Chapter 64: Seeking

502 13 0
                                    

Hindi talaga ako makatulog. Pero di ko sinubukang tumakas o suwayin si Mama.

" Ma, aalis ako. Gusto kong bumalik si Ate dito. Kahit san pa ko mapadpad basta hahanapin ko yun. " sabi ko agad kay mama, nang sumapi na ang umagang iyon.

" Hayaan mo siya, ginusto niya yan. Pero ikaw ang bahala kung palalakihin mo pa lalo ang ulo ng Ate mo. " ang sabi ni Mamu.

Kung walang trabaho si Papu, nako! Ending nito, naka-kulong ako sa kwarto dahil di talaga nila ko palalabasin.

" Bye ma. Ingat sakin. " for atleast naggoodbye kiss din ako kay mama tsaka naglakad paalis ng bahay dala ang cellphone ko at maliit na bag na may lamang tubig at dalawang pares ng damit. At pera na rin kung kinakailangan.

Maaring nasa bahay siya ng boyfriend niya.

Buti na lang alam ko bahay non. Thank God.

Pagdating ko doon,

" Nandito po ba si Kuya Paul? " ang tanong ko sa babaeng nadatnan ko sa loob ng bahay nila.

" Wala. " maikli niyang sagot.

" Nasan po? " dugtong ko.

" Umalis. " sagot niya.

" San po papunta? May kasama ba? Kasama niya ba si Ate Kisses? " Kalmado pero nenenerbyos kong tanong.

" Ewan ko. Nagtanan yata. " kukutusan ko na tong babaeng to eh! Nagtatanong ako ng maayos. Ang tipid sumagot. Patagal din!

" ho? Eh san naman sila pupunta? " pigilan niyo ko. Kanina pa niya di sinasagot tanong ko kung saan.

" Baka sa probinsya. "  penge mahabang pasensya!!!

" San pong probinsya? " kalma lang talaga. Kalma ka lang Heryang.

" Di ko sigurado kung sa Batangas o sa Batanes o Bataan. Isa lang sa tatlong yan. " MAGALING KA ATE! ISA KANG ALAMAT!!

HAY NAKOOOOO! -O-

KUNG DI LANG TALAGA AKO NAGMAMADALI, GUGUPITAN KO SI ATE NG NO HAIR- HAIR STYLE.

PARANG BAGAY EH. BUSET.

Ano naman una kong pupuntahan sa tatlo? At isa pa... ang lawak-lawak ng mga lugar na yun!!!

Ate kisssssessss!!! Uwi na!!!

Naglalakad ako ng di alam san patungo. Nagbabakasali ding di pa talaga sila nakakalayo.

*beep beeeeeep!*

Malakas na preno ng isang sasakyan sa harap ko. Kung nagkataon, deads pa si ako. No waaay!

Bumaba ang isang estudyante mula sa kotseng iyon.

" Hersheys? Sorry! Okey ka lang ba? San ka galing? Bakit nakapangtulog pa yung suot mo? " sunod-sunod na tanong ni Joseph na mukhang papunta ng school.

" Wait. Hinga ka. Hinga ako. Hinga tayo noh? Okey. Ganto kasi yun... SI ATE KISSES NAWAWALAAAAA!!! "

Walang ano-anoy, di namin namalayan na nakasakay na kami sa kotse niya at nagmamadaling nagpunta sa bahay nila.

Lumabas ng gate ang mommy niya at si Kia after 10 minutes kasama si Joseph.

May dalang mga bag.

Yung iba nilagay nila sa may compartment ng kotse.

At yung dalawang bag na parang basket ay sa upuan sa likod namin.

" Hersheys, sana makita niyo ate mo. Ako na makikipag-usap sa mama mo pag di pa kayo nakabalik within 2 days. May binigay din akong pera diyan, incase of emergency. " sabi ng Mommy niya habang nakasilip sa bukas na bintana ng kotse.

Light Feather (HAB)Where stories live. Discover now