D.U56

2.2K 44 2
                                    

*Chiara POV*



Tinanghali na ako ng gising dahil sa puyat na din,dumiretso na ako sa banyo para maligo at gawin ang morning routine ko.


Bumaba na ako at dumiretso sa kusina,nagugutom na din ako hahahahaha!
Naabutan kong naghahain na si Xyred ng mga niluto nito at inayos sa mesa.





"How's your sleep?"tanong sakin ni Xyred at binigyan ako ng kanin sa plato ko



"O-okay lang naman"naninibago kong sabi,naku naman mukhang ibebaby ako pfft.





"Bat hindi mo agad sinabi sa amin?"sunod niyang tanong sakin


Inaasahan ko na talaga na tatanungin niya ito.




"Ayokong dagdagan pa ang problema mo Xy,inaasikaso mo na din ang Empire Gang na dapat ang Devious Gang lang"singhal ko sabay kain




"Kahit kailan hindi kayo magiging problema ng magiging anak natin"ngiting sabi niya at niyakap ako




"I will take care to the both of you love lalo na't magiging daddy na ako,sabihin mo lang lahat ng gusto mong pagkain bibilhin ko para sayo"ngiting sabi niya at hinalikan ako sa noo




Biglang sumagi sa isipan ko ang pwedeng mangyari,sht hindi pwede.



"Xy paano kung patayin ni Nicole ang nasa sinapupunan ko"biglang tanong ko


Kinabahan ako nang maisip yun,hindi ako papayag na sa pangalawang pagkakataon ay mawawalan nanaman ako ng minamahal.


"Ssshh 'wag mo munang isipin yan,hindi pa naman ako sasabak e"ngiting sabi niya

Nasabi ko na sakanya ang sinabi ng tauhan ni Nicole,lalabas lang si Nicole once na magpakita si Xyred sa Arena.Ilang beses ng sumasabak si Xyred sa Arena pero di namin siya nakikita kaya baka naloko ako ng tauhan niya tsk.

Isinantabi ko muna ang mga negative,mahirap na baka ma stress pa ako dahil sakanya tsk.
Napangiti na lang ako sa sarili ko,ganito pala ang feeling ng magiging mommy na,HEAVEN ang saya!!


"Kumain ka ng marami ha,may baby na tayo"ngiting sabi niya


Pinuno pa niya ang plato ko ng pagkain,may gulay at prutas sa plato ko.Kumain na ako dahil nagugutom na din ako.
Aasahan kong tataba ako huhu,dalawa na kaming kumakain e pero ayos lang basta healthy ang baby namin.


Pagkatapos kong kumain pinainom ako ni Xyred ng Wilkins?


"May mineral naman ba't bumili ka pa ng Wilkins?"tanong ko at inabot ang basong binigay sakin



"Sabi ni mama pag ang babae buntis,maselan daw ito sa lahat,siyempre para sure*"sabi niya sabay kindat sakin na ikinatawa ko.

Aba handa hahaha!


"Cinareer ang pagiging Daddy "natatawang sabi ko habang hinahaplos ang tiyan ko

"Of course,magiging Daddy na din ako!"ngiting sabi niya,napangiti ako sa sinabi niya


"Alam na nina mommy to?"biglang tanong ko


"Oo e sorry na excite akong sabihin"sabi niya at napakamot pa sa ulo nito na ikinatawa ko dahil sa inasta niya.




"Later they will call us para kamustahin ka"ngiting sabi nito


Tatawag?

"Ba't hindi na lang sila pumunta dito?"tanong ko sa kanya

"Nasa Canada silang lahat kasama ang lolo mo para sa business"paliwanag nito


Tumango na lang ako at tumayo,inalalayan ako nitong maglakad papunta sa sala medyo oa daddy ng baby ko ha hahahahaha!biglang may tumawag sa phone ko at rumehistro ang pangalan ni Gwen.

"Good morning Chiara!!!"bati niya sakin


Niloud speaker ko para rinig din ni Xyred ang usapan namin ni Gwen.


"Ang aga aga nagiingay ka*laugh*ano meron at napatawag ka"sagot ko sa kanya


Narinig ko pa tong tumawa sa kabilang linya.


"Pupunta kaming lahat diyan ngayon may sasabihin kasi ako"sagot niya


Nagkatinginan kami ni Xyred na para bang naghuhulaan kami kung ano ang sasabihin niya.

"Sige hihintayin namin kayo"sagot ko at nagpaalam na




2pm na nang sila'y dumating sa bahay.


"Ano na sasabihin mo Gwen"naiinip na sabi ni Aika


Nandito kaming lahat ngayon sa sala,nagpupulong para sa sasabihin ng babaeng to,kailangan talaga kumpleto kami? Hahahahaha.



"Guys magpapakasal na kami"masayang sabi nila


Medyo nagulat pa kami sa sinabi nila at hindi nakapag react agad,walang preno prenong sinabi rekta agad hahahahaha.


"Congrats pre/teh!"magkapanabay naming sabi sa kanila


"set date agad"natatawang sabi ni Matt




"Balak sana naming magpakasal sa January 12"sabi ni Gwen



Agad?nagmamadali ba sila?

"Ako na bahala sa invitation "ngiting suhestiyon ni Aika


"Kami naman ni Matt sa foods"nakangiting sabi ni Ashley


"Kami na bahala ni Kian sa Party"ngising sabi ni Clyde


"Kami na ni Xyred ang magaasikaso ng kasal niyo"masayang sabi ko


"Pwede bang umiyak?sht nakaka-touch naman"nangingiyak na sabi ni Gwen


"OA mo"singit ni Aika


Natawa na lang kami dahil magbabangayan nanaman sila.
We really grown up.Iba talaga ang takbo ng buhay ng mga ordinaryong namumuhay kumpara sa amin kaya ganito ang sistemang meron kami.




"Salamat sa tulong niyo"ngiting sabi ni Nash sabay nagfist bump pa ang mga boys


"Bakit parang biglaan naman ata ang pagpapakasal niyo?"biglang tanong ni Ashley


"Takot na 'kong may umagaw pa kay Gwen sakin"natatawang sabi ni Nash


Hindi ko alam pero may kutob ako na hindi lang yun ang dahilan nila kung bakit biglaan ang kasal nila.Naka set na ang kasal nila,gagawin naming emcee si Ate Dana,okay lang naman daw sa kanya hahahah.
Alam na din ni Ate Dana ang pagdadalawang tao ko lalo na sina Mommy jusko hahahahaha,maghahapunan na kaya nagluluto na sina Ashley at Matt ng hapunan namin.

Ngayon ko lang nalaman na magaling pala silang magluto hahahahaha!
Habang naguusap usap ang iba sa sala tungkol sa pagpapakasal nila Gwen,naisipan kong kausapin si Nash.Pumunta kami sa Garden para makapagusap.

"Now tell me,what's the real reason Nash"seryoso kong sabi



"C-Chiara nanaginip ako kagabi na mamamatay si Gwen sa paghaharap niyo ni Queen Empire kaya gusto ko kasal na kami ni Gwen para lagi ko siyang kasama"malumanay niyang sabi



"It's just a bad nightmare Nash,hindi ko hahayaan na mangyari yun"ngiting sabi ko



"Thank you Chiara"ngiting sabi niya

Hindi ko hahayaan na mangyari ang ano mang napanaginipan ni Nash.


********


Hope you like it ^_^

Kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now