D.U57

2.1K 42 1
                                    

*Chiara POV*



Ilang araw na akong inaalagaan ni Xyred,ilang araw na din akong nasa bahay lang.



Araw na ng pasko at maya maya din ay magsisipuntahan na sila dito para sabay sabay naming salubungin ang pasko.
Umalis saglit si Xyred para bumili ng Wilkins dahil naubos na,sabi ko nga kay Xyred na okay lang kahit yung mineral na lang talaga na iniinom ko dati pero sabi niya maselan daw ang pagbubuntis,see?mas may alam siya HAHAHA!

Nandito ako ngayon sa balcony ng kwarto ko,nagmumuni-muni,nakatingin sa araw na palubog na,nagiisip ng mga kung ano ano habang hawak hawak ang tiyan ko.


"Kung dumating man ang araw na maghaharap kami ni Nicole,kumapit ka lang anak ha,huwag na huwag mo kaming iiwan ni Daddy Xyred"sambit ko habang hawak pa din ang tiyan ko


Napangiti na lang ako nang maisip kung lalaki o babae ba ang nasa sinapupunan ko.
Habang maaga pa magiisip na ako ng pwedeng ipapangalan sa magiging anak ko para handa hahaha!

Biglang nag ring ang phone ko,rumihestro ang pangalan ni Ate Dana.


"Ate Dana"bungad ko

"Okay na ang kasal ni Gwen,naka set na ang lahat"sagot nito


Balak nina Gwen at Nash na sa X' Hotel na pagmamay-ari ni Xyred sila magpakasal at dumalo na lang ang iba naming kakilala.Masiyado kasing delikado ngayon sa Golden Hotel para ipagdiwang ang kasalang magaganap dahil paniguradong manggugulo ang Empire Gang.


"Okay Ate salamat"nakangiting sabi ko


Si Ate Dana na ang gumawa ng tungkulin ko dahil bawal daw akong mapagod kaya wala na akong nagawa.Inend call ko na at sinara ang pinto ng balcony.
Sakto namang dumating na din si Xyred at may dalang mansanas.


"Bubusugin mo nanaman ako"natatawang sabi ko


Natawa na lang din to,kanina pa niya ako pinapakain jusme magiging balyena na ata ako hahahahaha!Diet na lang ulit ako pag tapos na akong manganak hahaha!
Inalalayan niya akong bumaba ng hagdan at umupo sa sofa.

"Kumain ka muna diyan,aayusin ko lang yung gagamitin natin mamaya sa pagiihaw"nakangiting sabi niya,tumango lang ako at kumuha ng mansanas.


Nakagawa na ako ng fruit salad at Maja para mamaya.Pagtapos kong kumain,naisipan ko ng mag bihis dahil 6:30pm naman na,maya maya darating na din sila.Naisipan kong mag dress para comfortable ako dahil lumalaki na din ang tiyan ko.

Nag-ipit ako ng braid at nagayos  saka bumaba na.Nakahanda na ang gifts sa ilalim ng Christmas tree para sa kanila.
Pagbaba ko inambangan ako nila Gwen at Aika ng yakap.

"Merry Christmas!"sabay nilang sabi,natawa na lang ako sa kanila at binati din sila.




Inilagay na nila ang bitbit nilang regalo para sa amin sa sofa at lumabas na.
Sa Garden namin gaganapin para maganda,nilabas na namin ang handa at nilagay sa mesa.Nagsimula na ding mag ihaw sina Nash at Kian.

Napansin kong kulang kami,asan yun?


"Si Clyde?"tanong ko sa kanila


"Ayy hindi makakapunta,ka-date niya si Kia e"natatawang sabi ni Matt


Sayang naman kung ganoon,ngayon lang na hindi namin nakasama si Clyde sa celebration ng pasko pero anyways masaya ako dahil magkaka-lovelife na ang lolo niyo HAHAHAHA!

I am happy for him.

