D.U47

2.3K 56 0
                                    

*Clyde POV*



"Uy Clyde dumating kana pala,upo ka dito"bati sakin ni Nash sabay nagfist bump kami na dati naming nakagawian.


"Saan ka naman galing"singit ni Aika


"Sa mini-bar"nakangising sabi ko

Bigla silang napatingin sakin na gulat na gulat sa sinabi ko.Nasa bar ako ng mangyari ang gulong iyon,hindi ako kumilos dahil alam kong kaya naman na nila ang sarili nila.



"Ba't ganyan mga reaction niyo"takang tanong ni Chiara na kumakain



"Wala lang,hindi kasi namin siya nakita sa buong resort"sambit ni Gwen at umiwas ng tingin sakin.



"Clyde thank you"bulong sakin ni Nash,tumango lang ako bilang sagot sakanya.



Binalaan kasi kami ni Chiara na 'wag gagawa ng anumang gulo dahil Resort ito ni Xyred at hindi pwedeng masira ang pangalan ng asawa niya.Pag nalaman ng lahat na kilala ni Xyred ang gumawa ng gulo,maaaring maging viral ang nangyari,dawit ang pangalan ni Xyred.
Tinapos ko na ang pagkain ko at nagpaalam na sakanila na magpapahinga na ako.




Dumiretso na ako sa kwarto namin,naligo na ako at nagbihis.9pm na pero wala pa din sila,siguro mamaya pa sila matutulog haisht.
Humiga na ako sa kama namin ni Xyred at pinikit na ang mata ko para makapag pahinga na.


Biglang nag ring ang phone ko kaya napamulat ulit ako.





"Kia?"bungad ko



Narinig kong bumuntong hininga ito sa kabilang linya.


"She already knew who's the Queen of Empire Gang Clyde ano ng plano niya"tanong nito sakin.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ngayon ni Chiara at kung ano ang plano nito pero may tiwala ako sa kanya kaya hahayaan ko lang siya.



"Hindi ko alam kung ano ang plano niya basta may tiwala ako kay Chiara"sagot ko sa kanya



Hindi ko alam kung magagawang maayos ni Chiara ang plano dahil sabi nito naging kaibigan niya si Nicole pero nawala ang pagsasama nila dahil sa trahedyang nangyari kay Cyrus.


"Tumatakbo ang oras Clyde"muli nitong sabi at pinatay na ang tawag


Naguluhan ako sa sinabi niya pero di ko na lang pinansin.Minsan talaga ang gulo ni Kia kausap,hindi ko alam kung tutol ba ito sa pagpatay ni Chiara kay Nicole o hindi e psh.



Binalik ko na ang phone ko sa mesa at natulog na.Maaga pa akong gigising para bukas hays .



*Xyred POV*



9pm na nang matapos kaming mamasyal ni Chiara at ang ibang barkada.Nilibot namin ang buong resort.Pinatayo ito ng daddy ko para sakin,sa loob ng resort na to kumpleto na,may shop na pwedeng pagbilhan ng kahit na ano,may restaurant,may swimming pool din sa likod ng hotel,kulay puti ang buhangin dito at maganda ang tanawin sa kabilang isla.



Someday kaming dalawa na ni Chiara ang mamamahala nito.Napagpasyahan na naming bumalik sa hotel dahil lumalamig na ang simoy ng hangin.




"Good night my queen"paalam ko at hinalikan sa noo si Chiara.Pumasok na din ako sa kwarto namin at nag shower.



Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa kama.Tulog na kaagad ang mga kupal hahaha!









Kinabukasan**



7am ay nagising na ako,ginawa ko na ang morning routine ko bago lumabas.



"Aba handa na si kupal"natatawang sabi ni Kian

Lahat kaming lalaki naka short at sando lang,nandito na kami ngayon sa dining area at hinihintay na dumating ang mga babae.



"Wooaahh mas excited pa kayo kaysa samin ah"sambit ni Aika na kakarating lang kasama sina Ashley at Gwen



Asan si Chiara?



"Susunod na lang daw si Chiara"sambit ni Gwen,nagkibit balikat na lang ako at umupo na .


Kumain muna kami at pumunta na sa beach.
Naka short maong din ang mga babae at naka t-shirt,sinabihan na namin sila na 'wag ipapakita ang katawan nila lalo na't maraming tao sa resort.Nauna na silang lumusong sa dagat at naligo.


"Chiara!sexy mo naman"sigaw ni Ashley


Napalingon ako sa tinitignan ni Ash,papalapit samin si Chiara na naka short ito at swimsuit na bra?!aba't ang tigas ng ulo nito ah!!
May mga napatingin sa kanya kaya nairita ako.



Tinanggal ko ang sando ko at nilapitan siya,sapilitan kong sinuot sa kanya ang sando ko.


"Aray ko ha,bakit ba?magsiswimming nga e"reklamo niya at nagpamaywang pa ito sakin


"Kita mo*turo sa paligid*maraming nakatingin sayo at naiirita ako sa pagtingin nila sayo"singhal ko


"Siyempre nakakita sila ng Dyosa"nakangising sambit nito at nilagpasan ako


Aba't tong babaeng to haisht!!,sumunod na lang ako sa kanya at lumusong na din sa dagat.


"Parang pelikula lang pre ah,sugod agad HAHAHAHAH!share mo naman kasi hindi lang ikaw nakakakita"natatawang sabi ni Clyde

Tinignan ko lang ito ng masama at tinaas lang ang dalawa nitong kamay na parang sumusuko sa pulis.Naghabulan kaming mga lalaki sa tubig,taya si Clyde kaya iniiwasan ko siya.



Truth or dare ang nilalaro namin,ang mahuli ng taya mamimili sa dalawang choice.Nahabol ni Clyde si Kian kaya lumapit kami sa kanya.


"Truth or dare"tanong ko


"Truth"simpleng sagot nito


"Ilan na ang naging ex mo?"natatawang sabi ni Nash


Napakamot pa sa ulo si Kian bago sumagot samin.


"Hindi ko na mabilang e"sagot niya samin

Natawa na lang kami sa sagot niya,playboy ba naman kasi.Nagbilang ito ng 1-10 bago nagsimulang maghabol samin.
Nang masiguro Kong hindi ako mahahabol ni Kian,tumingin ako sa kinaroroonan ng mga babae.


Sumasayaw sa tubig si Chiara na ikinatawa ko,ang cute ng asawa ko!!


"Boom"biglang sulpot sa harap ko



Nahuli na'ko haisht!!



"Dare"sagot ko agad,ngumisi muna sakin si Kian bago nag utos



Binulong nito ang utos niya at tumawa pa tsk.Gagawin ko na sana ang dare niya nang tawagin kami ni Ashley.



"Mga kupal ahon na!10am na!!"sigaw nito mula sa malayo


Naka-ahon na pala silang lahat,kami na lang ni Kian ang hindi pa.Napangisi na lang ako dahil hindi ko magagawa ang utos niya,ang hirap pa naman tsk.Umahon na din ako at sumabay sa paglalakad kay Chiara.


"Huwag kang lalapit sakin,wala kang damit"pagtataray niya sakin


Napanguso na lang ako sa sinabi niya,ayos lang na ako ang nakatopless kaysa naman sa babaeng to psh,ako lang pwede makakita ng sexy niyang katawan HAHAHA!!






***********

Hope you like it^_^


Kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now