Chapter 23: Me and Him

547 14 0
                                    

                    VICTORIA's POV

" mama, ayoko na. " ang sabi ko. Gusto ko ng matapos toh. Ayokong mabuhay na niloloko ang sarili ko na mahal ko sya pero iba naman pala ang mahal ko. Si Joseph ang mahal ko.

" Anong sinasabi mo? " tanong nya sakin na naka-cross arms.

" Ma, Hindi ko na kayang magkunwari. Nagsisinungaling ako kay Vincent. At ang sama na ng tingin ko sa sarili ko."

" Siya ang gusto ko para sayo. Mabait naman sya ah? Bigyan mo kase ng time para makilala mo sya ng lubusan at wag kang mag inarte ah?"
Bigla syang nag walk out at pumunta sa kwarto niya.

naiinis na ko sa sarili ko.

Ayoko na ng gantong buhay.

Hindi ko maiwasang hindi tignan si Joseph. Kasi mahal na mahal na mahal ko pa rin sya hanggang ngayon at hindi magbabago yun.

Dapat tinanggap ko na lang yung alok nyang kasal.

Dapat hindi ko sya iniwan.

Dapat magkasama naming pinaglaban yung nararamdaman namin sa kahit na sinong tumutol.

Kahit anong gawin ko,

Wala na lahat.

Dumating na si Vincent sa bahay, para sunduin ako dahil may pupuntahan kaming lugar na never ko pa daw napupuntahan.

" Oh? Bat nakasimangot babe ko? -3- "
Ang tanong nya sakin.

" Wala. Okey lang ako. Tagal mo kasi eh. " pagpapalusot ko.

" Huh? Eh 10 minutes advance nga ako sa usapang oras eh. namiss nya ko. Ayieee~ " ngumisi sya at pinaglaruan ang nakalugay kong buhok.

" Hehe. " tumawa na lang ako.

" TITA? ALIS NA PO KAMI! " sigaw nyang malakas. Feel nya talaga ang closeness nila ni mama.

" Okey. Ingat. " sumilip lang si mama sa pinto ng kwarto nya.

At umalis na kami, sakay ng kotse ni Vincent.

Habang nagdadrive sya,

Hinawakan nya gamit ang kanang kamay nya ang kamay ko at ngumiti sakin.

" Magdrive ka nga lang. Baka mabunggo tayo. " ang sabi ko sa kanya.

" Sorry po. "

" San ba tayo pupunta? Malayo ba yun? "

" Matatagalan lang tayo kasi traffic. " ang sagot nya. Di na ko ulit nagsalita.

Instead, nakatingin na lang ako sa labas ng kotse.

And then i recieve a text message,

From GRACE
Sis, si Joseph daw dinala sa hospital kahapon. Balita lang sakin ng classmate nyang kapitbahay namin.

O.O

kinabahan ako ng sobra at nag alala. Anong nangyari sa kanya?

I am using Grace and Ricky as my spy or Reporter na makakapagbalita sakin about Joseph. For atleast, alam ko yung kalagayan nya lagi.

" Okey ka lang babe? "

" ah oo. Nagtext lang si Grace, nangangamusta. " ang sagot ko sa kanya. Nakuntento naman sya sa sagot ko at di na nagtanong ulit.

until we arrived somewhere,

Isang parang sobrang lawak na private garden na puno ng mga halaman, mababang damo at iba't-ibang kulay at klase ng bulaklak ang makikita.

Light Feather (HAB)Where stories live. Discover now