D.U50

2.2K 49 4
                                    

*Xyred POV*


Magdadalawang oras na nang umalis si Chiara ngunit wala pa siya dito.
Tinawagan ko na si Ate Dana at sinabihan sa nangyari.Nakaupo ako ngayon sa sofa habang si Ate dana lakad ng lakad sa harapan ko,mas lalo tuloy akong kinakabahan haisht
Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Chiara na duguan ang suot nito,agad ko siyang tinakbo at inalalayang tumayo.

May sugat ito sa braso,walang tigil sa pagdugo hays.Kinuha ko ang first aid kit sa cabinet at binigay kay Ate dana,tinanggal ni Ate dana ang jacket na suot ni Chiara at nilinis ang sugat nito,tinapalan ito ng tela at nilagyan ng tape
Inalalayan kong umakyat si Chiara at inihiga sa kwarto nito.

"Lumabas ka muna Xyred,bibihisan ko lang siya"sambit ni Ate dana kaya lumabas muna ako sa kwarto ni Chiara

Ilang minuto pa akong naghintay sa labas bago ako pinapasok sa kwarto niya.

"mauna na ako Xyred"paalam ni Ate dana,tumango lang ako at sinara na ang pinto ng kwarto ni Chiara

Umupo ako sa gilid ng kama niya at inayos ang kumot nito,nakatulog na si Chiara kaya hindi ko na siya pwedeng tanungin kung anong nangyari,siguro bukas na lang.
Dito muna ako matutulog sa tabi niya,niyakap ko siya at iningatang hindi magalaw ang sugat nito.

"Pinagalala mo ako Chiara buti na lang ligtas ka,Good night my queen"bulong ko at hinalikan ito sa noo

Natulog na din ako dahil balak na naming pumasok kaagad bukas,marami na akong absent malapit naman na matapos ang taon ayoko maghabol tsk.


*Chiara POV*


Its been one week since that night at nakailang duwal na ako at nahihilo so i decided na bumili ng pregnancy test and naging positive siya.Kailangan ko ng magingat since magkakaroon na kami ng anak ni Xyred!!hindi muna nila pwedeng malaman ang tungkol sa pagdadalangtao ko,baka pigilan pa nila akong singilin sa mga ginawa ni Nicole tsk.



Nagising akong katabi ko si Xyred na nakayakap sakin.Napangiti na lang ako at hinalikan ito sa ilong,buti na lang hindi siya nagising hahah,dahan dahan kong tinanggal ang kamay nitong nakapulupot sa baywang ko at tumayo ng kama.
Medyo kumikirot pa ang sugat ko pero kaya ko naman na,kinuha ko na ang gamit ko at bumaba.Sa baba ako maliligo para hindi magising si Xyred haha,pagkatapos kong gawin ang routine ko,pinagluto ko muna siya ng pancakes at nagiwan ng note.
5am umalis na ako ng bahay,medyo maaga pa kaya madilim pa sa daan.
Mabilis akong nakarating sa hide out namin dahil walang traffic ngayon,maaga pa e hahaha.

Pagbukas ko ng pinto tumambad sakin ang mukha nilang seryoso.


"Bakit ka sumugod ng magisa lang?kasama mo naman ang asawa mo edi sana nagpasama kana,edi sana hindi kana nasugat,edi sana walang dugo ang nasayang,edi sana------"sermong sabi ni Aika pero pinutol na ni Gwen ang sasabihin nito dahil tinakpan na niya ang bibig nito

"Pwede ba paupuin mo muna siya"pagtataray naman  ni Gwen

Ikwenento ko na sa kanila ang nangyari,napatango na lang sila at nanahimik.



"Malapit na matapos ang klase natin pero hindi ko pa siya nasisingil"singhal ko

"Samahan na kitang maningil"natatawang sabi ni Clyde

"Ayoko,gusto ko ako lang ang maniningil sa kanya"maktol ko at kumuha ng cookies

Pagkatapos kong kumain,pumunta ako sa computer na gamit ni Nash.Inopen ko ang account ko bilang Black Princess at naisipang i-message si Nicole.Nang makuntento na ako sa sinabi ko,sinend ko  na sa kanya at nag log out na din.Sinilip ko saglit ang binili ni Clyde na mga armas sa kabilang isla nung  isang araw.Kaya pala wala ito sa buong resort naghanap ng armas psh.May iba't ibang klaseng baril,kutsilyo,pana etc. na pwedeng gamitin sa laro,kumuha ako ng isang baril at dalawang kutsilyo para sa paborito kong laro.

"Ingatan mo yan Chiara mahal yan"natatawang sabi ni Clyde

Natawa na lang din ako at tinago na ang armas sa bag ko.6:30am na kaya naisipan na naming pumasok na baka malate pa kami haha.
Iniwan ko muna ang motor ko sa hide out at sumakay sa Lamborghini na napalanunan ko nung unang laban namin ni Xyred.


Iniba ko ang Lamborghini niya,ginawa kong kulay gray ito at ang plate number nito ay bago na din,napansin ko ding may tracker sa ilalim ng upuan ng passenger seat nung natanggap ko ito kaya sinira ko yun para di nila matrack,ang galing nga nila para maisipan yun hahaha pero hindi nila ako maiisahan HAHAHA!


Ako ang nagmaneho nito dahil gusto ko ako ang ang magpapaandar hahahahaha!
Tinahak na namin ang Demonstrael University,pinark ko na ang Lamborghini ko at pumasok na sa school.


"Lagot ka hindi ka nagpaalam kay Mister"natatawang sabi ni Nash


Inirapan ko lang siya at pumasok na sa room,bumungad sakin ang matang nanliliit na si Xyred.
Patay tayo diyan!!

Dumiretso na ako sa upuan ko at hinarap si Xyred.

"Bat nawala ka"malamig nitong sabi sakin

"A-ano kasi pumunta ako sa hide out"sagot ko sa kanya

Bumuntong hininga ito sakin at humarap sakin.

"Okay na ba yang braso mo?nagaalala lang naman kasi ako"malumanay nitong sabi sakin at hinawakan ang kamay ko

"Kaya ko naman igalaw e"natatawang sabi ko

"Nagkasugat kana nga nakukuha mo pang tumawa,hindi ka pa nagpaalam sakin"maktol niya

"Malayo pa to sa bituka 'no ka ba,sorry na nga e"lambing kong sabi at pinatong ko ang ulo ko sa balikat nito


"Sa susunod magpaalam ka muna sakin para naman alam ko"bulong niya sakin tumango na lang ako sa kanya


Bigla namang pumasok si Ms. Marta,binati kami nito kaya binati din namin siya.


"Okay class katatapos lang ng meeting namin,next week na ang Christmas break niyo kaya sa mga may kulang diyan na activities sakin at sa ibang subjects,magpasa na kayo ngayon hanggang friday,may tatlong araw pa kayo para asikasuhin ang kulang niyo"paliwanag ni Ms. Marta



Paniguradong may kulang kami haha,absent ba naman kami ng tatlong araw.


"Gamitin niyo na ang time ko para gumawa ng kulang niyo,may 20 minutes pa tayo,hindi na ako makakapag lesson dahil kulang na sa oras,goodbye class"paalam ni Ms. Marta at umalis na


Kanya kanyang gawa ang mga tao ngayon,nagsisimula na pala sina Aika,Kian,Gwen at Nash gumawa ng activities habang sina Ashley at Matt pumunta sa mga faculties para magtanong ng kulang nila.
Si Clyde naman hindi ko na nakita psh,hinila ko na ang kamay ni Xyred at tinungo ang faculty."

********

Hope you like it ^_^


Kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now