D.U21

2.8K 79 3
                                    

*Ashley POV*

Nag text sakin si Xy na kunin ko na lang ang gamit nila para ihatid sa bahay nila dahil nauna na silang umuwi,nauna na ding umuwi si Kian kasama yung aina?eyna?hayst ewan basta yung babaeng pinalabas din kasama si Kian hahahahaha!

Alam kong may gusto si Kian sa babaeng yun hahah,siya lang kasi inaasar ni Kian ng ganon.
Kasalukuyan naming tinatahak ni Matt ang daan papunta sa bahay nila ngayon.
Nakarating na kami sa bahay nila Xy dala ang gamit nila.Binato ko ang gamit ni Xy sa kanya nang makita ko siyang pababa ng hagdan kasama si Chiara.

"Ashley!"sigaw nito sa pangalan ko 


"Hi Ashley"bungad sakin ni Chiara,akmang yayakapin na sana ako ni Chiara pero gumitna si Xy at Matt


"Kung magyayakapan lang din naman kayo,sama na kami ni Xy"natatawang sabi ni Matt

Tumango na lang si Chiara na natatawa pa kaya nag group hug kami.

"Namiss kita Chiara"pagsasabi ko sakanya habang nakayakap pa din sa dalawang lalaking to

Dumadamoves lang tong mga to e hahahah!

"Siya namiss mo ako hindi?"pacute na sabi ni Matt,kinurot ko ng mahina ang tagiliran niya kaya napa aww ito

"Pareho kayo ni Chiara,hard kung magmahal"natatawang sabi ni Xy

Inirapan lang siya ni chiara at kumalas na sa pagkakayakap.

"Dito na kayo kumain,sumabay na kayo samin"pag alok samin ni Chiara

Tumango lang kami ni matt at pumunta na sa kusina.


Nakahain na pala ang pag kain sa mesa,andaming nakahanda,puro mga karne at baboy??

"Pinapataba mo talaga  si Chiara"natatawang sabi ni Matt at umupo sa tabi ko


"Oo para wala na akong kaagaw sa kanya"nakangiwing sabi ni xy


"Wala namang aagaw sakin kung iingatan mo'ko"nakangising sabi ni Chiara

Napa woaahh na lang kami ni matt sa sinabi niya

"Iingatan kita"nakangiting sabi ni xy

"Pwe!di bagay sayo maging sweet pre"natatawang sabi ni matt

"G*go"mura ni xy


Natawa na lang kami sa kanila at sinimulan ng kumain.Nag kwentuhan pa kami ng kung ano ano habang kumakain.Naninibago kami ni Matt dahil ngayon na lang ulit naming nakita si Xy na ganyan tumawa,yung walang problemang inaalala.Namiss ko ang dating Xyred,buti na lang bumabalik na ang dati,iingatan ko si Chiara para sa pinsan kong 'to,si Chiara lang kasi ang nagpabalik kay Xy sa ganito kaya hinding hindi ko hahayaang mawala pa ang babaeng nagpabago kay Xy.

Iingatan kita Chiara.


*Matt POV*

Napangiti na lang ako nang makita kong napapangiti si Ashley dahil sa nakikita niya ngayon.

Ngayon na lang ulit tumawa ng ganito si Xy e.Pagkatapos naming kumain,nag presenta na kaming dalawa ni xy na mag hugas ng pinggan



"Pre welcome back "natatawa kong sabi sabay binatuhan siya ng bula



"Siraulo,maghugas kana nga lang diyan"natatawang sabi nito


Natawa na lang din ako at tinapos na namin hugasan ang mga pinagkainan namin.Nakita naming nagtatawanan silang dalawa sa sala kaya sumali na din kami.Nanunuod pala sila ng comedy movie.

"Horror na lang"suhestiyon ko na kinasang-ayunan naman ni Xy at Chiara.

Matatakutin si Ashley kaya ayaw niya ng horror hahaha!Walang nagawa si Ashley dahil pinilit na siya ni Chiara.Sa kwarto ni xy manunuod,dun napili ni Chiara e hahaha mas malaki daw kasi pfftt.

Sinet na ni Xyred ang papanoorin naming horror,may dalang pop corn at juice si Chiara para saming apat.

"Bwiset ka alam mo namang ayaw na ayaw ko sa horror e"naiinis na sabi sakin ni Ashley

"Pwede mo naman akong yakapin pag takot ka"nakangiti kong sabi

"Psh chansing ka lang e"natatawa niyang sabi

Nagsimula na ang papanoorin namin kaya umayos na kami.Naka higa kami sa blanket na nilatag ni Chiara kanina,nasa kabilang dulo silang dalawa habang nasa gitna namin ang pagkain.

Naka-patong ang ulo ni Ashley sa dibdib ko habang nakatagilid sakin habang nakahiga lang si Chiara at xy.

Biglang may nag pakitang babae na naliligo sa dugo at labas ang laman nito sa ulo sa ilalim ng kama ng bata kaya biglang nahulog ang pop corn na hawak ko dahil sa kakatili ng katabi ko hahaha!


"What the hell!!nakakatakot yung mukha"tiling sabi ni Ashley

Natawa na lang ako sa reaksyon niya,yakap na yakap siya sakin ngayon na nakapikit pa ang mata niya.Puro tili lang ang naririnig namin tuwing nagpapakita ang babaeng duguan,buti nga di nababasag eardrums ko e hahaha joke.

Natapos ang movie na panay tili si Ashley,buti nga hindi nagigising si Chiara pag tumitili si Ashley e haha,nakatulog na si Chiara kaya hindi na kami nakapag paalam sa kanya dahil ayaw naming ma storbo ang tulog niya.Hinatid kami ni xy hanggang sa labasan ng bahay nila,nag paalam na din kami  at umalis na.

Nagmaneho na ako at tinahak ang daan papunta sa hide out namin.Tinignan ko saglit si Ashley na ngayon ay nakatingin sa labas ng bintana.

"Nagugutom ka ba,may gusto ka bang kainin?"tanong ko sa kanya na ikinalingon niya


"Hindi ako nagugutom,masaya lang ako para kay xy"nakangiti nitong sabi,nginitian ko na lang din siya

Mahal niya talaga pinsan niya,kung di lang niya pinsan to baka pinagselosan ko na hahahah!


"Matt"tawag niya sa pangalan ko kaya lumingon ako sa kanya saka binalik din sa daan ang mata ko.

"Hmm"usisa ko

"Mangako ka sakin na iingatan mo din si Chiara"nakangiti nitong sabi

"Ako si Matthew Vergara na nangangakong iingatan si Chiara Buenaflor para kay Xyred Buenaflor na mahal na mahal siya ng kanyang pinsan na si Ashley Miaco na aking minamahal"nakangiti kong sabi sa kanya,natawa ito sa sinabi ko

Hinawakan niya ang kamay kong  isa na naghahawak ng manibela,hinawakan ko  ang kamay nito at hinalikan

"I love you Ash"nakangiti kong sabi


"I love you too Matt"sagot nito sa sabi ko at hinalikan sa pisnge na nagpasigla ng dugo ko

Tinahak ko ang hide out nang naka ngiti at magka-hawak kamay kami ni Ashley.

************

Hope u like it^_^


Kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now