Pagkatapos nilang mag ihaw,hinanda na namin ang mga pakulong naisip nila Gwen,siyempre hindi mawawala ang mga pagames nila like candy canes,name that carol,two truth and a lie at iba pa.After naming maglaro at magkasiyahan ay naisip na naming kumain.
Umupo na kami sa mga upuan namin at sinimulang kumain.





"Cheers!para sa bagong miyembro ng pamilya!!"sigaw ni Kian sabay angat ng kanyang baso na naglalaman ng red wine.


"Mabuhay ang Bagong pamilya"sigaw ni Nash na ikinatawa namin.



Tinaas nila ang kanya kanyang baso na may wine habang gatas naman ang sakin pfft at nagcheers ,si Ashley panay lagay ng pagkain sa plato ko,kailangan ko daw kumain ng marami dahil may baby na sa tiyan ko pfft.

Nakakatuwang isipin na hindi pa lumalabas si baby,inaalagaan na nila ako para sa kanya,paano pa kaya pag lumabas na si baby,pagaagawan nilang alagaan hahahaha!
Masaya naming pinagdiwang ang pasko,mas masaya sana kung kumpleto kami hays.




"Sayang hindi tayo kumpleto,wala kasi si Clyde"nakabusangot kong sabi


"Miss mo lang si Clyde e"panunuksong sabi ni Aika,sinikuan siya ni Gwen dahil sa sinabi niya kaya napatikom ng bibig si Aika na ikinailing ko


"Pinaglilihian mo ba yung kumag na yun?!"naiinis na sabi ni Xyred na ikinatawa ng iba


Pinaglilihian ko nga ba?


"Paglabas ni baby,mala Clyde na yan"sambit ni Matt na mas kinainis ni Xyred na ikinatawa ko


Ang pangit talaga ng Daddy mo baby!!


"Ako lang dapat Chiara,ako lang"maktol na sabi ni Xyred


Ewan ko pero natatawa talaga ako sa inaasta ni Xyred HAHAHAHAHA!



*Nicole POV*


Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ni Chiara.Hindi ko sila marinig ng klaro dahil sobrang ingay dito sa labas,lintek na mga bata tsk.Nakita kong nagsasaya silang lahat,sama-samang pinagdidiwang ang Pasko,hindi ko maiwasang mainggit at mag selos kay Chiara.


Yung tipong perpekto na ang buhay ni Chiara habang ako sira-sira ang buhay!
Naiinggit ako dahil may mga kaibigan siyang totoo at laging dadamayan sa lahat ng problema,may sarili ng pamilya.
Nagseselos din ako dahil matagal ko ng gusto si Dark Prince pero kahit anong gawin ko hindi pa din niya ako makita!


Kumapit na ako sa patalim para kay Dark Prince pero wala pa din.

Si Chiara ang pinili nito.

Hindi ko alam kung anong kulang sakin na wala ako na meron kay Chiara.

Isa lang din naman ako sa mga babaeng naghahangad ng perpektong buhay hays.
Hindi niyo din ako masisisi sa mga ginagawa ko dahil alam kong kahit kayo gagawin niyo ang lahat maging perpekto lang din ang buhay niyo.Alam kong maraming galit sakin dahil sa mga ginawa ko kay Chiara pero kasalanan bang maghangad ng perpektong buhay??



May pinagsamahan din kami ni Chiara pero nasira yun dahil sa tindi ng inggit at selos ko.
Gusto ko ng sumuko pero gusto kong maging perpekto din ang buhay ko tulad ng kay Chiara kaya hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko!
Kailangan ko lang ng ilang buwan para makapag plano ako,babalikan kita Chiara!


Sisiguraduhin kong magiging watak watak din ang buhay mo pag balik ko!

Ako na mismo ang lalapit sayo para tapusin ka.


Umalis na ako sa bahay nila Chiara dahil hindi ko na kayang makita na nagsasaya sila habang ako nagdudusa sa sakit ngayong Pasko.




Kukunin ko ang lahat ng dapat sa akin Chiara!!isinusumpa ko!!


***********

Hope you like it ^_^

Kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now