Chapter 22: Mean

563 18 0
                                    

                   HERSHEYS' POV

Sobra akong nasaktan sa mga sinabi nya. Pinatunayan nya lang sakin na hindi ko nga talaga dapat syang magustuhan.

Tama na Hers, sign na yun na tigilan mo na kakaasang mapapansin ka nga niya.

At kagagawan mo rin yan, kaya tama na.

Simula ngayon, sarili ko na lang iisipin ko. Sarili kong kasiyahan at hindi ko na sya pakikialaman.

" HERSHEYS! CONGRATS! " niyakap ako ni Mairah sa pagbalik ko sa school. Nakabihis na sya.

" Huh? " buong pagtataka ko.

" Hi Hers, Galing mo! " sabi ng mga napadaan kong pauwi ng classmates.

ngumiti lang ako at nagtataka pa rin.

" HERS! SAYO NA ANG KORONA! IKAW SI JULIET! " malakas na sabi ni Mairah na tuwang-tuwa at palakpak ng palakpak.

" Ako si Juliet? Sino si Juliet? "

" ay parang shunga lang bes? " binatukan nya ko. " Yung sa Romeo and Juliet. Ikaw yung gaganap na Juliet. IKAW SI JULIET! IKAW YUNG BIDANG BABAE! "

" Wag ka namang sumigaw, naririnig ko naman. "

" Naintindihan mo na? Lutang ka eh. Bakit ba? " ang tanong nya.

" Never mind bes. " lumakad na ko papunta sa room hatak ang mahabang palda ng gown ko. Pero bago pa ko makarating ,

nakasalubong ko si Diether.

" Ay taray. May pa moment of silence na ganap. Wag kayong magtitigan! Sabay kayong matutunaw nyan. HAHA. " -____- Papansin nanaman si Mairah.

" Oh. Bag mo. " binigay sakin ni Diether yung bag ko na dala nya. Pero yung mukha nya, straight face. Bigla syang nagwalk out.

Anong trip nun?

Sinundan ko sya.

" may problema ba? " ang tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin at nakasimangot.

" Wala. Pagod lang siguro ako. Ang pogi ng Romeo mo. Bagay kayo. Dun ka na. " at umalis na sya na mabilis na mabilis ang paglalakad na parang tumatakbo na.

Romeo ko? Sino nga ba?

Nagpasama ako sa CR, kay Mairah para magpalit ng gown sa damit pang alis para makauwi na rin ako.

" Bes, sino pala yung Romeo ko? "

" Hala ka dyan. ROMEO KO? Hahahaha. Ikaw ah. Feel na feel mo yan. " tinawanan pa ko, eh nagtatanong lang naman ako.

" sino nga? -_- "

" akala ko ba nag usap kayo ni Diether. Di nya sinabi sayo? "

" magtatanong ba ko kung alam ko na? Eh sabi nya lang pogi daw tsaka bagay daw kami ng Romeo 'KO', sya nagsabi nun. " nanlaki bigla ang mata nya..

" WAAAAAHHH! BES KINIKILIG AKO WAAAAHHH! " tili lang ng tili si Mairah.

" Ano ba?! Di mo pa rin sinasagot tanong ko. -3- " ngumisi sya at natatawa. Yung parang batang binigyan ng kendi for the first time na abot langit ang tawa?

" SI DIETHER! AYEEEEE~ "

" O.O Seryoso? Lokong lakaki yun ah! Kaya pala sabi nya pogi =_= bakit di ko naisip na kaya kinompliment nya ay dahil sya yun. Hoo. "

" Nakooo. Nakakainggit ka bes, T^T ikaw na may love life. Ang pogi pa ni Diether. " nagdadrama syang pinagnanasahan si Diether.

" edi sayo na. " sabay labas naman ako ng CR.

Light Feather (HAB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon