi ni Aika kasama si Kian??kupal na to gumagawa na ng moves pfft.Nagkakaayaan na pala ang grupo ko at ng D.G hahahahaha.

Agad kong binaba si Chiara at inayos ang damit kong medyo nagusot dahil sa pag buhat sakanya.

"A-ahaha a-ano a-ahmm anong sadya niyo dito?"nauutal na sabi ni Chiara
Lumapit naman silang dalawa samin na may dalang supot.


"Napadaan lang kami para ibigay 'tong binili namin para sayo"nakangiting sabi ni Aika at may inabot na supot kay Chiara.

"Woaahhh thank you Aika!"masayang sabi ni Chiara at niyakap pa ito,nakita ko ang laman ng supot nang buksan niya ito,hipon?pssh


Nag paalam na agad sina Kian at Aika pagkatapos nilang ihatid ang hipon.May itatanong pa sana ako kay Kian kung bakit sila magkasama nung Aika e.

*Chiara POV*

Agad kong niluto ang hipon na dala ni Aika,masaya ako dahil ginagawa nila ang gusto kong mangyari....ang magkasundo ang grupo ko at ang grupo ng asawa ko.Nang maluto na ang sinigang na hipon tinawag ko na si Xyred para kumain.

"Wala na bang ibang ulam?"tanong sakin ni Xyred

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay,aba't namimili pa ng ibang ulam hipon na nga niluto ko.

"Wala na, 'wag ka ng mag inarte"sambit ko at sinandukan siya ng kanin at ulam

Nag himay na ako ng hipon para saming dalawa dahil alam kong hindi to gagalaw,baka nga hindi siya marunong maghimay e hahahahaha!nakapag subo na ako ng ilang kutsara ngunit hindi pa din niya ginagalaw ang pagkain niya sa plato.

'Hindi ka talaga kakain?"naiiritang sabi ko

Wala pang laman tong tiyan niya haisht magkakasakit to sa ginagawa niya.Umiling ito at nilayo ang plato niya sa kanya.Nag lagay ako ng kanin at hipon sa kutsara saka nilalapit sa bibig nitong naka tikom pa din.

"Pag hindi mo 'to sinubo iiwan kita"pagbabanta ko pero wala talaga akong balak gawin yun hahaha.

Binuksan naman niya agad ang bibig niya at nag subo.Nakaka limang subo pa lang ito nang mapansin kong namamantal ang leeg nito,may allergy ba 'to sa hipon?Nataranta ako ng lumala ang pagmamantal sa leeg niya at umabot na to sa mga braso niya.

"A-anong nangyayari sayo?"natataranta kong tanong

Kinuha ko kaagad ang susi ng kotse para dalhin si Xyred sa malapit na Hospital.

"K-kaya mo bang magmaneho"sambit nito na hawak ang leeg niyang nangangati


"Kaya ko"sagot ko at nagmadaling magmaneho



Hospital**


"sino ang nagdala kay Mr. Buenaflor?"tanong ng doctor na kakalabas lang sa kwarto.

"Ako po doc,ano pong lagay niya?"tanong ko kay Doc

"He's fine ija nairritate lang siya sa hipon kaya nagkapantal ang leeg niya"pagpapaliwanag sakin ni doc

"Doc hipon lang ba siya may allergy?"tanong ko kay doc

"Oo sa hipon lang ito  pero okay naman siya sa ibang seafoods'"sagot ni doc sakin

"Salamat doc"nakangiti kong sabi at iniwan na ako ni doc.Pumasok na ako sa kwarto at pinuntahan si Xyred.

"Nakakainis ka alam mo yun"naiinis kong sabi sa kanya

"sorry na"nakangiti niyang sabi at hinawakan ang kamay ko

"Ba't di mo sinabi sakin na allergy ka pala sa hipon"seryoso kong sabi sa kanya

"Ayokong iwan mo'ko"malungkot niyang sabi

So sineryoso niya sinabi ko?psh

"Hindi naman kita iiwan e,kung sinabi mo sanang hindi ka pwede sa hipon edi sana pinagluto kita ng ibang ulam"sambit ko sa kanya

"Sorry na nga e,magkasakit na ako masunod ko lang gusto mo"nakangiti niyang sabi

Napangiti ako sa sinabi niya kahit corny hahaha!

"Corny mo,magpahinga kana nga"natatawa kong sabi at kinumutan siya ng maayos.

Magstay muna kami dito pansamantala,natatakot ako baka lumala pamamantal niya e hays.


Pasaway talaga pfft.

*********

Hope u like it*^▁^*

Demonstrael University(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon