D.U31

2.4K 60 0
                                    

*Aika POV*

Pagkahatid ko kay Chiara sa kwarto agad itong nakatulog sa kama niya,sa sobrang pagod ni Chiara kakaiyak napagod siya at ganito kabilis nakatulog.Kinumutan ko si Chiara at hinawi ang buhok nitong nakaharang sa mukha niya.



"Everything will be okay Chiara,nandito kami para tulungan ka"bulong ko sa kanya at inayos ang kumot niya.



Lumabas na ako ng kwarto niya at sinarado ang pinto para makapag pahinga ito ng maayos.Nakatanggap ako ng tawag mula kay Kian kaya sinagot ko agad ito.



"Alam mo na ang nangyari sa mag asawa?"bungad niya sakin






"O-oo"sagot ko sa kanya



"Alam mo ba kung saan nagpunta si Chiara?hindi kasi namin matrack ang phone niya at hindi namin alam kung saan siya pwedeng mag stay,nandiyan ba sa bahay niyo?hindi din kasi alam ni ate dana kung nasaan ito,nagaalala na kami lalo na si Xy"tanong niya sakin na nagaalala



Sorry Kian pero kailangan ko munang mag tago sayo.



"Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon at hindi ko alam kung saan siya pwedeng mag stay,bawal siya sa bahay namin dahil ayokong madamay siya sa gulo,huwag kayong magalala kilala ko si Chiara,kaya niya ang sarili niya,amazona yun e"natawa ako sa huli kong sinabi,sinusubukan kong pagaanin ang loob nila,nakokonsensya din kasi ako dahil nagaalala sila para kay Chiara na nasa maayos na kalagayan lamang ito.



"Pasabi naman kay Chiara na bumalik na siya,magwawala kasi tong si Xy pag nawalan nanaman siya ng minamahal"seryoso niyang sabi,nagaalala din pala to kay Xyred.




"Sige sasabihin ko kay Chiara once na nag kita kami or mag usap"nakangiti kong sabi sa kanya kahit hindi niya ito nakikita




"Salamat Aika ng buhay ko!I love you"masigla niyang sabi sakin


Napawi ang lahat ng problemang iniisip ko kanina ng marinig ko ang mga salitang iyon



"I love you too,sige na at may gagawin pa ako,bye"nakangiti kong sabi sa kanya At pinatay na ang tawag dahil mapapahaba nanaman ang usapan namin nito haha


Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig,kanina pa ako nauuhaw e haha.



"kumusta si Chiara"tanong sakin ni Gwen na sumulpot mula sa ewan jusme.



"Naka tulog na siya at kasalukuyang nagpapahinga na"sagot ko sa kanya at uminom ng tubig



"Nasabi ko na pala kay Ate dana na nasa atin si Chiara at nasa maayos siyang kalagayan,sinabihan ko na din si Ate dana na 'wag munang sabihin kay Xyred kung nasaan si Chiara"singit ni Nash sa usapan namin ni Gwen at inakbayan pa si Gwen!



Tumango lang ako sa sinabi niya.
Binaba ko na ang basong pinag inuman ko at dadaan na sana para makalabas sa kusina kaso naka harang ang dalawa.



"Excuse nga dadaan ako,dun na lang kayo sa kwarto mag ganyan psh"naiirita kong sabi at tinulak tulak pa sila

Natawa silang dalawa at binigyan ako ng space para maka daan.



"Darating din ang araw na gagawin niyo to ni Kian mo!"sigaw ni Nash mula sa kusina


Napangiti ako nang ma-imagine ko ang sinabi niya hahahaha.Malapit na ang araw na yun lol.




*Matthew POV*



Mugto ang mata ni Xyred nang pumunta ito sa hide out namin,nabigla pa ako  dahil ngayon na lang ulit namin siya nakitang umiyak ng ganito,last na iyak niya nung mawala si tita.Tinawagan na ni Kian si Aika para magtanong ngunit nabigo kami dahil wala si Chiara sa kanila.



Kino-comfort naman ni Ashley si Xy na umiiyak muli at umiinom ng wine mag isa.



"Ayoko ng mawalan pa ng isang minamahal"umiiyak na sambit ni Xy




"Ssshh hindi ka iiwan ni Chiara mahal ka niya"sagot ni Ashley

Busy si Kian sa computer dahil ginagawa na niya ang misyon ni Xyred na trabaho nito at ang paghahanap kay Chiara.Kinuha ko ang mga boteng naka-kalat sa sahig na wala ng laman at nilagay sa plastik para itapon mamaya.


Umagang umaga umiinom ng nakakalasing tong kumag na to hays.



"A-ashley hanapin mo si Chiara please"pagmamaka awa niya kay Ashley


"Oo hahanapin ko tumigil kana kakaiyak dahil hindi bagay sayo"pagbibiro niya kay Xy pero hindi tumalab ang joke niya kay Xy at patuloy pa din sa pag iyak to



Lumapit na din ako sa kanila para tulungan si Ashley.



"Xy trust me,she's not going anywhere so kailangan mo lang tapusin yang misyon mo para bumalik na siya"singit ko sa kanya

Muli itong uminom ng isang boteng alak at inubos ang lahat ng laman nito,ang tibay ng lalaking to!



Magbubukas pa sana ito ng isang bote pero kinuha ko na ang lahat ng boteng nasa harapan nito at nilayo sa kanya,tinignan lang ako nito ng masama.


"Hindi magugustuhan ni Chiara to pag nalaman niyang umiinom ka,mas lalo siyang magagalit sayo"singhal ni Ashley




"Ashley hanapin mo siya para sakin"pabulong sabi nito at tumulo ang luha niya sa mata niya


"Hahanapin ko pangako"sagot ni Ashley at hinaplos ang buhok ni Xy,inayos ko na ang mga bote ng alak at nilagay sa isang tabi para itapon na lang mamaya.


Nakatulog na si Xyred sa balikat ni Ashley dahil pagod na din itong umiyak,inalalayan kong tumayo si Xyred at pumunta sa kwarto niya para makapag-pahinga ito.
Pinagbuksan kami ni Ashley ng pinto at hiniga si Xyred sa kama niya.Tinanggal naman ni Ashley ang sapatos nito at kumuha ng towel pang punas sa pawis na dumadaloy sa mukha ni Xyred.



"Matt hanapin natin si Chiara please,ngayon na lang ulit umiyak ng ganito si Xy at nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang nasasaktan"naiiyak na sabi ni Ashley at hinarap ako



"Hahanapin ko siya para kay Xy at sayo"nakangiti kong sabi sa kanya at niyakap ako ni Ashley,niyakap ko din ito.






"Thank you Matty ko"sambit nito habang naka yakap siya sakin


Ngumiti na lang ako kahit hindi niya nakikita,makita ko lang na okay si Ashley at ang barkada masaya na ako.






********


Hope u like it^_^



Kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now