Chapter 55: Vicky

430 10 0
                                    

Inimbitahan ako ni Diether na mag-mall. Pumayag naman ako since gusto kong malibang sa ibang bagay.

" Diether... kain naman tayo. " ang sabi ko.

" napaka-patay gutom mo naman. " di ko inaasahang sasabihin niya.

" ANONG SABI MO!? " napasigaw naman ako.

" Joke lang HAHAHA. di ka naman mabiro. " napaka-mapang-asar talaga ng taong 'to.

" San tayo? " ang tanong ko dahil ilang minuto na rin kaming palakad-lakad lang.

"  Maglaro na muna tayo bago ka kumain~ Nataba ka na oh? " sabay pisil niya sa pisnge ko.

" Palibhasa ting-ting ka e'. "

Nauna siyang maglakad at sinundan ko siya.

" Teka! teka! Anong gagawin mo? " takot kong pagtatanong.

" Ha? Wag dito Hers. Pinagkakatiwalaan pa ako ng magulang mo. " ngumingisi niyang sagot.

" Ano ba yang mga pinagsasasabi mo? Bakit dito tayo papasok? " ang tanong ko.

" Wag kang mag-alala, aalalayan kita. " pang-aasar niya pa.

" Pero natatakot ako... " hinawakan niya ang kamay ko.

" ELEVATOR LANG 'TO! HINDI KA MAMATAY DITO! BRUHA KAAA~ " umarte syang bakla.

Napatawa naman ako d'on.

Bwisit. Ayoko sa elevator, mahihiluhin ako. Feeling ko lagi di ako makahinga sa elevator.

Maya-maya,

Narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng elevator.

Kumapit naman ako ng mabuti kay Diether.

" Hers, wag dito. May tamang lugar okey? Hinuhubaran mo na ko e'. " haysss baliw talaga 'tong si Diether!

Hindi na ako naka-react dahil umandar na yung elevator. Na-out balance pa ko, buti na lang nandito si Diether.

Habang naandar yung elevator pataas, ang tanging nasa isip ko lang ay.. 'Matagal pa ba?' 'Ang bango naman ni Diether' 'Tae.Nasusuka na ko'

" Wuy?! Nag enjoy ka masyado a? " sabi ni Diether.

Napatingin naman ako habang nakakapit pa rin kay Diether.

Nakatingin samin yung mga taong naghihintay na lumabas kami ng elevator.

Sa sobrang kahihiyan, napabalikwas ako at naiwan si Diether.

" Hoy hintayin mo ko! " sigaw ni Diether. Binilisan ko lang ang lakad ko.

dyuskoo Hersheys.

"  ahhhhhh~ Diether!!! " sigaw ko.

" bakit anong nangyayari sayo? " mabilis niyang tugon.

" nasusuka ak-- *about to vomit* "

" Buntis ka?! Sabi ko naman sayo wag e'.  "

" Sasapakin kita mamaya pag ako naging ok--- *waah* Diether!! " nasusuka na talaga ako dahil sa hilo.

Inalalayan naman ako ni Diether at dinala sa C.R. ng mall.

" ayy! ano ba yan? "
" hoy bawal lalaki dito! "
Sigawan ng mga nasa C.R ng babae. Pumasok kasi si Diether at nakaalalay pa rin sakin.

" Pwede po bang paunahin niyo na 'tong kaibigan ko? Dont worry, wala akong gagawing masama. Babae din kaya eke~ " nakuha pang umarte ng lalaking 'to.

Buti na lang at mabait yung isang ale at pinauna ako.

Sa pinakadulong cubicle, pumasok ako at sumuka.

Light Feather (HAB)Where stories live. Discover now