Chapter 48: He Cares

413 11 0
                                    

Kamuntik-muntikan na kong ma-late ngayong araw. Napasarap bigla yung tulog ko at alas onse na kong nagising. Wala man lang nagmalasakit saking gisingin ako. Grabe. -__-

" We have a quiz. 10 minutes review for youre 50 Item test. " announcement ni Sir.

Madali lang 'to. Nakikinig naman ako sa lectures e. Very easy.

Nagbuklat lang ako ng onti tapos napansin ko nanaman na wala akong katabi.

Mairah T^T

Tahimik ang lahat na nag rereview, samantalang si Sir, may kung anong binabasa sa tablet niya. Nagpi-facebook siguro yun. Baka Spookify o baka naman Secret files trip nito ni Sir?

" Whats the matter Ms.Flores? " nakita ako ni Sir na nakatingin sa kanya. Sa pagtanong na yun ni Sir, napatingin din yung mga classmates ko sakin.

" Nothing Sir. Hehe. " Napabalikwas tuloy ako. At tumungo na lang sa notebook ko.

Kakaloka.

Maya-maya pa,

" Times up. Take all the things on your desk under your chair excepting your pens. " pagkasabi nun ni sir ay nagsigalawan ang lahat at isang iglap lang ay naging malinis ang mga desk ng lahat.

Tae. Nasan ballpen ko?

dito ko lang yun nilagay sa bag ko e. Wala naman akong sinulat kagabi. Di ko naman yun inalis dito sa bag e! Nasan na yun!?

Halaaaaaa! Nagbibigay na ng answer sheet si Sir! Dictation pa naman yung tanong! Maaaammaaaaa!

Ngayon ka pa nawala kung kailan , kailangang-kailangan kita! ToT

" Nasan ka na baaaaa?! " gigil kong tanong sa sarili na pinipigilan ang pag sigaw.

Kainis naman 'e!!!

" Whats your problem Flores? " bigla akong kinabahan. Akala ko kasi si Joseph. Si Sir pala, ibibigay na answer sheet ko.

" Ahhh.. Nawaw--- "

" Talk to me in English. " pahirap naman tong si Sir.

" My pen is lost .. hehe.. " biglang nagtawanan ang mga kaklase ko, at nagtinginan ang lahat sakin.

Napatimgin ako kay Joseph at yung mukha ko nagtatanong ng 'Bakit sila natawa?' dahil siya lang ang nakita kong hindi.

Umiling lang siya at tumingin pabalik sa desk niya.

" Who will let Ms. Flores to borrow an extra pen? " tanong ni Sir sa lahat.

Pero walang nasagot

" Anyone??? " tanong niyang muli.

Grabe, wala silang pakialam sakin. T^T Di ko naman kakainin yung ballpen nila. Bibili naman ako sa canteen, mamayang break time. Isasauli ko naman yung sa kanila. Grabe talaga.

Ang hirap talaga ng walang kaibigan ah.

" Flores.. " narinig kong boses mula sa likod. Napalingon ako at tama ang hinala ko, Si Diether nga iyon.

Naka -abot sakin ang isang blue ballpen.

Kinuha ko naman. At ngumiti awkwardly.

Dalawa na silang natawag sakin ng Flores. Ang galing! Gaya-gaya sila sa Teachers.

Pero,

Hayss Thank you Lord!

May ballpen na ko!

" Okey, lets start the test! Number one ..... " nag-umpisa na kaming magsagot sa test namin habang si Sir dinidictate ang tanong at choices.

pagkatapos ng halos isang oras,

Light Feather (HAB)Where stories live. Discover now