Chapter 62: Messier

443 13 0
                                    

Diether: yehery! Idi-date mo ko bukas?

Syehsreh: asa

Seen

Syehsreh: joke hihihi

Syehsreh: prepare mo lang pinakapogi mong suit! Char, kidding aside. Peace offerring yun bes

Diether: bes LANG talaga

Syehsreh: aneber

Diether:  ̄ε  ̄ bakit ang bait mo ngayon? May lagnat ka ba? May nagawa kang kasalanan?

Syehsreh: alam mo naman sagot jan sa tanong mo e

Syehsreh: lets talk tom at 4 pm

Diether: sige

Diether: unahan tayo sa place haha magpo propose ka na siguro sakin

Syehsreh: Diether!!!

Seen

Baliw na taong 'to. Seener na siya, di naman siya ganyan dati.

Kaltok 'to sakin bukas baka may pinaplano 'to.

Kinabukasan,

Naglalakad ako sa school ng may tumawag sakin, as in sa phone ko.

Unknown number, kaya as usuall ang isasagot ko ay " Hello, Sino po 'to? "

" Di ako puto. Nakakalerki ka. " boses ng isang babae. Pinilosopo pa ko.

" MAIRAH!!! Is that you? " napasigaw ako.

" ay taray. Nawala lang ako, nage-english ka na besh! Improving ah! Baka di na kita ma-reach niyan. Haha " Confirmed siya nga ito. Napakadaldal talaga. Oo o Hindi lang, napakahaba pa ng sinabi.

" hindi naman sa pagmamayabang pere kese--- eh! MISS NA KITA! DI KA PA NAGREREPLY SA CHATS KO! INI-INBOX ZONED MO KO! Grabe ka sakin ah! " umaarte pa kong umiiyak non. Pero syempre, sarcastic kaya di ko mapaniniwala yun.

" sorry na nga! Kaya nga tinawagan kita eh. Atleast naka-unli ako, maririnig mo pa maganda kong boses. "  kaya namimiss ko 'to eh. Sa mga ganyang hirit niya ako napapatawa kahit minsan nakakasuka na mga pinagsasabi niya sa sarili niya.

" Ano na bes!? Malapit na summer! Dalaw ka naman sakin! " pagsabi ko non ay naupo muna ako sa isang hagdan sa school.

" Ako kaya dalawin mo! chicks ka ah? Tsaka may papakilala din ako sayo. Emegerd. Katabi ko ngayon prince charming kooo! *ano ba moo! wag mo kong tignan ng genyen* " ANG PABEBE NI MAIRAH TAE! NATATAWA KONG NAIINIS SA MGA NARIRINIG KO.

" So may jowa ka na? " ang naitanong ko kahit obvious naman ang sagot.
'MOO' pa tawagan. Korni.

" grabe naman yang term mo! Jowa talaga. Diba pwedeng boyfriend?! " Okey. Again. Ang dapat Oo o Hindi lang, mahaba pa ang sagot.

" mas grabe ka! Ilang months ka pa lang dyan! May bf ka na! Nakakabaliw kayo pakinggan, Corny. " Well, okey lang naman na sabihin ko yun dahil very open kami sa isa't-isa.

" Corny na kung corny. Pero... duh. Mararanasan mo din yun. Pati na magpakapabebe, pakipot, pa-cute, at kung ano pa, once na maramdaman mo na inlove ka. " pagdefend niya sa sarili niya.

Naririnig ko naman ang pagpipigil ng tawa ng 'MOO' niya. -3-

" Okey fine. Hands up na bes. I gave up sa diskusyong ito. Suportahan lang kita diyan. Tell me if he hurts you. I'll beat him! Stay Strong sa inyo. " sabi ko.

Light Feather (HAB)Where stories live. Discover now