D.U28

2.6K 65 0
                                    

*Ashley POV*

Masaya ako para kay Kian,totoo nga ang sabi ni Kian  kay Chiara.Hulog ng langit samin si Chiara dahil binago niya din si Xy.Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa si Ms. Jhen,Physical Education Teacher namin.Naghanda pa naman ako para sa performance ngayon psh.
Binigyan kasi kami ni Ms. Jhen ng tatlong araw para maghanda sa performance for miniconcert namin.Pwedeng individual pwede ding by group pero 2 to 3 lang ang pwede.


Nakapag practice na kami ni Matt para sa performance na 'to at ang plano namin,mag-gigitara siya at kakanta ako.Kaso mukhang hindi na darating si Ms. Jhen dahil sampung minuto na lang patapos na ang klase niya samin hays.



"Ash bat parang nalugi mukha mo"natatawang sabi ni Matt sa tabi ko

Ito nanaman siya mang-iinis psh,inirapan ko lang siya at nag cross arms


"Ang sungit mo nanaman sakin hays,di mo na ba ako love?"malungkot niyang sabi sakin


Hinarap ko siya at pinagsingkitan ng mata,aba't kung ano pinagsasabi ng g*go psh



"Hindi kita sinusungitan baliw,para sabihin ko sayo mahal na mahal kita kahit minsan gago ka"sumbat ko sa kanya,bawian lang to hahahahaha!

Siya naman ang sumunod at pinaningkitan din niya ako ng mata.Why so cute matt koooo!



"Aba't kahit siraulo ako mahal pa din kita kahit may saltik ka"nakangiti niyang sabi sakin


Ano daw?!ako may saltik?!aba't g*go talaga to



"Love mo pa din naman"nakangiti kong sabi


"Sinong nagsabi?"natatawa niyang sabi

So ganon hindi ako minahal ng gagong to?!



"Joke lang,umuusok na tainga at ilong mo e hahah,opo minahal kita at patuloy pa din kitang mamahalin kahit may saltik ka pa"nakangiti niyang sabi sakin


Napangiti na din ako sa sinabi niya,kinikilig ako kingina mo matt!




"I love you baboy"sambit nito at hinalikan ako sa cheeks



"Sinong baboy!ang sexy ko kaya"sigaw ko sa kanya at tumawa lang ito


"Oo na,yun talaga napansin e pero yung i love you ko hindi hays di mo talaga ako lo------ aray ang sakit nun baby ko"singhal nito at napahawak sa tagiliran niya,kinurot ko lang naman haha


"Kung ano ano nanaman kasi sinasabi mo bwiset ka,ang drama mo talaga e no',I LOVE YOU TOO BIIK"Sambit ko at hinalikan ito sa pisnge





"Biik?sa machong 'to tinawag mong biik? Huwaw naman"natatawang sabi niya


"Para quits*smirk*tinawag mo akong baboy kahit ang sexy sexy ko!"sabi ko sa kanya at pinaglandas ang dalawa kong braso




"Oo na tampururut ka nanaman e hahaha"natatawa niyang sabi at hinawakan ang kamay ko na ngayon ay magka holding hands na kami



Mabilis lang akong lambingin kaya bati nanaman kami ng mokong na to hahaha.


Sana ganito na lang kami lagi,masaya,walang pinoproblema hays


*Nash POV*

May kanya kanyang gawain ang mga tao ngayon dito sa room,may mga naglalaro,nagbabasa,may nagkukwentuhan,nagcecellphone etc.
Imbis na kalaro ko si Prince  sa phone
sa mga oras na to pero ito ako ngayon sinusuyo si Gwen pfft.


Ang hirap naman suyuin ang mga babae haisht,pasalamat tong babaeng to mahal ko to hahahahaha!


