Chapter 50: Schedule

392 12 0
                                    

Ang saya matulog ng walang problema.

Ang sarap matulog ng walang iniisip sa paggising mo.

10:56 PM

Diether: Diba sabi ko, babawi ako? Lets meet tomorrow at 9 AM. Sunduin kita. :)

Diether is active 9 hours ago...

6:45 AM

Joseph: Hihintayin kita sa park. Same time at 9 AM. Tuloy ang tutoring. Good morning.

Joseph is active 2 hours ago...

ANONG GOOD MORNING?!

ANONG GOOD SA MORNING KUNG GANTO MABABASA MO?

TAEEEEEEE!

ANONG GAGAWIN KO AH?!

Baka magalit sakin si Joseph pag di ako pumunta? Well, lagi naman siyang parang galit sakin.

Pero, pag si Diether  naman, kakabati lang namin, magtatampo nanaman yun. Waaaahhhh!

Who to choose? Whom to choose? Whose to choose?

WHO WILL I CHOOSE?!

NAKAKALOKA NAMAN OH!

Ahhhh! Ganto na lang, di ako magbibihis! Yan! Tama yun!

" HOY! Nababaliw ka na? Para kang sinasapian diyan? Pa-mental kita? " sabi ni Ate Kisses.

" Eh kasi naman o! Hindi ako makapili! Naguguluhan ako! hayysss! " hiyaw ko sa inis.

" We always have choices. Choose the better one. " sabi ni Ate Kisses habang ang mata ay nasa cellphone niya naman.

" Taray, english. Di ka na ma-reach. Ahhh NAGUGULUHAN PA RIN AKO! " makakalbo ko na ata sarili ko sa kaka-kamot at gulo nito.

" Ano ba kasi meron? "

" Yung crush ko, nagtsu-tutor yun sakin ng english! Tapos si Diether, kaka-bati lang namin at niyaya akong makipagkita ngayon! Anong pipiliin ko?! "

" Ay.. edi Mas hindi kita ma-reach! Haba ng hair mo baka matapakan ko, paki ayos a? Di ko alam isasagot sayo kasi Stick-to-one lang ang Ate mo. ahhhmm excuse me muna po ate long hair kasi magluluto ako ng ulam natin, think well! " ayssst nang-asar pa talaga 'to si Ate. -_______-

Naiwan ako sa kwartong nakatulala at di alam ang gagawin.

Magtago na lang kaya ako?

O wala na lang akong pupuntahan para di-unfair. Pero.... dalawa naman yung papaliwanagan ko! T^T

*beep* *beep*

Narinig kong busina sa labas ng bahay.

" HERSHEYS MAY NAGHAHANAP SAYO!! " sigaw ni Ate.

Si Diether na yun, dyuskoo.

Anong sasabihin ko?

Hoyyy! Sumagot kayoooo! Anoooo!? Anak ng lumpiang shanghai toge naman oh! Wadfeeheyakwgsyaj!

" Hoy hersheys? Lumabas ka na diyan sa kwarto, nag-iintay bisita mo sa sala. Yung buhok mo paki-tali baka matapakan ko. " sumulyap si Ate sa kwarto at umalis din.

Tae. Tae. Tae.

Pag labas ko sa kwarto ay naghanda ako ng sasabihin sa utak ko,

" ahhhmm Dieth--- JOSEPH?!! Bakit ka nandito? " gulat na gulat ako na siya ang dumating. Nanlaki ang mata ko at bumukas ang labi ng bahagya.

" Bawal ba ako dito? Oh sige , alis na lang ako.. " umakma siyang aalis at bubuksan na sana ang pinto,

Nang.. biglang..

Light Feather (HAB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora