D.U7

3.7K 102 3
                                    

*Aika POV*

Wednesday na ngayon,ang bilis ng araw.
Kasalukuyan kaming nakatambay sa bahay ni Chiara,wala si master dahil may inaasikaso daw sabi ni Ate dana na nadatnan naming nagluluto na para sa hapunan.


"May assignment agad jusme,magfofour weeks palang tayo e"reklamo ni Gwen

"Psh tinatamad ka nanaman"natatawang sabi ni Nash,napa aww na lang to ng sikuan siya ni Gwen sa tagiliran

"Teamwork na lang ulit"natatawang suhestiyon ko na kinasangayunan ni Gwen hahaha!

"Mga bata nakahanda na ang pagkain sa lamesa,kumain na kayo at ako'y aalis muna"paalam ni ate

"Ate dana san ka pupunta?"tanong ni Chiara

"Sa kaibigan ko na makakatulong sakin"umalis na ng tuluyan si ate at naiwan kaming nagtatanong sa sarili

Makakatulong sa kanya??bat kailangan sa iba pa e nandito naman kami,pumunta na kaming kusina at sinimulan kumain.
Andami naming ginawa ngayon sa school kaya nagutom ako ahahaha as always naman pfft.

"Puno nanaman plato mo Aika,nagdadalawang tao ka ba?!"nabulunan ako sa sinabi ni Gwen kaya agad akong inabutan ni Chiara ng tubig.

Tinignan ko ng masama si Gwen dahil sa huli niyang sabi bwiset to hmp.

"Nagutom lang buntis na agad?!wala ngang boyfriend buntis na?"inirapan ko siya at narinig kong natawa si Chiara


Kumain na lang ulit ako at di na sila pinansin,natapos kaming kumain na tahimik si prince,may problema ba to?

"Prince bat kanina ka pa tahimik"tanong ko sa kanya at tumayo para kumuha ulit ng tubig

"Wala lang akong ganang magsalita,kami na ni Nash maghuhugas ng pinggan"inayos na ni prince ang pinagkainan namin


Nakakapanibago ah,nagpresenta si prince na maghugas?himala hahaha!

"Nandamay pa"reklamo ni Nash na ikinatawa namin

Pumunta na kaming tatlo sa sala para hindi makaabala sa dalawa.

*Clyde POV*

Nagpresenta na akong maghugas ng pinggan dahil ayoko naman na babae pa maghugas nito,alam kong nagtataka sila dahil minsan lang ako mag volunteer na maghugas.

"Bro may problema ba?nanahimik ka kanina di kami sanay"pagbasag ni Nash ng katahimikan habang naghuhugas na ng pinggan.

"Pagod lang siguro"kumento ko

Oo meron at malaki ito hays


"Tapos nag volunteer ka pang maghugas nandamay ka pa"nakabusangot na sabi ni Nash na ikinatawa ko

"kaysa naman babae pa maghugas nito"sabi ko sa kanya


"Sabagay"nagkibit balikat na lang to at pinagpatuloy ang ginagawa


Problema ko??

Ang kanina ko pang iniisip

Sa sabado na............sa sabado na ikakasal si Chiara hays,ang bilis ng oras pota.

Tanging ako lang nakakaalam na sa sabado na ang kasal ni Chiara,hindi alam ng tatlo dahil ayaw ipasabi ni Chiara siguro may dahilan ito pero di ko alam kung ano yun.

Hindi ko kayang pumunta sa kasal ng taong mahal ko......hindi ko kayang makita na ikakasal si Chiara sa iba.....hindi ko kayang makita siya sa araw na yun.


Lagi kong tinatanong sa sarili ko,bat hindi na lang ako ang pinili ni master??

Mas matagal na ang pagsasama naming dalawa ni Chiara pero bat iba pa din ang pinili ni master na ipakasal kay Chiara??

Dahil ba sa kompanya ni master na pabagsak na?pwede ko naman iangat muli ang kompanya,gagawa ako ng paraan pero wala na.....huli na ang lahat,planado na ang lahat nang malaman ko na ikakasal si Chiara....sino ba naman kasi ako para sirain ang plano ni master hays.

Dalawang araw na lang at sabado na....dalawang araw na lang ikakasal na si Chiara hays.

Ang swerte ng lalaking to at mapapasakanya ang matagal ko ng iniingatang babae sa buhay ko.Sa ngayon magpaparaya muna ako sa kanila pero once na sinaktan niya si Chiara hinding hindi ako magdadalawang isip na kunin si Chiara mula sa kanya.


*Chiara POV*

Natapos ng maghugas ng pinggan ang dalawa kaya nakisalo na din sila sa amin,nanunuod kami ngayon ng horror movie.
Nakapatay ang lahat ng ilaw,may popcorn at inumin,si Gwen ang nakaisip ng lahat ng to,bawal daw kj so di nako umangal pa.

Nilatag ko ang blanket at kumuha ng ilang unan sa kama ko,nandito kami ngayon sa kwarto ko,dito kasi naisipan ni Aika na manuod hahaha.

Sa dulo ng blanket nakahiga sina Gwen at Nash,bale ang posisyon nila,nakasandal si Gwen sa kama ko at nakapatong ang ulo ni Nash sa legs ni gwen so sweet naman hahahahaha!Habang si Aika ay malapit sa tv na kayakap ang unan,Nakadapa ito at nasa gilid nito ang pagkain niya hahaha.

Habang ako nakasandal din sa kama at katabi ko si prince na kanina pako tinititigan??

"Matunaw ako niyan"pagbibiro ko,hindi kami maririnig na naguusap dahil malakas ang volume ng tv

Natawa na lang ito sa sinabi ko,lumapit siya sakin at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Pahiga muna ako ha,susulitin ko na ang ilang araw at oras na kasama kita dahil simula sa sabado hindi na pwede"tila natigil ako sa pagkuha ng popcorn dahil sa sinabi niya,alam ko ang tinutukoy niya at aware ako na hindi lang kaibigan turing sakin ni Clyde.Hindi naman ako sobrang manhid para hindi maramdaman yun kaso hindi pwede e planado na magiging takbo ng buhay ko...pero swear sinubukan kong mahalin pabalik si prince pero kaibigan lang talaga tingin ko,nalulungkot ako dahil hindi ko siya masuklian ng pagmamahal tulad ng sakanya.

"Prince naman e,kahit may asawa na ako magsasama pa din tayo,barkada tayo e"kumento ko

"Yun nga e BARKADA lang ako para sayo hahaah"nasasaktan ako para kay prince ngayon,nyeta to pinapasikip dibdib ko hays

Tinulak ko ng mahina ang ulo niya dahil sa mga sinasabi niya.Natawa ito ng bahagya at lumapit muli sa akin


"Joke lang,ako pa din prince mo ha"pinatong niyang muli ang ulo niya sa balikat ko at niyakap ako

"Ikaw prince ng devious gang ko"ngumiti ako kahit di niya makita



Binalik ko ang atensyon ko sa panunuod.
Walang tigil sa pagtili si Aika dahil sa mga nakakagulat na pangyayari tumawa na lang ako dahil sa reaksyon niya.



***********

Hope u like it^_^

Kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now