May lumapit kasi saking babae kanina tapos nagpapatulong sakin na abutin ang bag nito na nakasabit sa taas.Napagtripan daw siya kaya naawa ako at tinulungan,inabot ko yung bag niya at binigay sa kanya tapos boom!
Hinalikan ako sa pisnge na ikinagulat ko tapos nahuli pa ni Gwen ang nangyaring yun.
Sasapakin na sana ni Gwen yung babae pero inawat ko siya dahil walang laban ang babaeng yun.

Humingi ng sorry sakin yung babae bago siya umalis at iwan kami ni Gwen kaso hindi pa din ako kinakausap ni Gwen mula pa kanina hays.
Inexplain ko na sa kanya ang nangyari pero galit pa din siya,binilhan ko na siya lahat ng gusto niyang pagkain pero wala pa din,tinadtad ko na siya ng sorry sa chat,sa text pero wala pa din,nag sorry na din ako sa personal pero wala pa din hays



"Ggggggwwwwwweeeeennnnnn sorry na"naiiyak kong sabi tsk

Di ko kayang mawala si Gwen sakin kingina,magpapakamatay ako pag iniwan ako ng babaeng to psh.




"Gwen pansinin mo naman ako please"naiiyak kong sabi sa kanya habang hinahawakan ang braso nito



Sa wakas tumingin din sakin!




"Sorry na Gwen,hindi na mauulit pangako,sorry na"pagmamaka-awa ko sa kanya


Buti na lang busy ang mga tao kaya hindi napapansing magka-away kami ni Gwen haisht
Tinaasan lang ako nito ng isang kilay at inirapan muli.



"Look Gwen hindi ko ginusto yun nagsasabi ako ng totoo,pinunasan ko na yung pisnge ko,nag dimpo na ako,nilagyan ko na ng alcohol para hindi kana magalit sakin"pag-papaliwanag ko sa kanya


Seryoso ginawa ko yun para hindi na magalit si gwen ko hays.Lalaki ako pero umiiyak ako pag-dating sa babaeng 'to,siya lang ang nakakapag-paiyak sakin buset haha mahal ko e.



"Ginawa mo yun?"tanong niya sakin at agad naman akong tumango


"Oo ginawa ko yun hindi ka lang magalit sakin"sagot ko sa kanya

Alam kong natatawa na si Prince sa ginagawa ko dahil ramdam ko ang mata niyang naka tingin samin psh.Buti na lang kausap at kasama ni Aika yung Kian kaya hindi niya ako aasarin mamaya hahahahaha!




"Ikaw kasi"paninisi niya sakin



"Sorry na,kasalanan ko po sorry na"pag-amin ko sa kasalanan ko



Hinarap niya ako at tinignan ang pisnge kong hinalikan ng babae kanina




"May germs pa rin 'to,bwiset na babaeng yun nilagyan pa ng germs mukha mo"naiinis niyang sabi

Gusto kong tumawa sa sinabi niya kaso pinigilan ko baka kasi magalit pa 'to sakin lalo haha




"Nilagyan ko naman na ng alcohol e"sagot ko sa kanya




"naiwan pa din ang bakas ng labi ng higad na yun sa pisnge mo gago,lilinisan ko lang"nakangiti na nitong sabi

Nagulat ako sa ginawa niyang yun pero sa loob loob kinikilig nako haha.Hinalikan niya ang pisnge kong kaninang hinalikan ng babaeng yun.



"Tinanggal ko na ang germs"nakangiti niyang sabi



"Bati na tayo?"tanong ko sa kanya at hinintay ang sagot nito




Tumango ito sakin kaya napayakap ako sa kanya.Pinahirapan mo akong suyuin ka hays pero okay lang dahil bati na tayo ulit hahahahaha!




"I love you"bulong ko sa kanya habang nakayakap pa din sakanya



"Na do,Saranghae"bulong niya sakin


Kahit magka ibang lenggwahe ang ginamit namin alam kong mahal namin ang isa't isa.

Magiingat na talaga ako,hirap niyang suyuin hays.



************

Hope u like it ^_^



Kamsahamnida~

Demonstrael University(Completed)Where stories live. Discover now