D.U38

2.3K 56 4
                                    

*Chiara POV*


Hinatid ako ni Clyde sa bahay,hindi ko alam kung handa na ba akong harapin to hays.


Pumasok ako sa loob ng bahay,sakto namang pababa na ito ng hagdan,kakatapos lang nito maligo dahil basa ang buhok niya,gulat itong napatingin sakin pero nawala din yun.


"anong ginagawa mo dito"cold niyang sabi sakin,medyo nasaktan ako sa pakikitungo niya ngayon sakin pero di ko pinakita sa kanya



"Bahay ko din to kaya titira ako dito hangga't gusto ko"pagtataray ko sa kanya


"Tapos aalis ka hanggat sa gusto mo,ayos ah"nakangisi niyang sabi sakin


Tumingin ito ng seryoso sa mata ko kaya nakipagtitigan din ako,magsasalita na sana ako pero nilagpasan na niya ako at sumakay sa kotse niya.

Napaiyak na lang ako at napasandal sa pintuan.


"Chiara!"tawag sa pangalan ko pero hindi ako nag-abalang lingunin ito


Naramdaman ko na lang na niyakap ako nito.


"Chiara magpakatatag ka,malalagpasan mo din to"pagpapagaan ni Ate Dana ng loob ko.


Napahagulgol na lang ako at niyakap din si ate.Hindi ko alam kung kakayanin ko pang lagpasan to matapos maging cold sakin ni Xyred hindi ko alam kung magagawa kong maging matatag pa.
Iyak lang ako ng iyak habang naka yakap kay ate dana,aayusin ko to Xyred.....ibabalik ko ang dating masaya.




*Xyred POV*



Nabigla ako sa ginawa kong yun,parang ibang Xyred ang natuklasan ko kanina.Siguro masyado akong nasaktan kaya nagawa ko yun hays.



"Xy naabutan mo ba si Chiara?"tanong sakin ni Kian


Hindi ako umimik at pinili ko na lang ang manahimik.


"hindi ba kayo galit kay Chiara?"wala sa sariling tanong ko sa kanila


Umiling lang ang mga to sakin.


"Ba't di mo na lang tanungin si Chiara kung anong dahilan niya"suhestiyon ni Matt sakin na kinasang ayunan naman ni Kian


"Ayoko,natatakot akong malaman ang rason niya"malumanay kong sabi at lumagok ng wine na kakabigay lang ni Ashley

"Pano mo aayusin ang relasyon niyo kung hindi ka gumagalaw siraulo ka pala e "pagtataray sakin ni Ashley

"Hindi ko alam"maikli kong sagot,minsan talaga matalim din dila ng babaeng to e tsk



Hindi ko alam kung saan magsisimula,hindi ko alam kung paano,hindi ko alam kung anong gagawin ko.Biglang tumawa si Kian kaya napatingin kami sa kanya.


"Anong nakakatawa?"takang tanong ni Matt

"Akalain niyo yun kasama ko na pala ang hinahangaan ko nang di namamalayan"natatawa niyang sambit

Inirapan lang siya ni Ashley


"Mauna na ako"paalam ko sa kanila at umalis na sa hide out


Kailangan ko ng fresh air sa oras na to.
Nagmaneho na ako at tinahak ang daan papunta sa alam kong batis.
Napaka linis ng tubig,maraming malalaking bato,may mga naliligo din,iniwan ko ang lahat ng gamit kong dala sa loob ng kotse,tinanggal ko ang pang itaas na suot at lumusong sa tubig.
Sumisid ako sa ilalim at iniisip kung paano nagsimula ang lahat at gumulo ang buhay ko.Pumunta ako sa malaking bato at umahon na saka umupo dito.


Pinagmasdan ko ang mga taong naliligo,mga nakangiti na parang walang problema sa buhay.Napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko.


"Ang lalim ng buntong hinga mo ah,may problema ka ba"tanong sakin ng babaeng naka upo na sa tabi ko


naka two-piece ito,hindi ba to nilalamigan?psh



Hindi ko siya sinagot at nakatingin pa din ako sa mga taong nagsasayahan.



"Snobber pala to"bulong nito pero sapat na para marinig ko


"Kuya pasensya na kung umupo nako dito ng walang paalam sayo"nakangiti niyang sabi sakin,tumango lang ako sa kanya

"anong name mo,ako nga pala si Nicole"pakilala niya at nilahad ang palad nito sakin

P*tcha naririndi nako sa babaeng to,tinignan ko lang ang palad nito at hindi pinansin.Akala ko makakapag relax ako kahit sandali,maririndi lang din pala ako dito psh.

"Psh hindi ka talaga magsasalita"rinig kong sabi ng babaeng to

nagulat ako sa ginawa niya,tumaas ang dugo ko dahil sa babaeng to!



"What the hell is your problem?!pumunta ako dito para makahanap ng katahimikan,wala kang karapatang halikan ako!"sigaw ko sa kanya at mahigpit na hinawakan ang braso nito



Napatingin ang iba samin,siguro dahil napalakas ang pag sigaw ko,binitawan ko na ang braso nito para iwas atensyon.

"S-sa pisnge lang naman kuya,ayaw mo kasing------"pinutol ko na ang sasabihin nito




"Kahit sa pisnge pa yan,Taong Mahal ko lang ang pwedeng humalik sakin"sumbat ko sa kanya at iniwan na siya dun


Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sakin ngayon at tuloy lang ako sa paglakad.
Kinuha ko na ang damit ko at umalis sa batis na iyon.Basa akong pumasok sa kotse......Pagpasok ko sa kotse agad kong kinuha ang alcohol sa pocket ng upuan at nilagyan ang parte ng pisnge ko kung saan hinalikan ng babaeng yun.


Paniguradong magagalit si Chiara pag nalaman niya to, bwiset gumawa ng katarantaduhan ang babaeng yun tsk.Pinaandar ko na ang kotse at tinahak ang bahay namin.
Gabi na nang makarating ako sa bahay,pinark ko na sa gilid ng bahay ang kotse at humarap sa pintuan.


Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan na ang doorknob saka pinihit.
Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin kang muli Chiara hays bahala na.



*Someone POV*



Nandito ako ngayon sa balcony ng mansyon ko at nagcecelebrate sa pagkatagumpay ko*smirk*

Lumagok akong muli sa aking wine at napangiti sa sarili.


Uma-ayon sakin ang plano HAHAHA!


Konting oras na lang at tuluyan ng mawawasak ang inyong pagsasama.Nagsisimula pa lamang ako Chiara.Mapapasaakin ka din Dark Prince,tayo ang bubuo ng masayang Pamilya.


Hindi na ako makapag hintay sa susunod na mangyayari hahahahaha!


Lumagok akong muli at napangiti sa mga naiisip kong pwedeng mangyari sa kanila.



"Matapos ang pagpaplano ng matagal,dumating na ang oras.Mapupunta ka din sakin Dark Prince*smirk*"sambit ko sa sarili






Maghintay ka lamang,konting panahon na lang magiging akin kana din Xyred........

**********

Hope u like it^_^

Enjoy ~

Kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now